One of my favorite online stories nung HS ako :) Try niyo basahin na yung feelings niyo eh pang HS, pag ngayon kasi maiisip niyong, ordinary lang and mashadong unrealistic.
Mark:
di ko tuloy alam kung anong mararamdaman ko ngayon. maiinis ba ko kay Jane dahil hindi ko na masosolo si Kate o matutuwa dahi may ka-"girltalk" na sha? Pero siguro, ang pinakamaganda, friends sila tapos di dito titira si JAne para kaming dalawa pa din ni kAte. Tapos di ko pa sha kasabay umuwi. Pano, "hiniram" na naman sha ni James. Magmimiting daw sila. woooh, Meeting meeting.. Palusot! if i know, gusto lang nia kunin saken si Kate. Dapat pala pinagdukdukan ko na si Jane kay james dati pa para di na nia pwedeng pormahan si Kate ngayon. Bagay naman sila ni Jane eh. Parehong "J", parehong paningit, parehong bad timing! O db, perfect match?
TAMA! magsama na lang silang dalawa para sakin na lang si Kate. PAra wala na kong kaagaw. Tapos magtanan na sila. dun sa pinakamalayong planeta. dun sila sa planet pluto. dun silang dalawa. wag na silang babalik. pero... kawawa naman sila, walang oxygen dun. madami pang alien. chaka kahit pano, bespren at insan ko pa din naman sila. kaya imbis na maexile sila sa outerspace, mamundok na lang sila, dun sa bundok tralala kasama ng mga ita at unggoy para naman magkaron sila ng bonding wid mother nature.
WWWWWWWWWWWAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHH! ano ba tong mga pinagiiisip ko?! nakanamang buhay kc toh eh. ngayon ok, mamaya hinde. ngayon masaya, mamaya malungkot. bakit ba kc di na lang matutong makuntento sa isa? haay.. leche nman kasi talaga. basta kailangan ko ng gumawa ng paraan. kailangan ko ng gumalaw. kaya nakapagdesisyon na ko..! tentenenentenen.. Paplanuhin ko na kung pano ko liligawan si Kate!
Kate:
iMpErNes, mayamang galante tong si James. alam nio kung baket? maguusap lang kame tungkol sa project, gusto sa powerplant pa. layo layo sa ust. ewan ba dun kung anong trip sa buhay. bahala sha. tutal may koche naman sya at di nia ko pagjijipin hanggang dun, eh di sige, powerplant it is..! eh di pinuntahan na namen ung koche nia sa parking tapos umalis na kame.
ang kakaiba ng feeling. iba pala pakiramdam pag kaming dalawa lang. ung as in sha at ako lang. di ako komportable. pakiramdam ko multo ung kasama ko sa koche. pag sinusulyapan ko sha, natatakot ako kasi para talaga kong nakakakita ng multo sa sobrang kamuka nia si Siege. pero ewan ko, hindi ako naiiyak. himala nga ng langit eh, kahit urge na umiyak wala. maliban lang sa parang nakakakilabot eh, wala. kalamado lang ako. wirdo ko tlg paminsan minsan. actually, lagi.
Pero, juz thinking lang ha, nasan na kaya si Siege ngayon? nakikita kaya nia ko? ano kayang nararamdaman nia na may kasama ko ng kamukang kamuka nia? Kung buhay sha ngayon, kami pa kaya? masaya kaya kame? magkasama kaya kame?
there's no way i could find out. ever. kase wala na sha. wala na at di na babalik pa. if it werent for Jane. if only she didnt make that bet. sana buhay pa ngayon si Siege. but deep inside, something's tellin me dat its not entirely her fault. actually, da bigger share is myn. i have my fair share. kung siguro pinakinggan ko muna sha bago ko magalet, kung sana hinayaan ko shang mag explain, sna di ngyari ung aksidente. if i werent such a hard-headed, hard-hearted b!tch, siguro, buhay pa sha ngayon. siguro nga walang may kasalanan kung hindi ako. ako at ako lang. oo. its all my fault kc i dont know how to listen. kahit 5 minutes lang, di ko sha nagawang pakinggan. what a big stupidity. i lost the only guy i loved because of my stupid pride. ur such a stupid girl Kate. ur such a very stupid girl. at yang pagiging malungkot mo at miserable, u deserve it. actually, kulang pa yan. kc wala kang kwenta. walang wala. kung di ka ba naman kc talagang isat kalahating gaga eh di -
"Miss Kate Anne Garcia, nasa planet Earth ka pa ba?"
"Ha?"
"NAndito na po tyo. Mukang ang lalim ng iniisip mo ah. kanina pa ko nagsasalita, di mo pla ko pinakikinggan."
"sorry ah. mejo malalim lng tlg ung iniisip ko."
"Sino? Si Mark?"
"Ha? hindi no."
"buti naman" >pabulong<
"Ano po un? baka sabhin mo di ako nakikinig."
"Wala.. tara na."
Bumaba sha tapos pinagbuksan nia ko ng pinto. Bumaba na din ako at sumunod sa kanya palabas ng parking lot. ang bilis naman neto maglakad. MAy meeting?
Nyaha. magmeeting nga pala talga kame kaya kame nandito. Pero impurnes ulet, nung nakikita niang nahuhuli ako, nagbagal sha ng lakad para makasabay ako.
Pumasok na kame ng mall. wala na mashadong tao. PAnong magkakatao eh mag aalasdyis na. Lumakad pa kame tapos sabi nia kain daw muna kame. treat ulet nia.
naks talaga. ang galante. shabu shabu pa pinili niang kainan. ang mahal kaya dun. pero, waha, favorite ko dun. ang kulet kasi eh, ikaw magluluto ng pagkain mo. ang cute db?
After ng nakamute namin na pagkain, nag-aya naman sha sa starbucks. tutal katapat lang ng shabushabu eh dun na lang daw kami mag usap tungkol sa baby thesis namen. treat pa din nia. yaman din lang na madami shang pera at mukang wala shang mapaggastusan eh di sige, go.
Pumasok na kame ng starbucks at dumerecho sa area na may sofa para masaya. Tapos, pinakiusapan nia ko na ako na lang umorder. Aba, nakakuha nag P.A.? kung di lang nia to libre, naku, di ko sha ioorder.
Eh di sige, kahit mejo wa-poise dahil ako pa ang oorder para sa kania eh pumunta na ko sa counter. sana di nila matandaan ang muka ko. dis is a disgrace to da family..! nyay, anong family? naku, wala na naman ako sa sarili ko.
"kayo poh ba si Miss kATe anne garcia?"
Madame Auring? ikaw ba yan? aba! may sapi ata to ni madame auring! galeng manghula. pano nia alam pangalan ko?
"may nagpapabigay po." sabi nung lalake sa counter sabay abot ng boquet ng red roses. wow, ang ganda. pero teka, bago ko tuluyang mamangha, kanino galing to? "chaka maam, may nagpapatanong po, paki basa na lang ung nasa blackboard namen."
ok fyn, eh di tignan.
woah. ano toh? teka, baka namn namamalikmata lang ako. tama ba tong nababasa ko?
KAte, pwede bang manligaw?
baka naman ibang kate to. baka naman isa to sa mga kaso ng mistaken identities. di lang namn siguro ako ang nagiisang kate anne garcia sa mundo noh. ano ba talagang nangyayari? tinignan ko ung card nung roses, from James.
ANO?
Bumalik ako sa table namen. i demand an explanation!
"James ano bang - " aba aba aba. sitting pretty. at may pangitingiti pang nalalaman.
"JAmes ano bang ngyayari?"
At talga naman. di ako sinasagot.
"James - "
"NAgustuhan mo ba ung surprise ko?"
Surprise? anong surprise?!
"So, ano ng sagot mo sa tanong ko?"
Tumayo sha, lumapit saken, lumuhod tapos hinawakan ung kamay ko.
"Kate, pwede bang mangligaw?"
HA?
!..kAtE..!
"HA?!"
"sb kO, ano na bang sagot mo sa tanong ko?" oh gOsh, totoo ba to? di ba to panaginip? di ba to bangungot? kung sino man ang nakakarinig saken, parang awa, gisingin nio na ko.
"seryoso ka?"
*tAngo*
TANGO? un lang ba ang kaya niang isagot? wala man lang bang eksplanashon kung why, where, when, what, how? pano ba kasi talaga to nangyari in the first place? eh kung tama ang bilang ko, tatlong araw pa lang kaming magkakilala. actually, if ul base it on technicalities, dalawang araw pa lang dahil remember, nung first day, nung kumanta sha ng sorry na eh umiral na naman ang pagiging walk put queen at drama princess ko?
God, why? why me? above all people, bakit ako pa? why do you have to put me in this predicament? bakit ba pakiramdam ko akol ang ang pinahihirapan mo ng ganito? di mo ba alam na sa nangyayari na to ngayon eh ibinabalik mo lahat nung "past" ko? di mo ba alam na dahil hinayaan mo tong mangyari eh nagfflashback sa utak ko ung mga ngyari noon na kani-kanina lang eh akala ko nakalimutan ko na?! ung kani-kanina lang eh akala ko wala na?
"kate... bakit ka... bakit ka umiiyak?" Luha - di pa rin pala ako nauubusan nito hanggang ngayon.
Bakit ako umiiyak? WALA! ganitong ganito lang naman ung paraan kung pano ko inaya ni Siege sa prom. WALA! kamukang kamuka mo lang naman sha! WALA! naaalala ko lang naman sha ng sobra sobra na parang kahapon lang nangyari lahat! Wala James, wala. Masyado lang naman akong nabigla sa tanong mo. Nilagay mo lang naman ako sa isang sitwasyong kumplikado, magulo and eventually, masakit.
Tumayo sya at pinunasan ang mga luha ko. Muka syang makungkot na disappointed na... na ewan.
Hawak pa din nia ung kamay ko tapos nakatitig sya sa mata ko. sa sobrang pagtingin nia sa mata ko, pakiramdam ko wala na kong mata. pakiramdam ko.. natutunaw ako.
"sorry kung nabigla kita ha. di naman din ako nagdedemand ng sagot ngayon. basta, pagisipan mo lang. kung sa palagay mo mejo wala sa lugar kasi di pa tayo masyadong magkakilala, eh, ewan ko din. sa totoo lang kasi nung nakita kita nung 1st day ng pasukan, mejo iba na. tapos - basta, mahirap ipaliwanag. Pero sana, wag mong isipin na di to seryoso or sabi nga ng ibang babae eh "physical attraction" lang. hindi ganun un. kasi Kate, tumagos ka dito, sa puso ko."
Corny? mejo. pEro, tumagos din sa puso ko. di ko nga lang alam kung dahil feeling ko sincere sha o dahil....... dahil feeling ko, si Siege sya. Maghallucinate daw ba?
So ano na nga ba ang gagawin ko? hindi ba dapat pinapadalan na ko ng Diyos ng mga sugo at anghel niya para bigyan ako ng sagot? para tulungan ako? tutal naman, sha naglagay saken sa sitwasyon na to eh, kaya sha din dapat maglabas sakin!
Ok fine. sabi ko nga eh,maling sisihin ang Diyos pero during desperate times like this, ano ngang gagwin ko?
Anong gagawin ko?
Ang tagal naman dumating ni Kate. Grabe, anong oras na? bakit wala pa din sya? di kaya - hinde. imposible un. pero kung - waaaah! Napaparanoid na naman ako! Hindi nio naman siguro ko masisisi no. Nakatulog na nga si JAne at lahat lahat wala pa din si Kate. PAnong di ako mag-aalala db? pero kung sa bagay, kasama naman nia si James. Siguradong di un pababayaan ni James. Tama. Kaya dapat di na ko kabahan.
Mali. dapat nga mas kabahan ka eh. Kasi Kasama nia si James. ung karibal mo.
Nice one paningit! sinira mo lang naman ang kaisa-isang "comforting thought" ko. Pero in fairness, may point ka. Si James ung kasama nia. Si James may gusto kay Kate. Ako na may gusto din kay Kate, di nila kasama. NAndito ko sa bahay. Ginagawang hapunan ng mga lamok. tEka, NASAN ANG HUSTISHA DUN???
*bEEp bEEp*
sh!t. totoo ba tong naririnig ko? busina ng koche? sila na yan! sa wakas. grabe. mapapanatag na din ang loob ko.
Eh di shempre, binuksan ko na ung pinto. at tENEN, nanjan na si KAte, walang kasing ganda. haha. pag lagi namang ganito kaganda sasalubong sayo twing magbubukas ka ng pinto eh forever na lang ako ng magbubukas ng pinto.
Per0 teka. bakit parang ang lungkot nia?
"Musta lakad nio?"
"ok lang."
"Eh bakit mukang malungkot kA?"
Umupo sha sa sofa.. tahimik lang. Pinagiisipan kaya nia kung sasabihin nia saken?
"Si james kasi eh."
ASus, ang hina naman ng boses. nahiya pa saken.
"ha?"
"Si james kasi eh."
JAMES? ano na naman ginawa ni James?
"bAkit? anong ginawa nia?"
"tinanong nia ko kung... kung.. kung pwede daw bang manligaw."
P*TANG INA.
P*TANG INA TALAGA.
Ano ka ba naman kasi Mark? Anong katangahan na naman ba kasi yang pinaiiral mo? Ano na ngayon yang gagawin mo ha? ano ng gagawin mo? naunahan ka na ni JAmes. naunahan ka na ng bestfriend mo! ngayon, ano, kakayanin mo ba shang taluhin? kakayanin mo bang taluhin ang sarili mong kaibigan?! hA? kakayanin mo ba?
"oh, natahimik ka jan."
"wala. Kate, aalis lang ako ha. babalik din ako. wag mo na ko intayin."
"teka, san ka pupunta?"
"basta."
san nga ba ko pupunta?
"ui, teka lang Mark. bakit?" sumunod sha sakin hanggang sa labas ng pinto. ano nga bang gagawin ko? ano pa? eh di pupunta sa tambayan ko. iinom.
"Mark naman..."
Pumasok ako sa loob ng koche. (nakalimutan ko nga palang sabihin, iniwan ng nanay ko ung koche at laking pasasalamat ko , ung susi ko ng koche kasama ng susi sa elevator sa mainbuiling at di nawala.) At ang makulit na si Kate, pumasok din sa loob.
"bahala ka. di ako aalis dito pag di mo sinabi kung san ka pupunta chaka kung bakit ka aalis. May nasabi ba kong masama MArk? galit ka ba sakin?"
"Wala kang nasabing masama. Wala kang ginawa. Pero si James, meron."
Unfortunately, sarado na UST. Siguro lang kasi malapit na mag alas-onse ng gabi. Ang masama pa, hindi si Manong guard na kakunchaba ko ung naka-duty. San ako ngayon pupunta? San pa, sa 2nd base ko. sa bar na tumatanggap ng minors. Anong gagawin ko? Sus, tinatanong ba ba naman un? eh di ano pa, icecelebrate ang katangahan ko para makalimot. kahit ngayon lang.
Nakakabingi din pala pag sobrang tahimik pero di ko talaga kayang magsalita. Baka kung ano na naman ang masabi ko. Alam nio ba na parang tinutukan ng baril ung reaksyon ni Kate nung di ko sinasadyang nasabi na wala shang ginawa, si James meron? Nagulat sya. at hanggang ngayon, nagtataka pa din siguro - kung bakit ako nagkaganito, kung san ako pupunta, kung anong gagawin ko.
Buti na lang walang traffic kaya mabilis kaming nakarating dito. Lumabas ako ng sasakyan, iniwan si Kate. Pero makulet talaga, sumunod pa rin saken. Bahala sya, sumunod sya, basta ako, iinom.
