Alas dose, trenta'y tres ng madaling araw. At gising pa din ako. Samantalang kanina, mahimbing na akong natutulog. Ayun, may tumawag, nanggugulo lang pala. Nakakainis di ba? Di na ako nakatulog ulit. Palabas sa HBO yung Eat.Pray.Love, 'di ko naman nasimulan kaya 'di ko nadin binalak tapusin. At saka, sabi nila, hindi naman daw maganda. Binuksan ko ulit si Jasper, nag Facebook at naglaro ng tetris. Lumevel up na ako. Nakakatuwa laruin iyon kasi nakakachallenge, ba. Andami kong gagawin bukas, iniisip ko pa lang, napapagod na ako. Bakit ba ang tamad ko? Hindi ko matapos ang isang bagay nang isang upuan. Nakakainggit yung mga taong masisipag. Pinagkaitan ako. Sila na! Hay. Wala naman magawa. Naloloka na ako. Wala akong load. Eh ano naman kung may load ako? Wala din naman akong taong makakausap sa teks. Susubukan ko nang matulog, iisipin ko nalang yung mga bagay na gusto kong mangyari. Shet, sarap sa pakiramdam. Heaven, ba.
Pasensya na, nagblog ako ng walang kwentang bagay. Bow.
Saturday, September 10, 2011
ANYARE?
Sabi ko kahapon, gagawin ko na lahat ng kailangang gawin para sa linggong 'to. Nilakihan ko na nga yung bullets sa organizer ko para matapos ko. Pero, ANYARE? Iilan lang yung nagawa ko, pero di bale, nasimulan ko naman yung iba. Eto pala yung mga natambak kong gagawin ngayong sabado at linggo.
* Social Psychology Reporting
* Basahin si Carandang at Bulatao
* Aralin yung Chapter 7 & 8 ng GD
* Notes sa Abpsy and Lab
Sa kasamaang palad, tinamaan na naman ako ng katamaran. Pero, sabi ko nga, buti at nasimulan ko na. Ayon, wala kasi ako sa hulog para tapusin iyan lahat. Utang na loob, wala ako sa mood. NAKAKATAMAD MAGARAL. Bukas, magsisimba ako. Nagtatampo na Siya sa akin. Sana po bigyan Niyo ako ng kasipagan, mga 80%, para naman maramdaman kong estudyante ako. Nakakamiss din pala ang magblog. Heehee.
Subscribe to:
Posts (Atom)