Friday, September 16, 2011

DAY 259

SURPRISE! :D

Chicken Alfredo from Yellow Cab :)

Entered our Abnormal Psychology class and found this on my table.  Didn't know it was for me until my friend saw a message. It was from my ex. I really felt kilig since it was my first time to experience this kind of surprise. And I was really looking for the person who connived to make this possible. I felt happy seeing this. He really made an effort to surprise me. But then, I still feel that he's just making this to recover what we used to have. But you know, I am not closing my doors and I'm still open with possibilities for what might ever happen to us. By the way, inside I found a USB and 100 peso bill (which was my change from EK entrance) and another note saying, Here's a copy of Friends with Benefits (which was the movie I want to see because of JT and Mila Kunis:">).

This whole thing made me feel special and valued. As you know, I was ranting before about the issue of giving effort between us and me being taken for granted. And here it is. I know now how it feels to be surprised.
HEHEHEHEHEHEHEHE <3
P.S. Thank you AS :>

Thursday, September 15, 2011

DAY 258

Naglalakad ako sa may Bayan, papuntang terminal ng tricycle. Lumilipad lang yung isip ko. Kung anu-anong bagay ang naiisip ko. Ilang lakad na lang, malapit na ako sa terminal. Hindi ako tumitingin sa mga taong nakakasalubong ko, andami kong iniisip kaya lang, hindi ko na maalala kung ano yung mga 'yon.

Natulala ako. Siguro mga limang segundo, napahawak sa bibig. Gulat na gulat sa nangyari. TANGINA. May lalaking humawak sa isang parte ng katawan ko. Anong gagawin ko? Napatanga na lang ako. Ano ba? ANG MALAS KO. Sa lahat ng makakasalubong ko, BALIW PA. At yung mga baliw pa na bigla nalang manghahawak ng, alam mo na. Dati rati lang, iniisip ko pa kung ano ang gagawin ko kung sakali ngang mangyari sa akin yung ikinuwento ng propesor ko noon. Ngayon, nangyari na nga. At, wala akong nagawa. Gusto ko sanang ibato sa kanya yung hawak ko, kaso naisip ko, laptop ko yung hawak ko.

Alam mo ba yung pakiramdam? Wala akong nagawa. Napamura na lang ako. Naglakad na lang ako nang tuluyan at umuwi. Sana bumilis ang oras at gusto ko na makita ang nanay ko. Dumating na ako sa amin. Iaabot ko na ang bayad ko, nanginginig ang kamay ko, natatakot ako sa tricycle driver. Parang ayokong makakita ng lalaki, makausap o makasalamuha dahil sa nangyari. Pagdating ko ng bahay, hinanap ko agad yung nanay ko, umiyak ako at kinuwento ko ang nangyari. Sinabi ko, ayoko nang lumabas ng bahay. Umiyak lang ako ng umiyak.

Umakyat ako sa taas, umiiyak padin. Hanggang sa nakatulog ako. Nakaka-trauma. Hindi ko maisip kung bakit ako eh. Alam mo yun?

Hanggang ngayon hindi ko padin makalimutan kung pano dumikit yung kamay niya. NAKAKAGAGO. NAKAKATAKOT. NAKAKAIYAK.