"Ung pinakamatapang nio." sabi ko. Binigyan naman ako ng bartender at nilaklak ko kagad. ahhhhh... sarap ng pakiramdam.
"Isa pa nga." Nice... heaven..
"Hoy MArk, ano bang ginagawa mo ha? bakit ka umiinom? Mark..."
"Kuya, isa pa ulet." May sarili akong mundo ngayon kaya pwede ba hayaan nio muna ko...
"Mark.. umuwi na naman tayo oh.."
'Kuya, wala ba kayo nito sa bote? isang bote na lang.." At si Kuya nag-abot naman ng isang bote. Sige Mark, iinom mo na lang yan. Siguro iisipin nio ang babaw ko dahil naunahan lang ako magtanong kung pwedeng manligaw, nagkakaganito na ko. Pwes, wala kayong karapatang sabihan ako ng mababaw dahil wala kayong alam! Simula pa kasi noon... lagi na lang ganito ngyayari. lahat ng gusto kong babae, nililigawan ni James.
"Kuya, isa pa ulet" Nauunahan nia ko at wala na kong nagagawa. DI ko na nga alm kung pareho lang kame ng tipo ng babae o nananadya sya eh. Basta ang alam ko, lagi akong talo pag nakikipagsabayan ako sa pangliligaw. Ano na ngayon ang gagawin ko?! HA?! Pano kung matalo na naman nia ko?!!! Pano kung mawala sakin si Kate?!
"Kuya..." Umiikot na mundo ko. Tama yan. Haha, para mawala ung problema. wah, ang dami daming tao. pati si kuya, naging dalawa na. pati ung bote ng alak. lahat na sila dalawa pati si -
"Kate?" Nasan na si sya? Nandito lang sya kanina ah. Di kaya nilayasan na ko dahil di ko pinapansin?
"bote pa.." Kinuha ko ung inabot na bote ni kuya at kahit lasing na ko, tumayo ako para hanapin si Kate.
"Kate?!!" Ang hirap pala maghanap pag doble doble lahat ng nakikita mo. Nagsisigalawan pa. Grabe, first time kong malasing ng ganito. Lahat na ata ng taong nadaanan ko natapunan ko ng alak. Bahala sila. basta ako, hinahanap ko si kate.
Nasan na kaya sya? Nalibot ko na buong bar ah. Baka naman bumalik na sa koche. Teka, mabayaran na nga muna tong mga ininom ko. Magta-takeout na lang ako. hehe. Sarap talaga maging lasing.
Gumegewang na lakad ko ah. Kailangan ko ng bumalik sa koche.
Kaya mo yan Mark. Iwasan mo silang lahat. ANg gulo gulo naman kasi nila eh. sayaw ng sayaw. May natapunan na naman tuloy ako.
"Di ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?!" Aba, galet? sino ba tong lalakeng to na nagtatapangtapangan? di ba nila lam na masama ako pag lasing? haha!
"Ikaw pre.... di ka.... ba.. tumitingin? Sige pre, nice meeting you." *shake hands*
"G*go ka pala eh!"
BGSHK.
Teka, masakit yun ah. Sinuntok ako. Kala mo ikaw lang marunong nian? ako din marunong nian. tignan mo.
Sablay.
BGSHK. "sumusobra ka na pre ah. nakakdalawa ka na."
"gusto mo tatluhin ko pa?"
BGSHK.
sinusubukan ata ako nito ah. Sino ba sa kanila susuntukin ko? bakit parang nagkakagulo silang lahat?
BGSH. BGSHK. BGSHK. BGSHK. Sunod sunod na yan ah. Masakit na.
"TAMA NA PLS!" May kakampi pala ko.
BGSHK. BGSHK. BGSHK. BGSHK.
"MARK.."
Si Kate ba yun?
PLAK
Ayan, suntok ka kasi ng suntok sakin eh. nakatikim ka tuloy ng sampal galing sa kaapu-apuhan ni Gabriella Silang. buti nga sayo at nasampal ka ng babae.
"DI KA BA MARUNONG UMINTINDI HA? DI KA BA MARUNONG PAKIUSAPAN? NAGMAKAAWA NA KO SAYO NA TIGILAN MO NA SYA DB? BAKIT BA AYAW MONG TUMIGIL?! ANO BANG PROBLEMA MO?! ANONG UTAK BA MERON KA?"
Grabe, and there was silence. ang lakas ng boses ni Kate. rinig na rinig sa buong bar. LAhat napatigil. Lahat napatingin. haha. go kAte! ang tindi mo! nilamapaso mo yang bakulaw na yan! buti nga sa kanya't nasopla mo sya!
"tara na Mark" sabi nia sakin ng, thank you Lord, mahinahon. inakay na nia ko hanggang sa koche. galit kaya sya? siguro lang. sa ginawa ko ba naman eh - umalis ng di sya kinikibo, naglasing, makipagbugbugan este nagpabugbog at ngayon, ano na? Sumakay ako sa driver's seat tapos sumakay na din sya sa passenger's seat.
Pano kaya kame uuwi? Lakas ng tama ko. hanggang ngayon umiikot pa din paligid ko. doble pa din lahat. lasing talaga ko.
"Wag mong sabihin na magddrive ka?"
"oo naman. ako pa. kaya ko to no."
start...
ready,
get set,
GO!
aarangkada ko ngayon. parang grandturismo lang naman to eh. left, right, konting preno, madaming gas.
"MArk ano ka ba?!!! Tumigil ka na nga! di mo ba nakikitang Lasing ka?!"
"di ako lasing no. tignan mo."
haha, isang matinding apak lang sa gas and WUUUUUUSSSSHHHHUUUUNNNGGGG..! para na kameng lumilipad sa sobrang bilis.
"Mark, tama na naman oh. pls itigil mo na yung koche."
napatigil ako sa narinig ko at napatingin kay Kate. umiiyak na siya at humihikbi. nakatakip ung kamay niya sa muka nia.
narealize ko bigla ung ginagawa ko. nagddrive sa ng sobrang bilis ng lasing. ng nakasakay si Kate sa tabi mo. bobo mo Mark. db sabi nia itigil m ona yung koche? db nag-please na sha sayo? bakit di mo sya pinakinggan? cnong di matatakot sa ginawa mo?! tanga mo talaga Mark. ang tanga mo!
"MARK SASAKYAN!"
BEEP BEEP!
p*tang ina! truck! kasalubong namen. napaapak ako sa preno sabay kabig ng manibela.
"Maaaark!"
BEEP BEEP!
BEEP BEEP!
BEEP BEEP!
BLAG!
tumigil na ung koche na muntik-muntikanan ng sumalpok sa puno.
buhay pa ba ko?
haaaay.. Salamat kay Lord at buhay pa ko. Hinding hindi ko na talaga gagawin yun ulet. Hinding hindi na ko ulet magddrive ng lasing. its dangerous for your health. kaya kayo, dont try this at home ah.
engot ka din eh no. nakuha mo pang magbiro?!
Sabi ko nga eh. pano ko pa nga bang nagagawang magbiro? dala ba to ng kalasingan ko? o ng katangahan na nagawa ko?
Buti na lang di kame sumalpok sa puno. buti na lang umabot ung preno ko. at buti na lang, di kame nabangga nung 10-wheeler na track. buti na lang hinde kame-
kame. hindi lang ako. kame.
Kate.
"Kate?"
Nung una walang sumasagot pero maya maya, naririnig ko na ung iyak nia. tumingin ako sa kania. sa ilang ulit ko syang nakitang umiyak, eto na ata ung pinakagrabe niyang iyak. at kasalanan ko kung bakit sya takot na takot ngayon. kasalanan ko kung bakit sya nagkakaganito ngayon. siguro, consolation ko na lang eh, at least ok sya. buhay kame.
Lumabas ako ng koche at binuksan ung pinto sa side nia. hanggang ngayon nakatakip pa din ung kamay nia sa muka nia. nanginginig.
"Kate, sorry... di ko sinasadya.. Kate, ok ka lang ba?"
tanga mo talaga Mark. Ang Laki mong tanga.
"Kate, pls naman oh, magsalita ka. kausapin mo naman ako. Kate.. sorry.."
hindi pa rin sya sumasagot. anong gagawin ko ngayon? pano kung di na nia ko mapatawad? pano kung di na nia ko kausapin buong buhay ko? pano kung di na nia ko kibuin? anong gagawin ko?
"Kate sorry tala-"
"o - ok lang a- a- ako. ik-k-kaw?" Mahal nga ako ng Diyos. Nagsalita si Kate kahit humihikbihikbi.
"ok lang ako. Kate, sorry talaga. sorry sorry sorry.. Galit ka bA?"
Nakayuko lang sya, umiiling. pero umiiyak pa din. Tinanggal ko ung kamay nia at nakita ko na tuloy tuloy ang agos ng luha nia. Anong gagawin ko? Naman kasi eh. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko!!!
"Kate.. Please naman oh. wag ka na umiyak. hindi ko na alam gagawin ko eh. Kaya lang naman ako nagkaganun kasi.. basta. un na un. tama na naman oh.." Pinunasan ko ung mga luha sa pisngi nia tapos tinignan ko sya sa mata. Ung mata nia - Malungkot. Takot. Galit. Nagbabanta na namang maglabas ng luha. Nagbabanta na namang umiyak.
Hindi ko kayang tumitig sa kanya ng matagal. hindi ko kayang makita lahat ng emosyon na yun sa kanya. nahihirapan ako. nasasaktan. dahil kasalanan ko to. First time ata to na hindi ko magagawang lumusot sa kasalanan. First time ata to na hindi ko magagawang baliwalain lang ung mga ngyari. First time din na hindi ko magawang patawanin ung sarili ko. Hindi ko madaan sa biro.
"Mark.." sabi nia sabay yakap sakin. ang higpit ng yakap. sa sobrang higpit parang di na sya bibitiw. hindi ako sigurado kung dapat ko din ba syang yakapin pero ung mga braso ko, kusang yumakap sa kania.
"Shhhh.. tama na.. wag ka na matakot.. wag ka na umiyak.. tama na Kate.. uuwi na tayo.."
Oo. Uuwi na tayo.
Kung pano ko nakapagdrive pauwi ng hindi nabubunggo, hindi ko alam. basta ang alam ko, gusto ko ng iuwi si Kate. Gusto ko na syang pagpahingahin. Gusto ko ng mawala ung takot niya. Buti nA nga lang nakatulog sya eh. kase kung hindi sya nakatulog, baka hanggang ngayon umiiyak pa din sya at baka pinapatay na ko ng konsensya ko.
Binuhat ko sya palabas ng koche hanggang sa kwarto nia. Kaso si JAne, ayun, feel at home na feel at home, nakabulagta sa kama. sinolo. san ko pa ngayon ippwesto si Kate?
sa kwarto ko. dun ko sya ihiniga sa kama ko. haaay.. Tulog na tulog sya. sana bukas pag gising nia, nakalimutan na nia lahat ng nangyari. Ano ba naman kasing katangahan ang ginawa ko?! Anong kaengotan na naman ba kasi ang pinairal ko?! Ano ba kaseng pumasok sa kokote ko at naglasing ako?! Ano ba kaseng pumasok sa bulok na kokote ko at nagdrive ako ng lasing ng hindi inaalala na nakasakay si Kate sa koche?! Anong kabobohan na naman ba kasi ang pinairal ko?!
Consolation prize ko na lang siguro, matitigan ng ganito katagal si Kate. Alam nio, habang tumatagal, paganda sya ng paganda sa paningin ko. habang tumatagal, lalo kong nahuhulog sa kanya. Un nga lang, sasaluhin ba nia ko?
O baka naman si James ang saluhin nia.
Pero kung sa bagay, di pa naman ako nagsasabi sa kanya. Di pa ko nagpapaalam kung pwede mangligaw. kaso, ang one million dollar question, kaya ko bang taluhin ang kaibigan ko? ang bestfriend ko? kaya ko ba?
"M-Mark?" sabi nia habang dahan-dahang dumidilat ung mata nia. "Nasan na tayo?"
"Nasa bahay na tayo. Sige na, matulog ka na."
"Pero-"
"Sige na. Matulog ka na."
Tumango sya tapos nag-gudnyt saken.
Parang nagpapatulog ng bata, hinaplos (hinaplos - nax, ang lalim) ko ung buhok nia na napupunta sa noo nia. kung alam lang nia kung ano ung nararamdaman ko no? pAno nga ba kasi ako natamaan ng ganito? ang lalim eh. sapul na sapul. bull's eye. sentrong sentro. Yung tipong di man lang ako binigyan ng pagkakataong mag-isip kung gusto ko bang ma-inlove. Ni hindi nga ako nabigyan ng chance na kilalanin muna sya eh. kumbaga sa mataya-taya, hindi ako nabigyan nung "give chance to run". Nakita ko lang sya tapos, un na yun. alam ko ng mahal ko sya at hinding hindi ko sya pakakawalan.
Oo nga pala. sabi ko sa sarili ko noon, hindi ko sya pakakawalan.
Tama, magkamatayan man, hinding hindi ko sya pakakawalan.
kAtE
BLAG. BLAG.
KLANG.
Waaaah... ano ba yan? aga aga ingay ingay. ano ba yung mga nagkakalabugan na yun? parang... parang mga kawali at sandok. ano ba naman yan... teka, anong oras na ba? may pasok ako ngayon ah.. lagot, late na naman ako. aray.. ang saket ng ulo ko.. chaka, waah.. nahihilo ko. ano ba - aray. ano ba yan. natisod pa ko. ano ba kasi yang lecheng maingay na yan?
KUsina..
BLAG.
"Mark? anong ginagawa mo? Bakit ang aga aga nagdadabog ka jan."
"magluluto sana ko ng almusal naten kaso.. di talaga ko marunong. chaka, tama lang yan na nagising ka na no. alas-dose na ho. tulog mantika ka kasi."
"Tulog mantika ka jan. kapal." Nagpunta ko sa may lababo at nagtoothbrush, tapos naghilamos. haaay.. nabuhay din ang dugo ko sa wakas.
"Hoy - anong ngayari dito?!" walangya, parang sinalanta ng bagyong yoyong bagyong winnie at tsunami combined ang kusina namen. may mga eggshells, may arina, may mantika, kawali.. deyr everywhere! nakuuu.. kung nandito si mama, baka pareho na kameng nabato ng kawali ni Mark.
"hAy naku.. may batang nagmamarunong magluto."
"buti nga ipagluluto pa kita. eh ikaw nga tong batugan jan. tanghaling tanghali na, tulog pa den"
aba, at to the highest level na talaga ang kakapalan ng muka! apari hanggang julo! eh kung di ba naman sya isa't kalahating tungax eh di sana, hindi sya lasing kagabi, hindi sya napaaway at hindi sana nagmuntikmuntikanan ang buhay namen. Pero, nung nakita ko kasi ung mga mata nia kagabi bago ko tuluyan makatulog, nawala lahat ng galit ko sa kanya. ewan ba.. iba ung mata nia kagabi.. iba tumingin.. ang lalim.. kaya pasalamat sya sa mata nia kunghindi war kame ngayon.
"alam mo ikaw.. ang kapal kapal mo talaga.. haha, yan bagay sayo yan!" Nilagyan ko sya ng arina sa muka. haha, mukang batang nasabugan ng pulburon!
*tumatawa* "bagay na bagay sayo.."
"bagay ah.. etoh, mas bagay sayo!" Waaaaaah! Ang daya! hindi ako handa!
"TAma bang buhusan ako ng arina sa ulo?"
*tumatawa din* "Yan! mas bagay sayo! muka kang matandang ermitanya galing sa bundok tralala! haha! Lola..!"
kapal talaga ng mukang pagtawanan ako! naku..! kung di ka lang- kung di ka lang- un na un! basta! haaay.. ano nga ba tong nangyayari saken? ang gulo. nakakawindang. kase lately lagi kong naiisip tong Mark na to. Hala ka Kate. Ano na yan? Hmp. bahala na si batman kung ano man yun.
"ay ang bata, nagtampo na.." aba, at nakakuha pa ng libreng kurot sa pisngi. "uhm... kate, galet ka pa ba?"
"Ung sa kagabi? wala na yun."
"di nga?"
Kala mo lang yon. di ako ganun kabait nun no. ano ko santa?
"oo, di na ko galet sayo.. pero sa isang kondisyon."
Yangsa! Kala ko pa man din lusot na ko, may kondisyon pa pala. pero ok na din yun no kesa habang buhay syang magalet saken. Pero in fairness ha, ang ganda ng gising niya. Maliban nga lang siguro sa medyo na-shock sya sa gulo ng kusina. Ang bait talaga ni Kate no? akalain niyong napatawad niya ko ng ganun kabilis? ha! Pinagpapala talaga ko dahil isa ko ng mabait na nilalang. Sabi nga db, pinagpapala ni Lord ang mababait? hehe.
"Anong kondisyon?" Dis is it. malalaman ko na kung anong kaparusahan ang naghihintay sa akin.
"Linisin mo yung kusina tapos damay mo na din ung sala. lalo na yung kwarto mo, natisod ako paglabas ko. tapos libre mo ko ng pagkain. ok? Sige na, maglinis ka na, tutal nman di na tayo makakapasok eh. Gudluck!"
Yun na yun. Nilayasan nia ko wid matching pacute na kindat pa. Pero teka, parang nadaya ata ako dun ah. sabi nia isang kondisyon eh sa mga inutos nia parang ginawa na niya kong personal achoy! at nagpalibre pa?! nadaya talaga ko! at ang nakakakaba pa dun, maguusap daw kame. ano naman kayang paguusapan namen? tapos mukang seryoso pa ata sya.
Para matapos na tong "kautusan" ng "mahal na reyna" eh maumpisahan na nga to. Ang tanong, san ako maguumpisa? bakit ko ba kase kinalatan ng ganito to eh. Nagtapon pa ko ng arina. Haaay, ang bilis ng karma. Sige Mark, Go! kaya mo yan! karirin mo muna ang pagiging achoy para naman matuwa sayo yang babaeng sumapul sa puso mo.
Pulot muna ng mga sandok at kaldero na nagkandalaglag-laglag kanina, tapos tapon yang mga kalat. KOnting walis, konting punas at hugas ng sangkaterbang pinggan.
Makalipas ang isa't kalahating oras sa buhay ng isang personal utusan..
..Ay sumulpot na ang kanyang pagkaganda-gandang reyna."Hi Mark.. tapos ka na ba?"
"Malapit na po senyorita. wawalisan na lang yung sala"
"eh nagugutom na ko.. tara na."
At ako hinde? eh ako tong nagpakapagod dito na naglinis! di nga ako nagrereklamo eh. tapos ikaw, mamadaliin mo ko. Violation ng human rights ito!
"Naman Kate.. tignan mo nga ko, nanglilimahid. eh ito pa ung suot ko kagabi. gusto mo bang mangamoy ako?"
"sa bagay, may point ka. O sya, binibigyan kita ng limang minuto para mag-evolve ulit sa pagiging tao." At nilayasan na naman ako. sabi ko nga eh, 5 minutes para magmukang tao ulit. posible ba yun?
O sya Mark, dahil sabi ng reyna maligo ka within 300 seconds, magtransform ka muna into superman para bumilis bilis ka kumilos.
*tok tok tok*
"MArk... tara na.. gutom na ko! 5 minutes na!"
"oo, Lalabas na! Umalis ka muna jan, wala akong damit" hindi sya demanding no?
"basta bilisan mo ah. 1 minute!" Hindi talaga sya demanding. kahit isang patak ng pagiging demanding, wala!
Sige Mark, bilisan mo magbihis, kahit sa maling butas mo pa maisuot yang kamay at ulo mo, ayos lang. ang mahalaga one minute nasa baba ka na.
"MARK!!!"
"Nandyan na!"
At kumaripas na ko ng takbo pababa. PAgbaba ko, ayun, sinita ko dahil para daw ako ng hahabulin ng plancha. eh sa pinagmamadali mo ko eh. Dis tym nag-commute na lang kame. Pareho pa kaming may hangover sa nangyari. syempre, pinakamalapit na kainan, Jollibee. Umorder na ko tapos kumain kame in complete silence. Kala ko nga lusot na ko sa "usap" namen eh kase pagkakain, tumayo na sya kagad, un pala, mag-aaya sa ministop. desert daw tapos dun na kame maguusap. Eh di sige, punta kame sa ministop at umorder ng icecream. And then...
..tentenententenen!
...Here comes Judgement time...
"usapang matino ah. wag kang pasaway. Bakit ka ba talaga nagkaganun kagabi?"
Naku naman, nangusisa pa. Sinunod na nga lahat ng utos nia tapos may question and answer portion pa. Anong kadayaan na naman ba to?
anong isasagot ko ngayon? Maglulubid ba ko ng kasinungalingan o magsasabi nag totoo? Teka, weytaminit. isa isahin naten.
Ano ba mapapala ko pag nagsabi ako ng totoo?
Baka lang naman maunshame ang pagporma mo kay kate.
kUng mapopormahan ko. Eh pag hindi ko naman sinabi...
Malamang lamang lang clueless sya pero pag nabuking ka nia. PAtay kang bata
ka. *pffft* end of your career.
ganun? eh bakit parehong masama ang kalalabasan? wala bang letter C sa choices? hanggang A at B na lang ba? MArk.. magdecide ka na ngayon. Nagiintay sya ng sagot mo.
"Hindi ba pwedeng pass?"
"Sige, pwedeng magpass pero chupi ka na din sa bahay."
"Ano yan, blackmail?"
"Parang ganun na nga." Waaah! may tinatago din palang sungay at buntot ang anghel ng buhay ko! akalain niong iblackmail ako? wala naman akong balak matulog sa kalye kasama ng mga lamok at ipis no.
"Magagawa mo ba sakin un Kate? Maaatim ba un ng konsensya mo na patulugin ako kasama ng mga insekto at asong kalye?"
"ako pa."
Ang Lupit naman nia! ang sama! ano na ngayon ang gagawin ko? A or B? B or A? WALA BA TALAGANG LETTER C?! hAay.. ganito na lang. 50-50. 50 percent katotohanan 50 percent kasinungalingan.
"Ganito kasi un Kate.. Ah.. mejo sumama kasi ung loob ko sa sinabi mo na sinabi ni James sayo."
"Yung kung pwedeng mangligaw?"
"oo"
"eh ano naman ngayon un sayo? diba sabi mo bestfriend mo yun?"
"oo nga pero - " MArk, dating gawi - paikutin ang usapan.
"pero?"
"Un na nga eh, bestfriend ko sya." Yan ganyan.. paikutin mo lang. MAgsasawa din yan kakatanong.
"o tapos?"
"ginanun nia ko." MAlito ka. hehe.
"Anong ginanun?"
Tinalo? May - may gusto ka den... saken?" Patay. HUli. Buking. Natumbok nia. ANo na ngayon ang gagawin ko? Ang daya talaga nag buhay na to!
"Ang kafal naman ng muka mo sister, di tayo talo no."
My Last Resort
Waha! Ang sarap picturan ni Kate. Sa sobrang pagkagulat napanganga na lang. Sa bagay, sino bang di magugulat sa pag amin ko ng aking tunay na pagkatao? Sino bang di masho-shock sa pagamin ko sa aking tunay na kulay? isa pala akong vaklush., sister, kapederasyon!
"oh, nagulat ka jan.. naman sis.. sara mo nga yang mouth mo.. Sira poise.."
"eh panong di ako mapapanganga? paki ulet nga ung sinabi mo."
"sabi ko sister, ang kafal ng face mo.. di tayo talo no.. actually, kaya ako naglasing kase inagaw mo saken ang fafa james ng buhay ko. ang kafal ng muka mo sister.. isa kang mangaagaw! haliparot! malandi! inagawan mo ko ng fafa! aba, mas maganda naman ako ng dihamak sayo no!"
Nice Mark,, pwede ka na sa Starstruck. ang galing mo umarte.. mAy new-found talent ka na!
"Naririnig mo ba yang pinagsasasabi mo ha?! pwede paki paliwanag!" Hanggang ngayon nasa state of shock pa den si Kate. Ganun nga siguro ko kagaling magpanggap at magkunwari! haha! success!
"Ganito lang naman yun sis. bago ka dumating, solo ko si fafa James, tapos ngayon.. dadating ka, makikiclose samen at bigla mo syang aagawin! homewrecker!"
"Homewrecker? ang drama mo naman."
"baket? di ba totoo?"
"ay naku Mark, ako tigil-tigilan mo na dyan sa kalokohan mong yan ha. di mo ko maloloko."
"Sister, di kita niloloko.. ang sinasabi ko ay the whole truth and nothing but the truth so help me God. ipa-lie detctor test mo pa ko ngayon.. Sister din talaga ko."
San ko kaya napupulot tong mga pinagsasasabi ko?! ganun na ba ko kadesperadong pagtakpan yung nangyari kagabi para magpaka third sex ako?
"Alam mo Mark, masyado kang gwapo para maging bakla."
Gwapo daw ako? Narinig niyo un? gwapo daw ako?! Ang masasabi ko lang.. i know. Hehe. Impeyrnes, may mabuting resulta tong ginagawa ko.. at least db, nalaman kong nagagwapuhan pala saken si Kate!
Pero palagay nio, kung may kakilala kaya ako ngayon na nakakakita saken, matuwa kaya sila saken? kung nakikita lang siguro ko ng nanay ko na ganito, baka kanina pa ko inicha nun sa spratly islands. Wala ng gwapong Mark sa Pilipinas. Buti na lang wala si inay. hehe.
"Hoy Mark Eillor Vista. pwede tigil-tigilan mo ko. umamin ka na kase.. may gusto ka saken no? uuuuuy.."
Ang pilit naman netong bata na to. Sana mapatawad pa nia ko pagkatapos kong sabihin tong mga kasinungalingang ito. Diyos ko po, mahabag kayo saken, patnubayan nio sana ko sa gagwin kong ito.
"alam mo sister, maging lalake man ako, eh, ekskyusa moi, di kita type no.. sino ba magkakagusto sa isang like you? Wala man lang bahid ng prettiness jan sa katawan mo. aba, eh mas pretty pa ko sayo.. Naipakilala ka na ba sa salamin ha? sumulyap ka na ba sa salamin lately? eh bukod sa wala kang beauty eh iyaking uhugin ka pa. para kang bata. konting kung ano umiiyak ka.. ang babaw. chaka, heller sister?! ilang taon ka na? grow up girl! kung ganyan ka ng ganyan eh magsasawa din yung mga taong nagapaptahan sayo.. ul end up crying alone."
'Tangna. Ano ba yung mga pinagsasabi ko? Sumobra ata ako.. Medyo iyakin nga sya pero.. bobo mo Mark! sA maling paraan mo naman sinabi. Nangingilid yung luha sa mata niya pero pinipigilan niang tumulo. mukang nasaktan ata sya mga sinabi ko.
Eh Sino bang di masasaktan sa mga sinabi mo?
"Pangit ako? Iyakin?!Parang bata?! yun ba tingin mo sakin ha?! Sino ba kase nagsabi sayong patahanin mo ko nung umiiyak ako?! Sinabi ko ba sayo na patahanin ako ha?! Sinabi ko bA?! Db hindi naman?! Wala namang nagsabi sayo na sundan mo ko nun ah! tapos susumbatan mo ko ng ganyan.. Ang samasama mo...
"Kate.. hindi ganun yung gusto kong sabhin.. Kate-"
"Eh ano ung gustong mong sabihin?! Na nagsasawa ka na sa kakapatahan saken?! Wala kang karapatang sabihan ako ng mababaw dahil hindi mo alm kung bakit ako umiiyak! ano?! mababaw ung dahilan ng pagiyak ko twing nakikta ko si James?! na mababaw yung dahilan nung umiyak ako dahil kumanta sya ng Sorry na?! na mababaw yung pagiyak ko ng dahil dun sa pinanood naten?! baket Mark?! alam mo ba yung ngyari saken dati?! Nung bago pa kita makilala?! Ha?! ANO?!
AGSALITA KA! HINDI MO ALAM DB? KAYA WALA KANG KARAPATANG SABIHAN AKO NG MABABAW KASE HINDI MO NAMAN ALAM! WALA KANG ALAM!
Tumayo sya bigla at tumakbo palabas. Umalis syang umiiyak at galit na galit saken. May karapatan naman talaga syang magalit saken eh. Pero ako? ano nga ba naman ang karapatan kong sabihan sya ng iyakin at mababaw?! WALA! dahil hindi ko naman alam ung dahilan kung bakit sya nagkakaganon. Ngayon ko lang talaga napagtanto.. ang tanga ko. Ang tanga tanga ko. kahit sabihin ko pang hindi ko sinasadya yun.. walang kapatawaran yung nagawa ko sa kanya. Nasaktan ko sya. Napaiyak.
Ngayon matalinong Mark, pano mo aayusin yang gulong ginawa mo? Pano mo ngayon ipapaliwanag sa kanya yung mga pinagsasabi mo? Pano ka pa niya mapapatawad? Pano?
'Kate"
Yun na lang ang nasabi ko..
Ano ba talaga tong nagawa ko?! baket ko ba kasi nasabi yun?! Ano ba kcng pumasok sa utak ko?! Sobrang nakokonsenya tuloy ako ngayon. At di lang basta nakokonsenya, nalulungkot din ako kase napaiyak ko sya. dati asar na asar ako kay James nung umiyak si Kate dahil sa pgkanta nia ng Sorry Na kahit alam ko namang hindi nia alam na may iiyak pag kinanta nia un. Ni hindi nga nia alam na nandun si Kate eh. Pero ako?! p*ta talaga.
Hindi tuloy ako makapunta sa bahay nila ngayon. Kaya etoh, tambay sa Ministop. Abot hanggang Pluto naman ung kakapalan ng muka ko kung makikitira pa din ako sa kanila db? Kahit nga anino ko hindi ko magawang ipakita kay Kate eh. Sana sa ibang planeta na lang ako nakatira. o kaya mas mabuti, sa ibang galaxy para kahit hangin na hinihinga ko di na umabot sa kanya.
Ano na bang gagawin ko? San ako titira? Kanila James? Hinde. Hindi kaya ng pride ko na makitira sa bahay ng karibal ko kahit bestfriend ko pa sya. Pero, hindi naman ganun kahalaga kung san ako titira eh. Huli pa nga yon sa mga inaalala ko kase ang importante eh kung pano ko mapapatawad ni Kate. Ano nga bang gagawin ko para mapatawad nia ko?
Siguro lang dapat kausapin mo sya at magsorry ka.
Pano ko naman gagawin yun? eh magpakita nga lang sa kanya hind ko magawa db? kabobohan mo naman kase Mark eh. Strike 2 ka na. Ano yung strike one? Wala lang, nagmuntikmuntikanan lang naman yung buhay nia dahil sa kagag*han at pagiinarte mo. Tapos ngayon, pinagsalitaan mo sya ng masama. Sino bang di magagalit?!
Pero siguro nga dapat ko syang kausapin. Kahit mahirap. Kahit parang di ko kaya, kakayanin ko. Lahat naman gagawin ko mapatawad lang nia ko eh. Hmp! kaya mo yan Mark!
Tumayo na ko at tumakbo pauwi para habulin sya. Haay.. pang-ilang takbo ko na kaya to? Hindi na importante yun. Kaya kahit halos lumawit na yung dila ko sa sobrang pagod eh sige... takbo lang. Tinakbo ko hanggang sa bahay nila pero, ano tong naabutan ko?
Isang pulang koche na nakapark sa tapat ng bahay nila. WJZ-675. Hindi ako pwedeng magkamali kung kanino to. Sa ilang beses ko ba namang sumakay dito sa koche na to, hindi talaga ko pwedeng magkamali.
Kay James yun.
Para kong binuhusan ng nagyeyelong tubig nung dumating saken yung realization na koche ni James yung nakapark sa tapat ng bahay nila Kate. Bigla na lang akong napatigil. Naging statwa. Parang pinako ung sapatos ko sa kinatatayuan ko. Hindi talaga ko makagalaw. Ang daming tanong na biglang nagsipasukan sa utak ko.
Anong ginagawa ni James dun? Naabutan kaya niyang umiiyak si Kate? Alam na kaya niya yung ngyari? Anong ginagawa nila? Anong pinaguusapan nila? Naguumpisa na ba syang mangligaw kay Kate? Ano?! Bakit ba sya nandito? Ano na bang gagawin ko?
Kahit anong isip ko, WALA! Walang sagot na pumapasok sa isip ko. At habang lalo akong nagiisip, lalo lang dumadami ung mga tanong ko. Lalo ko lang nararamdaman ung bigat nung sitwasyon. Na nauubusan na ko ng galaw. Na parang wala na talagang pagasa na maayos ko pa tong gulo na ginawa ko. Na parang nawala na sya saken ng tuluyan. Pero, hindi. Hindi pwede un. Hindi pwedeng mawala saken si Kate. Dahil hindi ko sya pakakawalan.
Kaya kesa tumunganga ako dito, papasok na lang siguro ko sa loob para makausap ko na siya. Para maayos ko na to.
Sana nga maayos ko pa.
Pumasok na ko sa bahay at para sa pangalawang pagkakataon, para na naman akong nabuhusan ng nagyeyelong tubig. But this time, umuusok-usok pa. Alam nio kung anong nadatnan ko?! Alam niyo kung ano yung putang inang nakita ko?! Si James nakaluhod, ung kaliwang kamay nia hawak ang isang boquet ng red roses at ung kanang kamay naman nia hawak ung kamay ni Kate habang kumakanta siya. Ayos lang sana na kumanta-kanta sya dun ng nakaluhod eh, walang kaso saken yun. Ang masakit lang kase, si Kate ngiting-ngiti at mukang kinikilig pa sa ginagawa ni James.
Nung napansin nila ko, biglang tumayo si James. Nawala ung ngiti ni Kate at bigla syang sumimangot.
"Oi pre, 'anong ginagawa mo dito?"
Anong sasabihin ko?! Wala lang? Napadaan lang? Ano?
"Ha? Ah.. Wala.. Ikaw, anong ginagawa mo dito?"
"Ano pa, eh di umaakyat ng ligaw. Sige 'pre, una na ko. Kitakits na lang bukas o kaya sa Sabado. Db basketball day ng barkada yun? Sige, ingat."
Tumayo si Kate sabay sabing "Hatid na kita sa labas" kay James. Wala na kong nagawa. Nadikit na naman yung paa ko sa lapag at napatulala habang naguusap silang dalawa. Nag-thank you si Kate kay James at nagwelcome naman sya. Tapos biglang nangyari ang di inaasahan.
Kung alam ko lang na yun ung makikita ko, sana pinagpilitan ko na lang na gumalaw para sana di ko naramdaman tong nararamdaman ko ngayon - yung pakiramdam na parang may sumabog na bomba sa puso ko. Yung parang sinaksak. Yung parang binaril. Yung parang hinahampas ng paulit-ulit. Yung parang di na ko makakahinga pa ulet.
Sana tumalikod man lang ako para hindi ko na nakita yung nangyari.
Hinalikan ni James si Kate - sa labi
Pakiramdam ko tumigil buong mundo nung nakita kong hinalikan ni James si Kate. Pakiramdam ko, isang milenyo na kong nakatayo dun at nakatingin sa kanila. Parang ang tagal tagal ng lahat kahit sa totoo, wala pang dalawang segundo yun. Pero kahit smack lang yun, pakiramdam ko mamamatay na ko. Yung parang, the end na. Wakas. Tapos na. And they lived happily ever after na. Yun nga lang, may pahabol na "leaving the other prince dying because of pain." Parang wala na kong magagawa pa. Un na yun eh. nahalikan na ni James si Kate ng hindi sya nagalet o pumalag man lang. Kaya, ano pang magagawa ko. wala na db?
Wala ka dyan. Baket, sila na ba?
Hindi nga pero, hindi pa ba sapat na senyales yun na dapat ko ng itigil to? Kase parang kahit ano pang gawin ko, hindi na ko makakahabol. mga twenty na hakbang na lang nasa finish line na si James habang ako, nasa bahay pa lang, nagdidisisyon kung sasali pa sa karera. Nasan pa dun ang pag-asa kong manalo? db wala na?!
"Oi insan.. nastroke ka ata jan."
Ha? Sino yOn? ah... si Jane.
"bAket gising ka pa?"
"Anong baket gising pa ko? Tinatanong kita, baket parang nastroke ka na jan?"
"wala. Kumain na ba kayo?"
"Uuuuy... iniiba usapan. Selos ka no?" At iniwan akong mag-isa pagkatapos akong asarin.
Mayamaya, narinig ko na yung tunog ng sasakyan na papaalis. I'll make one last attempt para ayusin to. Pag di pa den umubra - magpakamatay na lang kaya ako?!
Pumasok si Kate ng parang walang ibang tao. Dinedma lang nia ko. Tuloy tuloy lang sya ng parang di nia ko nakikita. Ayan na naman, para na namang binaril yung puso ko.
"Kate.." Lumingon sya sakin, binigyan ako ng isang mahabang titig tapos tinalikuran na ko. Bang! Nabaril na naman ako. Ang sakit.
"Kate. Pls naman oh.. Nagmamakaawa ako sayo. Pls kausapin mo na ko.." Wa epek. Ni hindi man lang ako nilingon. Umakyat lang sya ng dire-direcho papunta dun sa kwarto nia. Sinundan ko sya pero pagdating ko sa taas, nakasarado na yung kwarto nia. At kahit anong katok ko, di pa din nia ko pinapansin. Dedma talaga. Parang wala syang naririnig.
"Kate, sorry na. Hindi ko naman sinasadya yung mga nasabi ko kanina eh. Pls naman, kausapin mo na ko." Naman.. asar. Di talaga nia ko pinapansin. Ni ha ni ho, wala.
"Kate pls, kahit 5 minutes lang, kausapin mo ko." Wala. Wala talaga. Galit na galit siguro talaga sya saken kaya ganito, hindi man lang nia ko magawang kausapin. Kung alam lang nia kung gano ko kapinagsisisihan ung ngyari. Ung mga nasabi ko. Kung kaya ko nga lang ibalik ang oras, eh di sana ginawa ko na. Babawiin ko lahat ng nasabi ko na nakasakit sa kanya.
Hindi pa den sya sumasagot. Siguro nga, ganun sya kanasaktan at siguro nga kailangan ko na lang tanggapin kahit masakit na kahit kelan, kahit anong gawin ko, hindi na nia ko mapapatawad.
Paalis na sana ko nung biglang biglang bumukas ang pinto..
"Kate pls, kahit 5 minutes lang, kausapin mo ko."
Bigla ako ng napatulala nung sinabi ni Mark yun. Nawala lahat ng galit na nararamdaman ko at napalitan ng sakit. Nung mismong segundo na yun, bumalik sa alaala ko si Siege. Parang may nagrewind at nagplay nung vcd na matagal ko ng itinigil at pinilit kalimutan.
Kate pls, kahit 5 minutes lang, kausapin mo ko.
Si Siege. Yan yung sinabi nia saken nung araw na - nung araw na pumunta sya sa bahay para mag-sorry.. Yun ung araw na hindi ko sya pinakinggan. Yun ung araw na pinagsaraduhan ko sya ng pinto. At yun din ung araw na.. na... huli ko syang...
Huli ko syang nakita.
Naalala ko na naman ang katangahan ko. Naiyak na naman ako. Bakit ba kase hindi ko magawang ibaon na lang sa limot ang lahat?! bakit ba kasi kailangang laging may magpaalala saken ng mga ngyari noon?! Kay Siege??! Baket ba kailangan kong maalala lahat yun??! Nasasaktan lang naman ako eh. hindi naman yun isang happy memory na masarap balik-balikan eh. Isa lang yung masamang panaginip na ayoko ng maalala pa. Kahit kailan.
Hindi ko alam kung bakit ako biglang tumayo. Hindi ko alam kung bakit ko biglang binuksan yung pinto. Siguro kase takot akong mangyari ulet yung nangyari noon. Siguro kase, gusto ko ng kausap. Ewan ko! Ang gulo gulo ng isip ko. Basta ang alam ko, nung nakita ko si Mark, nakita ko si Siege.
Nakita ko si Siege sa nakakatunaw na mata ni Mark..
Salamat sa Poong May kapal at pinagbuksan ako ni Kate. Pero, umiiyak sya. Titig na titig sya sa mata ko at kitang kita ko bawat pagpatak ng luha niya. Dahil ba saken kaya sya umiiyak?
"Batang iyakin ka talaga."
"5 minutes lang hiningi mo db? Sige na magpaliwanag ka na."
Para naman tong impromptu speech. Nakakapressure at nakakapanic. Wala akong masabi. Ah.. Pano ba to? Anong sasabihin ko?
"Mark, sige na, mag-salita ka na."
"Kase Kate, di ko talaga sinasadya yung nangyari.." at ayun nagspeech na nga ako.. Ipinaliwanag ko sa kanya na hindi ko naman talaga sinasadya yun, na may rason ako kung bakit ako naglasing at kung bakit ko nagawang magbakla-baklaan. Isang rason na hindi ko pa kayang sabihin sa kanya. Sa ngayon.
"Ang gusto ko lang namang sabihin eh... sorry. Sorry Kate. Oo medyo iyakin ka pero, di naman ako nagsasawa sa kakapatahan sayo eh. Kahit habang buhay ka pang umiyak, patatahanin at patatahanin kita. Alam mo kung baket? Kase ayokong nakikita kang nalulungkot. Nalulungkot din kase ako eh."
"Pero Mark, wala ka pa ding karapatan-"
"Alam ko. Kaya nga nag-sosorry ako eh. Pero sana Kate, sabihin mo din naman saken yung dahilan kung bakit ka umiiyak para hindi ako nanghuhula."
"Kahit na - "
"Basta Kate. Sorry."
Pareho kameng biglang napatahimik. Nakatitig sa isa't isa. Hindi ko alam kung ano yung tumatakbo sa isip nia ngayon pero sana, mapagdesisyunan na niyang patawarin ako.
"Kate..."
"Hindi ko alam Mark. Hindi ko alam. Ang gulo ng isip ko. Magulo lahat. Hindi ako makapag-isip. "
"Sabi ko nga eh. Magulo pa isip mo. Baket Kate? Dahil ba kay James? Hindi ka ba makapagdesisyon kung sasagutin mo na ba sya o hindi?! Pero sa palagay ko naman hindi ka mahihirapang magdesisyon eh. Nagpahalik ka nga sa kanya db?"
PLAK! Isang malakas na sampal ang natanggap ko galing kay Kate.
"Akala mo ba gusto ko yun ha?! hindi ko gusto yun at mas lalong hindi ko sinabi sa kanya na halikan ako! At isa pa, ano naman sayo kung halikan nia ko?! ha?! Ano naman sayo?! Ano ba kita?! boyfriend ba kita!?"
"Oo nga naman.. Sino nga ba naman ako sa buhay mo para makialam?! Kakilala mo lang naman ako eh. Kakilala na biglang nakitira sa bahay nio at nag-feeling close. Sorry kung pakiramdam ko may karapatan akong makialam sa buhay mo. Di bale, aalis din naman ako dito pag-dating nila mama eh. Babayaran ko na lang ung renta. Ituring mo na lang akong border dito. Nakikiupa. Kaya hindi mo ko kailanganag pakisamahan. Wag kang magalala, simula ngayon, hindi na kita pakikialaman. Simula ngayon hindi ko na isisiksik ung sarili ko sayo."
Tinalikuran ko na sya at umalis. Hindi lang naman sya ung marunong mapikon eh. hindi lang naman sya ung marunong masaktan. Pero, oo nga naman. Sino ba ko sa buhay nia?!
Wala. Ako lang naman yung lalakeng nagmamahal sa kanya ng sobra sobra.
Yung sumunod na linggo na siguro ang isa sa pinaka-malalang parte ng buhay ko. Kung alam nio lang kung gano ko kapinagsisihan na nagalet ako at nag-walkout nung gabing tinangka kong makipagbati kay Kate. Baket ko ba kase pinairal ung init ng ulo?! Yan tuloy, nagalet na ng tuluyan ang lab op my layp.
Nagtataka kayo kung anong nangyari saken ngayong linggo at nagkakaganito ko?! ETO!
Sa School:
Para kong naliligaw na bata. Mag-isang pumapasok, mag-isang naglalakad sa hallway at corridor, mag-isang kumakain. Mag-isa lahat! And above all, tulala. Para na nga daw akong lantang gulay sabi ng mga kaklase at prof ko eh. Naninibago sila saken kase daw ang gulo gulo ko dati, tapos ngayon, halos di nagsasalita. Ang "stiff" ko daw. Ang masaklap pa dun, lagi kong nakikita si Kate at James na magkasama. Sabay sila pumapasok (nag-uumpisa pag sinusundo ni James si Kate sa bahay. Dahil dun araw-araw akong late dahil nagkukunyari akong tulog pa para wag nila ako ayaing sumabay. Inaantay ko munang umalis sila), sabay din silang naglulunch, nagrerecess, at umuuwi. Lahat na ng pwedeng gawin ng sabay, ginawa nila to the point na akala ng lahat eh sila na. Shempre ang puso ko, halos mapulbos na sa sobrang selos. At take note, di pa jan nagtatapos yan!
Sa Bahay:
Batang gulay pa den ako. Halos di nagsasalita. Ang mga sinasabi ko na lang siguro, "paabot nito, paabot nian". Nakakatawa nga eh, nung isang beses na wala kameng hapunan, para kameng sira ni Kate. Para kameng ung mga nasa telenovela sa tv.
"Paki tanong nga kay Mark kung san nia gusto kumain"
"Paki sabi kay Kate di ako gutom. Kayo na lang ang kumain."
"Paki sabi jan sa pasaway mong pinsan kumain sya. Baka sabihin pa nia ginugutom ko sya."
"Paki sabi jan sa kaibigan mong di marunong magluto, thanks but no thanks."
"Ah le*he, kayo nga magusap!"
Ang ending, nagpadeliver na lang sha sa Jollibee. Sa totoo lang, deep inside, napapangiti ako kase pakiramdam ko "nagccare" sha para saken. May concern. Haaay, sana nga. Pero nakakadepress yung ganito na araw araw ko shang nakakasama sa isang bahay, pero wala man lang akong magawa para sa kanya. Ni hindi ko nga sya makausap eh. Ang masaklap pa, nakikita ko syang masaya pag kasama nia si James. Tumatawa. Ngumingiti. Mga bagay na hindi ko nakikitang ginagawa nia pag kasama nia ko. eto nga ata talaga yung sinasabi nilang "selos". Haaay.. 'Tangna. Di pala masarap magselos. Pero kung sa bagay, kasalanan ko naman tong kalbaryong pinagdaanan ko eh. Ang tigas kase ng ulo ko.
At sa buong linggo na to, ngayon lang kame nagkausap. Ngayong sabado. Tinanong nia ko kung may nakita kong recorder. Sabi ko wala. Parang ayaw niang maniwala tapos ayun, tinalikuran nia ko. Yung ichura nia nung tinanong nia ko ng tungkol sa recorder, parang ung ichura nia nung nawala ung laket nia. Yung halos magdikit na ung dalawang kilay sa sobrang kunot ng noo. Siguro kung bati lang kame nagyon eh umiyak na naman sya. Pero dahil galet kame, nagpigil sya ng luha at taas noo nia kong tinanong.
Di ko naman talaga alam kung nasan eh. Hindi ko nga alam kung anong recorder ba yung hinahanap nia. Siguro nga napakahalaga para mag-panic sya ng ganun. Ano kayang meron dun? Sobrang napaisip tuloy ako. Ah.. thesis nila ni James? Mga paborito niang kanta? Kwento? Dedication? Ano?! Sana malaman ko. Pero sana di na lang din pala ko nag-isip. Pano, malalaman ko din naman pala.
Kinagabihan...
Haaaay. Lecheng buhay talaga to. Paminsan-minsan tuloy napapaisip ako, ano bang ginawa ko para pahirapan nila ko ng ganito? gud boy naman ako ah. chaka, only pipol, nagkakamali den. Baket, bawal ba magkamali? Hindi naman ah.
Hindi bawal magkamali. Sadyang may parusa lang.
Payn. sabi mo eh. sino ba ko para kumontra?! Kaya imbis na nag-hahappy happy ako ngayon, etoh ko,, nakakulong sa kwarto, nagmumuni-muni habang may nagaganap na strike sa chan ko. Ang hirap pala mag-hunger strike. Ilang gabi na nga ba kong hindi naghahapunan? ah... Pitong araw? eQuivalent sa isang linggo? gRabe. tatag ko nO?! Maliban sa emotional stress na pinagdadaanan ko eh may physical torture pa. Kelan kaya matatapos to? Ewan. Kaya habang di pa natatapos ang aking "pasakit" eh magpapakasawa muna ko sa kakaisip kung-
"Ang kapal ng muka mO!" Boses ni Kate yun ah. Sino naman kayang kaaway nia? Magaalas-dose na ah.
"Matagal na! Ang tanga mo naman kung hindi mo alam!" Aba aba aba, boses ni Jane yun ah. Nag-aaway sila?
"Pwede ba ibalik mo na saken yang recorder ko?!" Recorder? Na kay Jane?
"Magmakaawa ka muna" Na kay Jane nga! Teka, baket nasakanya yun?! Kay Kate yun db? Naku, umiral na naman pagiging maldita nitong pinsan ko. Mapuntahan nga sila. Baka kailangan ni Kate ng superman, batman, robin, kahit ano. Basta superhero.
Lumabas ako ng kwarto ko tapos pumunta ko sa kwarto ni Kate. Katabing kwarto lang naman yun eh. Medyo nakabukas yung pinto. Nakaupo si Kate sa kama. Si Jane nakatayo as harap nia, nakapamewang. At may hawak na recorder. Yun ba yung recorder na hinahanap saken ni Kate?aNO bang gagawen ko? Mali naman siguro kung papasok ako kagad.
"Kung gusto mong makuha tong recorder mo, magmakaawa ka muna."
"Alam mo, hindi ko kailangang magmakaawa sayo dahil ibabalik mo saken yan sa ayaw at sa gusto mo."
Teka?! Hinde ako makakonek! ano bang meron sa recorder?! baket ba yun kinuha ni Jane?! Baket ba nila pinagaawayan yun?!
Tumayo si Kate tapos inagaw yung recorder kay Jane pero ito namang si Jane eh naiiwas ung recorder. Lalong lumapit si Kate kay Jane habang pinipilit agawin yung recorder. Pareho nilang ayaw bumitaw. Hilahan sila ng hilahan. Halos magpatayan na nga sila eh. Kulang na lang eh maglabas sila ng kuchilyo at magsaksakan. Hilahaan sila ng hilahan hanggang sa may nakapindot na ng play at nagumpisang tumunog ung recorder.
Napatigil si Kate. At nag-umpisang tumulo ang kanyang mga luha...
Napatigil na lang din ako bigala nung narinig ko yung laman nung recorder. Boses ng lalake. Nagsasalita. Kinakausap si Kate.
“Kate, kung nakikinig ka man, sorry. Yung nakita mo, di ko gusto un. Oo, pustahan lang un nung una. Pero nagsisisi na ko kung bakit ko pa ginawa un. kc mahal na kita. I fell for you. It may sound weird pero totoo. Ang saya mo kasama. Ang saya mo kausap. Napapatawa mo ko. Nung gabi pagkatapos ng prom, dapat sasabihin ko na sayo ung totoo kaya lang natakot ako na mawala ka sakin. Yung nakita mo nun, Jane was just trying to win me back. Sa totoo lang, sya ung nagumpisa nun. Gusto daw nia koh, mahal. Pero sabi ko, I don't lyk her. Ayaw nia ko tigilan hanggang sa cnabi nia na titigilan lang nia koh pag napasagot kita. Kaya pumayag akoh kc sobrang naiinis na talaga ko sa kanya. Aayusin ko na dapat lahat ng katangahan ko kaya lang nakita mo un. Iba ung intindi mo. Alam ko nasaktan kita. Sorry talaga Kate. Alam ko na malabong mapatawad mo koh. Nasaktan ka, nagalit. Sa totoo lang nasaktan din akoh. Lahat na ng paraan ginawa ko. Di ko naman kc alam na hahantong sa ganito. Ngaun, napagisip-isip ko na kung wala ka sa buhay ko, wala na ding saysay un. Basta ipangako mo na lang na pag nawala na ko, aalagaan mo yang sarili moh. Wag ka magmumukmok. Cge ka, masisira yang ganda mo, di na ikaw ang pinakamaganda. Ipangako moh din na mghahanap ka ng iba para may magaalaga sayo. Para may magmamahal sau. Para may pumuno ng mga pagkukulang ko. Life is short so you should make the most out of it. Nakilala kita, nagmahal ako ng totoo. Kontento na koh dun.”
Tumahimik sandali tapos narinig ko uli ung boses nung lalake. Kumakanta, umiiyak. Kasabay ng pagkanta nia ay ang tunog ng busina, gulong, preno. Tunog ng aksidente. Tunog ng nabubunggong koche.
“Mahal kita. Sobrang mahal kita, wala na kong pwedeng sabihin pang iba kungdi sorry talaga di ko sinasadya. Talagang sobrang mahal kita Wag kang mawawala Sorry na…”
Habang naririnig ko un, dahandahang kong naintindihan kung baket ganun si Kate. Yun ang eksplanasyon sa lahat - At yung laket - 'tang ina.
Dahan dahang bumalik lahat sa isip ko yung mga ngyari simula pa lang nung una ko shang nakita, nung umiyak sha habang kumakanta si James sa klasrum, nung nawala yung laket nia, nung naiyak sya dahil sa palabas na pinanood namen, nung sinabi ni Jane na makikitira sha kanila Kate, nung sinabi nia na gusto shang ligawan ni James, nung sinabihan ko sya ng kung ano-ano, nung nawala yung recorder.
Kaya pala titig na titig sya kay James nung nasa court kame, kaya pala tumakbo sha palabas ng klasrum, kaya pala napakahalaga nung laket, kaya pala sobrang natataranta sya nung nawala yun, kaya pala di sya nakasagot kagad kay Jane nun, dahil ang maldita kong pinsan pala ang may kagagawan ng lahat. kaya pala sya naiyak sa pinanood namen, kapareho yun nung sitwasyon nia - na nakakilala ng isang lalakeng kamuka nung taong mahal na mahal nia - na nawala sa kanya. Kaya pala lagi syang umiiyak. At 'tang ina, wala nga akong karapatang sabihan sya ng iyakin dahil kahit sino, iiyak kung sila ang nakaranas nun. Ako na talaga ang pinakamalaking tanga sa mundo. Kaya pala ganun na lang sya ka-ilang kay James nung una. Kaya pala ganun yung reaksyon nia sa pangliligaw ni James. Kaya pala ganun sya kay James - dahil kamuka ni James yung lalakeng nagsasalita sa recorder, ung lalake sa laket - yung lalakeng mahal nia.
Kaya pala..
Siguro nga hinde ko na talaga masasabi sa kanya yung nararamdaman ko. Pano ko namang sasabihin sa kanya kung ganito na ung sitwasyon? Ang gulo gulo. Salasalabat. San pa ko sisingit?! Ngayon pa nga lang gulong-gulo na si Kate. Pano pa pag nakigulo ako? Siguro ang magagawa ko na lang eh maging kaibigan nia. Yung kaibigan na aalalay sa kanya. Yung kaibigang magpapatahan sa kanya twing iiyak sya. yung kaibigang magpupunas ng luha nia. Yung kaibigang kahit kelan, di magiging ka-ibigan.
"Awwwww.. masarap ba mag-reminisce Kate? Masarap bang alalahanin ang pagkamatay nia? Kasalanan mo yan. Lahat yan kasalanan mo. Kung hinde mo sha nilandi, siguro, naging kame. siguro buhay pa sha ngayon! You know what Kate, i was this close to being his girlfriend! And i loved him. More than anyone else. Kung ako siguro ung minahal nia, hinding hindi ko na sya pakakawalan. Hinding hindi ko sya sasaktan. Kung ako lang sana yung minahal nia.. Kaso, ikaw yung minahal nia. Pero anong ginawa mo?! Pinabayaan mo sya. Alam mo ba KAte kung gano kasaket saken na makita syang ganun?! Nung gabi na namatay sya, samen sya galeng. Pinuntahan ka daw nia pero pinagsaraduhan mo lang sya ng pinto. Ni hindi mo man lang sya bngyan ng pagkakataon na magpaliwanag. Sabi sya ng sabi na ang tanga tanga nia. Baket daw sya pumayag sa pustahan namen, baket ko daw kase sya nilapitan nung araw na yun?! Kulang na nga lang isampal nia sa muka ko na ako yung may kasalanan kung baket ka galet sa kanya eh. Ang saket saken nun Kate. Ang saket saken na yung taong mahal ko, umiiyak ng dahil sa iba. Tapos ayun, nag-aya syang uminom. Anong magagawa ko?! Wala. Sinamahan ko sya. know what? During those times na umiinom sya, wala shang ibang ginawa kundi banggitin ang pangalan mo. Kate, Kate, Kate. Walang sawang Kate. Tapos, umalis na sya. Nag-drive ng lasing. You know what happpend next. Aksidente. Then, he died. And its all your fault."
Aksidente?! Nagdrive ng lasing?! 'Tangna. Totoong aksidente pala yung ngyari. Totoong aksidente pala yung napakinggan ko. At yung namatay.. Yung mahal ni Kate. Kaya pala ibang klaseng takot yung nakita ko sa mata nung muntikan na kameng mabangga. Kaya pala ganun yung iyak nia - hindi lang basta takot. may kasamang sakit.
"Ano Kate? Magsalita ka!"
PLAk. Sinampal ni Jane si Kate.
"That is for making my life miserable."
PLAk. Sinampal ulet ni Jane si Kate.
"And that is for killing him."
"Hindi ko sya pinatay.. Aksidente yung nangyari. Baket, sa palagay mo ba gusto ko ung nangyari?! ha!? palagay mo ba gusto ko un?! hinde Jane! hinding hindi!"
Iyak ng iyak si Kate. Yung iyak na parang hindi na sya titigil pa. Hikbi na din sya ng hikbi. At kitang kita ko na nasasaktan sya. Iyak sya ng iyak habang si Jane, nakatitig lang ng masama sa kanya.
PLA.. -
Tama na Jane. Sumosobra ka na." Pumasok na ko sa kwarto. HIndi ko na kayang manood na lang. Hindi ko kayang tignan na lang si Kate na basta basta na lang sinasampal-sampal ni Jane.
"Ano?! kakampihan mo sya?! Sige. Go with that b!+c#." Tinanggal nia yung kamay ko sa pagkakahawak sa kanya tapos umalis sya.
"Kate.." Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko alam kung pano sya patatahanin.. Kung pano sya patatawanin.. Hindi ko alam kung pano patitigilin tong mga ngyayari. Hindi ko talaga alam kung anong sasabihin ko.
"Mark.."
"Shhh.. tahan na.."
"Mark.." Yun na lang din siguro ang kaya niang sabihin. Umakap sia saken. Ang higpit higpit. Nararamdaman ko yung paghikbi nia.
Niyakap ko den sya. Iyak pa den siya ng iyak. Tuloy tuloy ung pagpatak ng luha nia. Ang saket nga pala talaga pag umiiyak ung mahal mo. Tapos wala kang magawa.
"Tama na Kate.. Tahan na.."
"Iiwan mo - ba ko - pag - hindi ako- tumigil?"
"Hindi Kate.. hindi kita iiwan.."
Hinding hindi kita iiwan...
iLang minuto den bago sya tumigil sa pag-iyak. Pero kahit wala ng luha na pumapatak galing sa mata niya, nakikita ko pa den sa kanya na sobrang nasasaktan sya. Nakatulala lang sya, di nagsasalita. Hindi ko alam kung anong dapat gawen. Kakausapin ko ba sya o hahayaan na lang na ganyan? Pero, ayoko na syang makita na nasasaktan.
Kase nasasaktan den ako.
At hindi ko na alam kung san ako lulugar sa napakagulong sitwasyon na to - Mahal ko sya pero nililigawan sya ng bestfriend ko na kamuka ng mahal nia na namatay sa aksidente dahil sa kung ano mang pakulo na ginawa ni Jane na pinsan ko. Ano?! Anong gagawin ko?! Manahimik na lang sa isang tabi?! Panoorin na lang si Kate na nahihirapan?! Panoorin na lang tong mga napakagulong pangyayari?! Hinde ko ata kayang gawen yun.
"Mark.." Sa wakas, nagsalita na sya.
"Ok ka na ba?"
Umiling lang sya. Yung mata niya, nagbabadya na namang umiyak at maglabas ng luha. Hinde pwede. hindi na sya dapat umiyak. Tumayo ako at hinila sya patayo.
"Baket?"
"Aalis tayo. Para wag ka na umiyak."
"Pero-"
"Hayaan mo na ko.. Para makabawi man lang ako sa kasalanan na nagawa ko sayo."
Tumayo na den sya. Lumabas kame ng bahay at dumerecho sa koche. Pinagbuksan ko sya ng pinto. Parang ayaw pa niyang pumasok nung una pero nung tinignan ko na sya sa mata at tumango, pumasok na den sya. Sumakay na den ako ng koche at nagdrive.
Idinaan ko muna ng ministop. Bumili ako ng pagkain at softdrinks tapos ng-drive na ko papuntang UST. Dadalin ko sya sa main building.. Db nga, dun ako pumupunta pag may problema ko? Ewan ko ba.. basta, gumagaan pakiramdam ko pag nandun ako. At sana sya den. Sana kahit pano, gumaan yung loob nia. Siguro kakausapin ko na lang den sya. Kahit puro patawa lang ang alam ko at kahit hinde ako marunong nung mga heart-to-heart talk, susubukan ko pa den para sa kanya.
Sana nga lang, bukas pa...
Hay.. thank you Lord! si manong guard na kabaybs ko ang nagbabantay. Eh di syempre, instant pass na yun sa gate. Yun nga lang, sabi saken ni manong nung nakita nia si Kate, wag daw ako gagawa ng kalokohan. Sus naman to si manong, sa ilang taon kong nag-aral dito sa Ust, simula nursery hanggang ngayong college na magkakilala kame eh pinaghinalaan pa kong gagawa ng kalokohan. At si Kate pa ang gagawan ko ng kalokohan?! HAH! NEVER!
So ayun, pumasok na kame ng UST habang mejo nagtatago sa ibang guards na nakaduty. Syempre, hindi naman lahat sila eh ka-close ko.
Finally, nakarating na kame sa Mainbuilding. Pumasok na kame at umakyat sa taas. Nagelevator, nag-elevator ulet tapos umakyat na sa hagdanan. Binuksan ko na yung pinto tapos ayun, pumasok na kame.
Umupo sya kagad sa isang tabi, habang ako, nilalabas ang secret weapon ko. Teka teka teka, bago kayo mag-isip ng kung ano ano, hindi bomba o kung ano man ung secret weapon. Hindi ako terorista. mini sofa at lamesa ung secret weapon ko.. Na pinaghirapan kong iakyat dito nung 2nd yr highschool ako. Ang hirap naman kase ng nakaupo lang sa lapag diba?! Dapat komportable kaya, ayun, nag-akyat ako dito. At buti na lang ginawa ko yun, at least may pakinabang ngayon.
Inayos ko na yung mesa at upuan. Nilagay ko na den yung pagkain at softdrinks sa mesa. Inaya ko na sya umupo dun sa mini-sofa tapos tinabihan ko sya. Nagbukas ako ng coke in can. Uminom. Habang sya, tahimik lang.
Ilang minuto kaming ganun. Sya tahimik lang, habang ako, nagpapakabundat sa coke. Siguro, mga 15 minutes kaming ganun bago sya nagsalita.
"Alam mo Mark, mahal na mahal ko sya. Mahal na mahal ko si Siege."
Siege siguro yung pangalan nung lalake.
"First year pa lang, may gusto na ko sa kanya. Ang cute kase nia eh. Mabait, hindi mukang suplado. Magaling kumanta, magaling sumayaw, matalino, at higit sa lahat, magaling magbasketball. Alam mo ba, never akong naka-miss ng laro nia. Lagi akong nandun.. tumatalon sa tuwa twing nakaka-shoot sya. Siguro, hindi nia ko napapansin. Sa dinami-dami ba naman naming tumitili para sa kanya, eh mapapansin pa ba naman nia ko?"
Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
"Ilang taon din yun na nabuhay lang ako sa mga simpleng panaginip.. Mga panaginip na malay mo, isang araw, makita nia ko at magustuhan. Kala ko hindi na mangyayari yun. Pero nung 4th yr.. grabe.. Nagkatotoo lahat ng mga dinedaydream ko. Inaya nia ko sa prom. Lumabas kame.. nanood ng sine, naglibot sa mall, uminom ng kape sa starbucks, nagkwentuhan."
Nakatulala lang sya habang nag-sasalita. Yung mga luha nia, tahimik na lang din na pumapatak galing sa mata nia. Hindi ko na sya magawang pigilan na umiyak. Dahil alam ko, iiyak at iiyak din sya ulet. Hangga't nasasaktan sya, papatak at papatak pa den ang luha nia. Siguro, mas mabuti na nga lang den na umiyak sya.. Para kahit pano, mailabas nia ung sakit na nararamdaman nia.
"Tapos, ang saya saya nung prom. Yun na siguro ung pinaka-masayang gabi ng buhay ko. Yung lalakeng apat na taon kong gusto, minahal, finally nakasama ko den. Ang saya saya ko talaga nun. Sabi pa nia, im the most beautiful girl he ever laid his eyes on. Ang sarap pakinggan db? Nagpapicture pa nga kame pagkatapos ng prom eh. Tapos, hinatid nia ko.. sinabi nia saken na mahal daw nia ko. Niyakap sa gitna ng ulan. Ewan ko ba kung anong pumasok sa utak ko at tinakbuhan ko sya. Sabi ko, baka takot lang akong masaktan. Chaka, di ako makapaniwala sa mga naririnig ko. Ang campus hearthrob, may gusto saken?! imposible. Pero naisip ko den na unfair sa knya at saken un kaya nag-decide ako na magsorry sa kanya kinabukasan.."
Ang hirap siguro para sa kanya na ikwento yun pero, ayan sya, kinkwento saken lahat ng mga nangyari sa kanya noon.
"Kinabukasan, unang unang nakita ko pagpasok sa skul, si Siege at si Jane. Ang saket saken nun. Pagkatapos niang sabihin na mahal nia ko, ganun ung makikita ko.. kahit cno naman siguro, masasaktan db? Tnry nia kong kausapin pero, tinakbuhan ko na naman sia. Masyado kasing masakit eh. Tapos, si Jane, sinundan ako sa cr. Pustahan lang daw un. Ang saket saket nun. Kala ko sa mga telenovela lang ngyayari yung pinagpupustahan ung babae. Yun pala, kahit sa sa totoong buhay nangyayari din yun. Iniwasan ko na sya simula nun. Ayoko makarinig ng kahit ano galing sa kanya. Ganun kagrabe ung sakit na nararamdaman ko. Ayoko na nga sya makita eh. ayoko ng maalala pa un.. Dumating yung graduation. Kala ko tapos na lahat pero, ayun.. hanggang bakasyon, nagsosorry pa den sya saken. Gusto daw nia magpaliwanag pero masyado tlaga kong nasaktan. Gabi gabi umiiyak ako lalo na pag naaalala ko sya. Hanggang sa isang araw, dumating sya sa bahay. Kahit 5 minutes lang daw hayaan ko syang magpaliwanag."
Kaya pala pinagbuksan nia ko ng pinto nung nasabi ko na kahit 5 minutes lang hayaan nia ko mag-explain. Kase.. naalala nia si Siege.. Kaya pala..
"Pero, pinagsaraduhan ko sya ng pinto. Nag-tatalo kase ung utak at puso ko. Sabi ng utak ko, tama a. Pero sa bi ng puso ko, bgyan ko sya ng chance.. Tutal naman, mahal ko sya. Tapos, nung finally, nakapagdecide na ko na kausapin sya.. Wala na.. Wala na sya. Umalis na. Kinabukasan, may kumatok ulet sa pinto, akala ko sya. Pero hinde, si Jane. Umiiyak. Binigay saken ung recorder at laket. Tapos.. ayun. Alam mo na yung mga kasunod na nangyari. Narinig mo naman ung recorder db? tapos eto, pinilit ko sina mama na lumipat dito. Pero ano? una kong nakita sa 'brand new life' ko dito sa manila, Si james. Dun ko nga lang napatunayan na life is full of surprises eh. Sa dinami-sami nga makakamuka nia, si Siege pa. Tapos, eto, pwede daw ba mangligaw. Dumating pa si Jane. Sabihin mo nga saken Mark, masama ba ko? Masama ba kong tao?! Masama ba ko para pahirapan ako ng Diyos ng ganito?! Anong kasalanan ba ang nagawa ko sa Kanya at pinaparusahan nia ko ng ganito?!"
Lumakas na naman yung pag-iyak nia. Nag-umpisa na naman siyang humikbi. Wala talaga kong masabi. Hindi ko talaga alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Hindi ko alam, ganun pala kagrabe ung nangyari noon. Ganun kagulo. Ganun kahirap. Ganun kasakit.
Niyakap ko sya ulet. Sa ngayon, yun lang ang kaya kong gawen. Ang yakapin sya at iparamdam sa kanya na magiging ok din lahat. Na nandito ko para sa kanya. Na hindi ko siya pababayaan. Na hindi ko sya iiwan.
"Tama na.. wag ka na umiyak. Hindi ka masama. Wala kang kasalanan.. Shhhhhh.. Wag ka na umiyak.. magiging ok din lahat. Pangako ko sayo, simula ngayon, gagawen ko lahat para wag ka na masaktan.. Tatanggalin naten lahat ng makakapag-paalala sayo nung mga ngyari dati, kay Siege. Tutulungan kitang makalimot."
Iniharap ko sya saken, pinunasan ung mga luha nia at hinawakan ang mag kamay nia.
"Tumingin ka nga saken.." Tinignan ko sya sa mata.
"Simula ngayon, ayoko ng makita ka na umiiyak.. Lahat gagawin ko para makalimutan mo siya. Lahat gagawen ko para sumaya ka. Kahit maging personal clown mo pa ko, ok lang. Wag ko na lang ulit makitang nalulungkot ka. Kaya sana, simula ngayon wag ka ng iiyak.."
Dahil lahat gagawin ko para lang sumaya ka...
Ilang minuto den na yakap ko si Kate bago sya tuluyang tumigil sa pag-iyak. At eto na kame ngayon, nasa tuktok pa den ng mainbuilding. Nakaupo at sya, nakahiga sa balikat ko. Nakatulala sa kawalan.
Ako? hindi ko na naman alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko na naman alam kung anong gagawin ko. Hindi ko den maintindihan tong nararamdaman ko - mabigat na parang hindi ako makahinga. Yung parang may luha sa dulo ng mga mata ko.
Haaaaay.. eto ata yung tinatawag nilang sakit eh. Yung ... Yung.. masakit. Ayun. Masakit. May iba pa bang description dun? Basta, ang alam ko, di maganda sa pakiramdam. Di masarap. At ayoko ng maramdaman to.
Kung baket ba naman kase talaga napasaok ako sa ganitong sitwasyon eh. Hindi naman sa pinagsisisihan ko na nakilala ko si Kate.. Pero sana, hindi yung ganito na magulo. O kaya sana noon ko pa sya nakilala. Yung bago pa nia nakilala si Siege para hindi sia nasasaktan ng ganito. Kung pwede lang sana ibalik ang oras no? Kung pwede lang sana, matagal ko ng ginawa para masaya na lahat. Walang gulo. Walang aksidente. Wala lahat ng nakakapagpahirap kay Kate.
"Mark.. Thank you ha. Thank you kase di mo ko iniwan.. sinamahan mo ko dito sa pagmumukmok ko. Thank you talaga."
"Thank you lang? wala bang 'how can i ever repay you'?"
*natatawa* "Ikaw talaga. O sya, sige na nga.. how can i ever repa you my brave knight?"
Ang sarap naman pakinggan nun. Lalo na't may kasama pang smile. "Hinde no, joke lang. Kaw pa, eh ang lakas mo saken."
"Lakas ka jan.. if i know, kanina mo pa ko gustong ilaglag kase para kong bata na ngawa ng ngawa."
"iKaw? ilalaglag ko?! hindi nO! sige na, nandun na tayo sa para kang bata kung ngumawa pero hindi kita ilalaglag no. Eh di pag nilaglag kita, wala na kong patatahanin. hehehe."
Aba, tawanan lang ba ko ng tawanan?
"Yan! ganyan lang dapat lagi." At may bumbilyang umilaw sa ulo kO."db sabi mo haw can you ever repay me?! alam kO na! wag ka na ulit iiyak. ok na ba yun?"
"ang hirap naman nun.."
At may isa pang bumbilya na umilaw sa ulo ko.
"eh db nga tutulungan kita? Ano.. Ah.. tatanggalin naten lahat ng nkakapagpaalala sayo kay.. sa kanya. Yung laket, ung recorder.. hindi ka na pupunta sa starbucks.. Basta, Lahat. db ok naman un?"
"Pano si - si- si James?"
Oo nga pala. Si bespren. Pano na nga ba yun? eh nagumpisa ng mangligaw si james kay Kate. At pumayag den naman si Kate. GRRRRR! Ayoko ng maalala yun! lalo na ung hinilakin ni - gRRRR! pag naaalala ko yun, parang gusto ko lang pumatay ng bespren eh!
Haaay... Hinga ng malalim. Inhale... Exhale... Control yourself. Control Mark. Control..
"Oi Mark. Pano na yun?"
"Eh ano ba lagay nia sayo? gusto mo ba sya?"
"Ah..... Eh....."
Gulp. Sana hindi...
And there was silence. Complete silence. Yung tipong nakakabingi na dahil sa sobrang katahimikan. Pagkatapos nung 'ah.. eh...' nia, wala na. Hindi na sya nakapagsalita.
Eto na naman yung masamang pakiramdam sa dibdib ko. Mabigat. Gusto ko syang tanungin kung bakit hindi sya makasagot, bakit natahimik na lang sya. Bakit?! Dahil ba sa oo yung sagot nia?! Oo na gusto nia si James at hindi lang nia masabi saken?! Pero, mas mabuti na kung sasabihin nia saken db?! Kesa ganito, nag-iisip ako kung baket katahimikan ang sagot nia sa tanong ko. Oo o hindi lang naman eh. Hindi rin naman ako magagalit kung sakaling oo yung isagot nia, kung sakaling sabihin nia na gusto nia si James. Hindi naman talaga ko magagalit eh.
Masasaktan lang.
Hindi ko na kaya to. Hindi ko na kaya tong katahimikan na to. Its time to break the ice.
"Kate, ano na? Yung tinatanong ko sayo. Gusto mo ba si James?"
Please say no. Please say no. Please say no. Please say no. Please say no. Please say no. Please say no. Please say no. Please say no. Please say no. Please say no. Please say no.
"Ha? hindi..."
Yes! hindi daw! Narinig nio yun?! hindi nia gusto si James! Wuhooooooo! Hindi gusto ni Kate si James!
".....Hindi ko alam."
Ha?
Ano daw?! Teka, paki ulit nga. Baka nabibingi lang ako. Hindi ako pwedeng magkamali. db sabi nia hindi?! db?
Putang ina.
"Hindi ko alam Mark. Hindi ko alam. Ang gulo gulo talaga. Hindi ko alam kung bakit ko sya pinayagan na ligawan ako kahit alam ko naman na ako den ung mahihirapan. Hindi ko nga den alam kung bakit hinayaan ko lang sia nung hinalikan nia ko eh. Hindi ko alam kung bakit hindi ako nagalit. Siguro kase nakikita ko sa kanya si - si- si Siege. Ewan ko. Siguro kase gusto ko mabuhay sa kanya si Siege. O siguro kahit paano gusto ko den sia. Ewan ko Mark. Ewan ko."
Parang awa nio na. Sabihin nio saken na mali yung narinig ko. Parang awa nio na, sabihin nio saken na hindi sinabi ni Kate na baka gusto den nia si James. Please, parang awa nio na sabihin nio saken na hindi totoo tong mga naririnig ko.
"Mark.."
Ewan ko na den. Hindi ko na den alam. Wala na kong masabi. Wala na kong maisip. Wala na lahat maliban sa sakit.
"Mark, magsalita ka naman oh. pls."
Eh ano ngang sasabihin ko?! Na tama na?! Bawiin nia yung sinabi nia dahil hindi maganda sa pakiramdam?!
Hindi pwede to. Hindi pwede na wala akong masabi. Hindi pwede na wala akong magawa. Kakapangako ko pa lang sa kanya na tutulungan ko sya tapos, ganito ko. Hinde pwede.. Kaya Mark, hinga ulet ng malalim. Control yourself. Kaya mo yan. Inhale... Exhale... Yan... Kalamahin mo yung sarili mo. Wag mo na isipin si James. Isipin mo na lang si Kate. Inhale... exhale...
"Kate.. kase.. pano ba to.. Ah.. ganito kase yun eh. kailangan magdesisyon ka. kailangan isipin mo na kung anong gusto mong mangyari. Kung gusto mong makalimot, isipin mo na kung sa anong paraan. Gusto mo nga bang makalimot?"
"oo."
"Kakayanin mo bang makalimot kung nandyan si James?"
"Hindi naman naten sya mapapaalis db?"
"hindi nga pero - Sa totoo lang kase kate, hindi ko na den alam eh. Gusto mong makalimot pero nandyan si James. Naaalala mo si Siege sa kanya. Pano kang makakalimot kung araw araw mong makikita yung tao na nakakapagpaalala sayo dun sa taong gusto mong kalimutan? Siguro hindi na naten talaga maaalis yun dahil hindi nga naten pwedeng paalisin na lang si James. Siguro pagisipan mo na lang muna kung hahayaan mo pa syang ligawan ka o hindi."
And again, there was silence...
Ilang mintuo na naman ng nakakabinging katahimikan. Nakakapraning. Para kong si Hamlet na halos mabaliw na sa kakaisip.. Tipong to be or not to be, that is the question. Saken nga lang, mas malala, dahil hindi lang yun ang iniisip ko. Hindi lang yun ang tanong na nasa utak ko.
Ano na bang mangyayari saken kapag hinayaan sia ni Kate? Habang buhay ko na lang bang papangarapin ung “the us that never was”? Habang buhay ko na lang bang panghihinayangan yung pagkakataong sinayang ko? Anong -
“Bahala na si batman.”
Batman?! Nandito ko nagpapaka-concerned tapos bahala na si batman?! Ano ba namang buhay to? Nakanaman ng pucha oh. Batman?!
Eh di maging si batman ka.
Sawsaw, is dat you?! Are you back from outerspace?! Kaso naman.. Nu ba yang suggestion mo! Balak mo pa kong pagsuotin ng maskarang may kadugtong na tenga ng paniki at brief na nakapatong sa leggings. Yak ah.
“Pero, promise ko sayo. Ittry ko na hindi na umiyak.”
Hay salamat. Pero mas maganda sana kung ang sinabi nia eh hindi na nia hahayaan si James na ituloy ung pangliligaw. Para libre na ko. Db?! Ano ba naman kasing gagawin ko kung matuloy-tuloy ung pangliligaw ni James kay Kate?
Eh di makipagsabayan ka.
Grabe, salamat po Poong may kapal at ibinalik nio ang aking anghel de la gwardia. I lab you so much na.
Anghel de la gwardia ka jan. Engot, hindi ka lang talaga marunong mag-isip. At pwede ba. I lab you?. Di tayo talo no.
Basta, salamat kay Lord at pinadalan nia ko ng sign - tama! Manghihingi na lang ako ng tatlong sign. At kapag natupad yun, itutuloy ko na ung pangliligaw kay kate. Hmmmmm… Ano kaya? Aaaaaaaahhhhhhhhhh...
Una, pag walang assignment na binigay samen ung mga prof bukas. Tapos... pangalawa, pag nag-red si Kate sa susunod na bukas. At pangatlo, pag hinalikan nia ko. Aba, si James nakascore na tapos ako hindi pa. Dats not fair! db? Haaay.. wish ko lang...
Lord, please send the signs.
*muah*
Yes! Yes! 3rd sign! Dis is it! Ang senyales mula sa kataastaasan na dapat kong ligawan si Kate!
"Kate..." Syempre dapat may paluhod-luhod effect den.
"Mark.."
"i Love you"
"Mark. Mark gising na."
Ha?!
Reality check. Panaginip lang yun.
Ay punyeta. Panaginip lang pala. Akala ko totoo na. Kala ko yun na yun tapos -shet! i hate dis life! Hayup talaga. Kala ko totoo na. Kala ko hinalikan na nia ko. Kala ko sasabihin nia Mark i love you too tapos un pala, Mark gising.
Mark i love you too? In your dreams pare.
Oo na, Oo na. In my dreams na. Wag mo ng ipamuka saken na hanggang panaginip na lang magiging kame.
"Mark, gising na."
Sige na nga. Eto na po, gigising na. 1, 2, 3. Mark, dumilat ka - Wow! Am i in heaven? Ang ganda ganda naman ng gising ko. Panong hindi gaganda eh ang ganda den ng gumisng saken? Grabe.. Best morning ever.
"Hay naku. salamat naman at gumising ka na. Tulog mantika ka talaga." sabi ng, ehem ehem, 'anghel' ko sabay pisil sa ilong ko. Haaaay.. sa mga pagkakataong ganito, i just cant help but smile.
"Kanina ka pa gising?"
"Hindi naman masyado. Uhm, Mark. Pano na to? Pano tayo papasok? Ang dame na nating late kaya di na tayo pwedeng mag-absent."
"oo nga no. Kaso naman, ni hindi pa nga tayo nag-totoothbrush. Jahe naman pumasok ng bad breath db? Pano nga ba to? Ahhh.. Uwi na lang muna siguro tayo tapos habol na lang tayo kahit sa last subject naten."
Hinila ko na sya patayo tapos bumaba na kame. Si ate guard sa 4th floor ang sama ng tingin samen. Akala siguro may kung ano kaming ginawa ni Kate. Wish ko lang no. hehe.
Lumabas na kame ng main building at dumerecho sa parking lot and off we go. Pauwi sa bahay. Pagdating na pagdating dun sa bahay, waha, nagunahan kagad kame sa lababo para magtoothbrush. Sinong nanalo? tinatanong pa ba yun?! eh di ako! hehe. Yun nga lang, naunahan nia ko sa cr.
Siguro mga 45 minutes, umalis na ulet kame. Nagmamadaling pumasok para makahabol sa kahit huling subject. Pagdating namen sa ust, tumakbo na kame kagad paakyat sa classroom at salamat na naman sa Diyos, wala pang prof. Swak na swak yung dating namen kase mga ilang segumdo lang, pumasok na yung prof namen.
Haaaay... 45 minutes din to na uupo ako no. Boring. Ano kayang magawa ko? Eh di tutunganga as usual. Muni-muni dito. Nilay-nilay jan.
Yes. malapit na. 5 minutes na lang! Ano kayang magandanag magawa sa huling 5ng minuto ng klase? Teka, ung sign ko nga pala. Matanong nga dito kay labo kung may assignment ng binibigay ang mga prof.
"May pahirap na bang binibigay mga prof naten?"
Sana wala.. Sana wala.. Sana wala.. Sana wala.. Sana wala.. Sana wala.. Sana wala.. Sana wala.. Sana wala.. Sana wala.. Sana wala.. Sana wala.. Sana wala.. Sana wala.. Sana wala.. Sana wala.. Sana wala.. Sana wala..
"Wala pa." Yes! dis must be my lucky day! yehey!
Ok Class, thats all for now. But before you go, pls take note of your assignment that i will be dictating to you."
Lucky day pala ah.
Shet. Pano na yung first sign ko?
Waaaaaaaaah! Pano na ang first sign ko?! Hindi maaaring maudlot yun! Ano ba naman yan! Ano ng gagawin ko? Siguro lang, wala kase db nga sign ung hinihingi ko? ibig sabihin, pag di binigay ng Diyos eh we're not meant to be.
*tok tok tok*
At may kumatok sa pinto namen. Lumabas si prof. Nagusap sila sandali at mukang seryosong usapan ang naganap. Maya-maya, pumasok na si prof. Yung puso ko kabog pa den ng kabog. Kinuha lang nia yung bag nia tapos sinabi nia, "you may go". Waha! Tama ba yung narinig ko? You may go? Wala ng assignment?!
Saved by the katok
Oo nga eh. Saved by the katok. At tatanawin kong malaking utang na loob sa kung sino mang anghel na sugo ng Diyos yung pag-katok nia at pag-istorbo sa pagbibigay samen ng homework. Haha! Wala na ngang assignment, 1st sign accomplished pa. O db, 2 in 1?
Db sinabi na nga ng teacher na you may go? Eh di inaya ko na si Kate na umuwi. Tinanong ko sya kung may lakad sya ngayon at, yehey! wala! At dahil wala, sabi ko sa kanya daan muna kame ng ministop. Tutal naman walang pasok bukas at pwede kaming matulog hangga't gusto namen, eh pwede din kameng maglakwacha ngayon. Pumayag sya kaya lumabas na kame ng klasrum. At dahil kabaybs ko lahat ng mga staff dito mula kay manong guard, janitor, at hanggang kay ate elevator, nag-elevator na kame. Tapos dumerecho kame sa ministop at kumain. Kwentuhan, asaran, biruan. Tawa lang sya ng tawa kaya masaya na den ako.
Wala ka bang balak gumawa ng lakad para bukas?
Pwede rin.. San naman kaya? Ang mabuti pa, tanungin ko na lang si Kate.
"Kate, alis tayo bukas. Liwaliw lang para malibang naman tayo pareho. Ok lang sayo?"
"Sige ba, basta libre mo ha. Joke!"
"Syempre lilibre kita, pwede ba namang hindi? San mo ba gusto?"
"Kahit san basta masaya. Bahala ka na."
"Star City, ok sayo?"
"Star city? cge ba. Tagal ko ng hindi nakakapunta dun eh."
"Wala ng atrasan yan ah"
Yes! official na ito! Wala ng bawian! May date kame bukas ni Kate.
Date ka jan? Asa ka pa.
Bakit kaya ang daming kontrabida sa mundo? No? Nyahaha! basta ako masaya at may lakad kame bukas. Gagawin ko yung super saya para kay Kate.
Maya maya, umuwi na den kame. Sa bahay, nanood ng tv, nagkwentuhan lang ulet. Nung sinabi nia na matutulog na sia, natulog na din ako. At syempre, pinaalalahanan ko sya sa lakad namin bukas. Haaaay, excited na kO! ano kayang mangyayari bUkas?
Kinabukasan...
Gud afternoon Philippines! Im so happy today because dis is the day of all the days! hahaha! Grabe, anong oras na ko nagising, 12 na! Teka, makababa na nga. At aba, ready na ang pagkain. Inaya na ko kagad ni kate na kumain. After naming kumain, naligo na ko. Pagkalabas ko ng banyo, syempre, papogi na. Konting gel at konting pabango at ako na yata ang pinakamagandang lalake sa mundo. hehehe. Habang nagpapapogi ako, naliligo naman sya. Teka, ang 2nd sign ko! Red shirt dapat ang isuot niya ngayon. Basta kahit anong pulang damit. Maabangan nga sya sa labas ng banyo. Witwiwiw witwiwiw..
Umikot na ang doorknob...
Bumukas na yung pinto...
And the color of the day is...
rEd! Lord pls let it be red! red red red red red red red red red red red red red red red red red red red red red red red red red red red red red red red red red red red red red red .
Sorry. blue.
Ha? blue? baket blue? Ang sama naman! Natupad na nga yung first sign eh, tapos ganito! Waaaaah! ayoko na! Ayoko na talaga! Ang sama mo Lord, pinapaasa mo pa ko! huhuhu! Kawawa naman ako. Umaasa na lang sa wala. hUhUhU.
"O Mark, anong ginagawa mo jan? gagamit ka ba ng cr?"
Hinde! ano naman gagawin ko sa loob ng cr? magmumukmok? Waaaaaaah! Ansama talaga. "Hinde. Inaantay lang kita."
"Sus naman. Para namang kakainin ako ng cr."
"Malay mo. Sige, antayin na lang kita sa sala ha."
At ayun, umakyat na sya sa kwarto nia para magbihis habang ako naman, pumunta sa sala ng luhaan. Ang sama ng feeling. Kala ko pa man den. Pero kung sa bagay, db nga sign ang hinihingi ko.. Eh baket ako magagalet kung di mabigay. Yun nga lang yun eh, pag di binigay eh di, sorry na lang ako. Habang buhay ko na lang talagang papangarapin na kame ni Kate. Na mahal din nia ko. Ang hindi ko lang naman makakayang tanggapin siguro eh kapag naging sila ni James. Alam ko na panigurado mangyayari saken nun. Por layp na kong luluha at malamang, por layp na den akong magluluksa. Na isang babae na naman ang naagaw saken ng bespren ko. Pero inpernes ah, naalala ko, may isa nga palang pagkakataon na nanalo ko kay James. Panandalian nga lang. Nung 3rd yr highschool kase kame eh sabay kaming nangligaw sa isang babae. Si Anna. Haaay, sobrang tyoe na type ko talaga yung babae na yun at shempre, heaven ang feeling ko nung mas pinili nia ko kesa ay James. Kaso nga lang, wala pang isang buwan eh gumuho na ulit ung mundo ko. Nalaman ko na lang sa bestfriend ni Anna na sila na ni James. Ang saklap ng pakiramdam ko nun. Masaklap pero hindi masakit. Naisip ko nga nun eh, kaibigan ba talaga tong si James? Eh kung tutuusin, para nia kong sinaksak sa likod nun. Pero, hinayaan ko na lang. Ayoko naman na masira yung pagkakaibigan namen ng dahil sa babae lang db? Kaya, ayun, nagparaya ako.
At ngayon magpaparaya ka na naman. Eh hindi na pagpaparaya ang tawag jan. Katangahan na yan no.
Si Kate? hinding hindi ko ipagpaparaya si Kate. Maliban na lang kung dun sya masaya kay James. Siguro, kahit magiging masakit para saken yun, eh, hahayaan ko na. Dun sya masaya eh. Kesa naman na kasama nia ko pero yung isip at puso nia nasa iba den. *sniff*
Teka nga pala, nasan na ba tong si Kate. Nakapagkwento na ko ng history ng buhay ko at nakapagsenti, wala pa den. Haaay, mga babae talaga o. Katagal magpaganda.
*Pasigaw*"Kate, Matagal ka pa ba?"
"Jan na."
Hay sa wakas. At ayun, narinig ko na ang footsteps nia na pababa ng hagdanan. Matignan nga kung maganda tala -
Shet. Totoo ba tong nakikita ko? Baka naman color blind na ko?!
Naka-red ba talaga si Kate?
oh shet, oh shet! naka red nga si Kate! Nakanaman talaga! hAhA! eh teka, nakablue sha kanina db? Panong -? Panong naging blue yung suot niyang damit?!
"Oh Mark, para kang nakakita ng multo jan."
"Ha? Ah, eh, nagulat lang ako sayo, nakablue ka kase kanina tapos ngayon nakared ka na."
"Natapunan kase ng pulbo ung tshirt ko kanina eh. Namuti. Kaya nagpalit ako. Ano, tara na?"
Lumabas na kame at sumakay sa koche. Haaay, salamat sa pagkakatapon ni Kate ng pulbo. Akalain mo yun?! nakablue na sya tapos naging red pa. Kung di ba naman talagang ITS A SIGN FROM THE LORD UP ABOVE! hehe. Pangalawang beses na to na muntik hindi magkatotoo ung sign na hinihingi ko pero nagkakaron ng kung anong pangyayari kaya natutuloy pa den. Divine intervention na ang tawag dito!
Eh di sige, drive drive drive. Habang tong katabi ko eh himbing na himbing sa pagkakatulog. Kung di lang ako kinakabahan na baka mabangga kame eh sa kanya na lang siguro ko tumingin. Ang peaceful kase ng muka nia pag natutulog eh. Parang anghel. Walang stir. Walang halong joke. At di den ako nagiging exag. Muka talaga syang anghel.
Mga 45 minutes, nandun na kame sa star city. Pinark ko yung koche sa parking lot (malamang). Haaay, tulog na tulog pa den tong batang to. Tulog mantika pala ko ah?! Sino ngayon ang tulog mantika?!
May icoconfess ako sa inyo. Alam nio, natetempt akong halikan sya ngayon. Sobrang gusto ko syang halikan. Lilinawin ko lang, hindi kung ano mang kahalayan ang nasa isip ko. Clean intentons talaga. Alam nio un, ung puso ko kumakabog pa tinitignan ko sya. Parang nag-uumapaw. Ang hirap i-explain pero basta, ganun katindi ung nararamdaman ko. Isang hibla na nga lang ng buhok yung layo ng muka ko sa muka nia eh. At hindi ko talaga kayang pigilan yung nararamdaman ko. Kaya hahalikan ko na talaga -
"Mark?!" Patay. Nagising. Caught in the act. "At ano naman daw ang balak mong gawen?"
"Eh di gisingin ka. Nandito na po tayo no."
Parang ayaw pa nia maniwala. Siguro den kase ano ba naman yung posisyon ko db? Sobrang nakalapit ako sa kanya. "Ano, tara na."
Sumama na din sya saken kaya pumila na kame sa para sa tickets tapos pumasok na din kame sa loob. Ang ligalig nia. Lahat ng rides gustong sakyan. Hindi makapili kung anong gustong unahin. Hila ng hila saken sa kung saan saan. Ang hirap pala pag babae kasama mo no? Para kong aso na nakasunod lang nakasunod. Kulang na lang sabihin nia na, 'chu... come here boy. come here Mark.' Pero, ok lang. Basta masaya sya.
Mga ilang oras na din yun na nag-rrides kame at eto ko, malapit ng masuka. Umiikot na yung paningin ko. Malala pa to nung nalasing ako ah. Parang bumabaliktad yung sikmura ko. Ikaw ba naman kase sumakay sa cyclone loop at sa viking ng paulit-ulit.
Finally, nag-aya na siyang kumain. Pagkatapos naming kumain, nagpunta kame dun sa may mga games na may prizes. Yung bibili ng token. At ayun, nakakita ng malaking malaking stuffed toy. Hindi na ko tinigilan. Parang bata, ayaw umalis hangga't di nakukuha yung laruan. May magagawa ba ko? Eh di shempre wala. huhuhu, malapit na ko mamulubi kakabili ng tokens, hindi ko pa den nakukuha yung prize.
*beng*
"Yan Mark, dalawa na lang! dali!"
*Beng*
"Mark, isa na lang! Kaya mo yan! Dali!"
Excited na excited. Ako naman tong nagpapakahirap dito. Halos magkandaduling-duling na nga ako dito kakaasinta eh. Kaw kaya dito. Hmp.
Eto na, here goes nothing.
*beng*
*tumatalon-talon at tawa ng tawa* "Yey! Mark, ang galing mo! Natamaan mo!" Haaaay, finally. Malapit na kong ma-bankrupt eh. Pero ok lang, abot langit naman ang smile nia eh.
Inabot na saken ni kuya (na sukang-suka na sa pagmumuka ko) yung stuffed toy at ako naman, kinuha ko na parang isang malaking trophy. Dugo't pawis ko to no.
"O ayan, masaya ka na, napanalunan ko na yung teddy bear mo." Inabot ko na kay Kate ung stuffed toy at ayun, ang saya saya ng bata.
"Oo naman. Thank you Mark! I love you na talaga."
I love you? Narinig nio un? Sinabihan ako ni Kate ng i love you. Ang saya saya naman.
Feeling mo naman mahal ka nia talaga.
Kontra bulate. Kahit kelan ka talaga, kontrabida! Inggit ka lang kase ako sinabihan ni kate ng i love you.
"Thank you talaga Mark ha." *muah*
Halik ba talaga yun?
Napatayo na lang ako dun at napahawak sa pisngi ko. halik nga un. Halik! Alam niO un? halik? kiss? ung mUah? ung tsup tsup? Grabe, cloud9 ito! ang saya saya. 2 in one na naman, hinalikan na nia ko, binigay pa ung 3rd sign ko. Teka, ang ibig sabihin nun ay... ^drumroll^ and ^heartbeat^ liligawan ko na si Kate! un na un eh! db, ibinigay na ni Lord up above ang tatlong sign na hinihingi ko?!
Oo, kaya what are you waiting for?
Wala! Wala na kong hihintayin pa. Timing na lang. Aayusin ko na to! Hindi ko na aantayin pa ang bukas! Mamaya den ay magtatapat na ko! db? db? Wala na kong dapat aksayahin na oras. Kailangan kong makahabol sa byahe. Kailangan kong abutan si James! KAYA KO TO!
"Hoy Mark, tara na!" Hay naku, palibhasa masaya na at nakuha na nia ang inaasam-asam niang teddy bear. Pero ok lang, nakuha ko den naman ang inaasam-asam kong halik eh. hehehe.
"Baket, gusto mo na bang umuwi?"
"Medyo. Inaantok na kase ako eh."
*Pabulong* "Antukin."
"Anong sabi mo?"
"Wala. PICC muna tayo. Sige na, pagbigyan mo na ko."
"Mag-bbike? Sige bA. tAra!"
At ayun, mas excited pa saken. Hinatak na ko palabas. Nagpunta na kame ng PICC, nagrent ng bike at nagikot-ikot. Ang lamig ng hangin pero ang sarap. Lalo na yung feeling ko ngayon! Heaven itO! Kung gano kabigat yung pakiramdam ko noon eh ganun naman kagaan ngayon.
After ng mga isang oras siguro ng pag-liliwaliw eh sinoli na namen ung bike kay manong. Tapos, umupo kame sa isa sa mga bench. Tahimik lang kame pero feeling ko un na ung pinakamasayang conversation ng buhay ko. Ewan. Basta yun na yun. Ganun lang talaga siguro pag in-love ka.
Corny mo tsong.
Parang ikaw hindi corny ah. Hmp. Dakilang kontrabida ka talaga! Malala ka pa sa mga kontrabida sa telenobela eh. Kahit pumapatay sila, at least hinde naninira ng dreams.
Nagpaalam muna ko kay Kate na bibili ng pagkain kaya ayun, tumakbo ko sa pinakamalapit na bilihan ng ice cream Special request ng, ehem ehem, "leading lady" ko. Pagkabili ko, binalikan ko na sya at inabutan ng ice cream. Haaaaay. Ayan na naman ang pagkalambing-labing niang "thank you Mark" at syempre, ang kanyang "heart-melting smile". Wala na, tunaw na tunaw na naman ang puso ko. Parang ice cream na iniwang nakabilad sa init ng araw.
Tumabi na ko sa kanya at kinain na den yung ice cream ko habang tinitignan-tignan sya. In fairness, muka naman siyang masaya. Walang kabahid-bahid ng lungkot. Wish ko lang, sana laging ganito. Kase hindi lang naman sya ung nahihirapan eh. Pati ako nahihirapan. Nalulungkot. Nasasaktan.
"Mark? pwede bang mag-tanong?"
"Oo naman. Ano ba yun?"
"Naaalala mo pa nung nalasing ka?"
"Oo. Baket? Galit ka pa den ba saken?"
"Hindi na. Kase.. Ano.. Hindi ko pa den alam kung baket ka nag- naglasing nun. Baket nga ba?"
"Ha?" Naku. Mukang its time to tell the truth ah. Di bale, plano ko na naman talagang magsabi db? "Gusto mo ba talagang malaman?"
"Oo naman." Yumakap sya sa braso ko tapos humiga sya sa balikat ko. Heaven na naman. Pero teka. Ang pangit naman siguro kung ganun ganun ko lang sasabihin sa kanya. Wala man lang ka-sweetan. Di man lang romantic. Ang sagwa.
Ayan ka na naman. Basta, its now or never.
Sabi ko nga eh. Pero, wala talagang kalatuylatuy eh. Kahit saang tingin ko daanin, wala talagang arrive. Alam nio un, walang enta. Tipong hindi man lang ma-iimpress si Kate. Hindi ko ata style yun. Ang gusto ko yung may romantic set-up. Yung maganda yung lugar, yung ambiance. Basta. Yung masasabi mong "perfect"
Bahala ka. Sige, palagpasin mo na naman yang pagkakataon. Tapos sisihin mo yang sarili mo pag nawala sayo si Kate.
In fairness, may point. Isang malaking tuldok na kitang-kita ko. Isang malaking tuldok na nag-sasabing "Mark, wag ka na namang magpakatanga. Sabihin mo na."
Ok payn. I've decided. Ngayon na. Ngayon na ngayon na.
"Nag-lasing ako nun kase.. kase nalaman ko na liligawan ka ni James." Hirap naman neto! "Gusto din kita. Nung una palang kitang makita. Natakot ako na baka mawala ka saken at mapunta ka kay James. Hindi ko kaya yun.. Alam mo kung baket?"
Hinga ng malalim. Eto na. Eto na talaga to.
"Kate, i love you.."
Whew! Sa wakas! Nasabi ko na den! Woooooohooooooooo! IM THE KING OF THE WORLD! HAHAHA! Pero teka. Ang N.R. naman nito ni Kate. Wala man lang karea-reaksyon. Wala bang epekto sa kanya yung sinabi ko?
"Kate? Ka-"
Sabi ko nga eh. Tulog sya.
Ayan. kase. ang dame mong keme. Ano? may napala ka ba? Wala! haha. buti nga sayo! tinulugan ka ni Kate. Kupad mo kase eh.
OO na, oo na. hindi mo naman kailangang ipagdukdukan eh. Baket naman kase napakaantukin nitong babaeng to? tulugan ba ko in the middle of my proposal? huhuhu. kawawa naman ako. Tignan nio, tignan nio, ang himbing ng tulog. Ang sarap ng higa sa balikat ko. Ginawa pang embrace yung braso ko. Kala ata nito ni Kate unan ako eh.
Hay naku, ano pa nga bang gagawin ko? Eh di iuwi sya. Binuhat ko sya at isinakay sa koche tapos nag-drive na ko pauwi. Pag-dating sa bahay, binuhat ko ulit sya at ihiniga sa kama nia. Umupo ako sa gilid nia at ayun, pag tingin na pag tingin ko pa lang sa kanya, para na naman akong na-hypnotize. Yung parang naka-drugs. Alam nio na naman siguro ung pakiramdam na un db? Yung nag-uumapaw yung puso mo sa feelings na hindi mo naman maidescribe.
Hinalikan ko sya sa noo tapos, pumunta na din ako sa kwarto ko, humiga at tumulala sa kisame. Sa loob ng dalawang linggo, ang dami na ng nangyari. At ngayon, kailangan na kong kumilos! kailangan ko na talagang makapagatpat kay Kate. Alam nio na, before its too late.
*ting* At may umilaw na light bulb sa kokote ko.
Lumabas ako at nagdrive papuntang laong laan. Alam nio naman kung anong meron dun db? At buti na lang, may isa pang bukas kahit dise-oras na ng gabi. Sabi nga ni ate na nagtitinda, usually daw kase, may mga late-night buyers kaya ayan, nagchachaga syang magbantay. Pero ok lang no, sa dami ba naman ng binili ko eh bawing bawi na si ate. Tapos nakita pa nia ko. Aba, eh para na niang nakita si Brad Pitt sa personal! O db, para na syang naka-jackpot nun?! hehehe.
Tapos, pumunta den ako sa tuuuuuut. Secret ko na kung saan yun. Basta, bumili ako ng malaking malaking teddy bear. Yung life size. Dihamak na mas malaki kesa dun sa napanalunan ko sa star city. Halos di na nga mag-kasya sa trunk ng koche eh. At tapos, umuwi na den ako sa bahay.
May ginawa muna ko shempre na something special bago ko pumunta sa kwarto ni Kate. Buti na lang mahimbing sya matulog at hindi sya nagigising kaya eto, samantalahin ang pagkakataon. hehehe. Basta bukas, desididong-desidido na ko at wala na talagang makakapigil saken! Sasabihin ko na talaga sa kanya! Kaya, matutulog na ko at kailangan ko pa ng beauty rest. Ehem ehem, hindi ako bakla ah. Basta, abangan nio na lang ang surprise ko kay Kate na sana eh, magustuhan nia.
Sana…
Haaaaaaaaaaaaay... Ang sarap matulog. Grabe. Anong oras na ba? wow, 10:00 na. in fairness, maaga na yan. Teka! Naku, lagot, nakatulugan ko pala si Mark kagabi. Tagal tagal naman kase magsalita eh. Kasalanan ko ba kung pumikit na yung mata ko? Pero, magsosorry ako sa kanya, baka naman magalit saken. *yawn* Makabangon na nga - woah! Ano to?! Anong ginagawa ng isang malaking teddy bear sa desk ko?! Wow grabe, mas malaki pa ata saken to ah! ang cuuuuuuute! May hawak pa syang bouquet ng red roses. At isa pang woah! baket parang inulan ng rose yung kwarto ko? Ang ganda naman.. may red petals all-over. At may isang bouquet pa ng red roses sa bedside table ko. Wow naman.. Kanino kaya galing to? Sino kayang may pakana nito? Ang ganda ganda.. Nananaginip ba ko?
Nag-punta ko sa cr sa kwarto ko para magtoothbrush at maghilamos. Baka sakaling magising na yung dugo ko at mamulat ako sa reality. Parang sa mga movies lang kase nangyayari to eh. Pero pagbalik ko ng kwarto ko, oh my God, nandun pa den ung teddy bear at flowers! Ibig sabihin nun, totoo lahat yung nakita ko! Dun na nagsink-in sa utak ko na may nag-handa nito para saken. And at that very moment, naramdaman ko na napangiti na lang ako sa sobrang kilig.
Tinignan ko yung flowers na hawak nung teddy bear pero, wala namang nakalagay kung kanino galing. Ang nakalagay lang, "Follow the white petals and you'll find me standing there, waiting for you."
Aba ang taray, english. Pero, who would do something this big for me? Sobrang ganda na ang kaya ko na lang talagang gawin ay ngumiti ng abot tenga. Si James kaya? Sya lang naman ngliligaw saken ngayon eh. Kung sa bagay, sinurprise naman na nia ko dati pa. Haaay, nakakakilig naman sya. Ang sweet.
Pero sabi, follow the white petals. Eto, may white petals nga papunta sa labas ng kwarto ko. Wow, hanggang sa may hagdanan may white petals. Tumayo ako sa tuktok ng hagdanan, still amazed. Pati yung hawakan ng hagdanan, may white roses na naka-ikot. As in bundles of white roses na naka entwine sa hawakan. Sa steps naman ng hagdanan eh may white petals den. Wow naman talaga! Super sweet! And standing at the foot of the stairs is my prince charming, holding another bouquet of flowers, This time, assorted na. At yun na yata ang pinakamagandang flower arrangement na nakita ko sa buong buhay ko! Ang ganda ganda!
Bumaba na ko para makita sya. Natatakpan kase nung flowers yung muka nia eh. So ayun nga, bumaba na ko para naman makapag-thank you kay James sa super gandang surprise na ginawa nia para saken.
*one big smile*"Hi James. Thank you ah." *another big smile*
JAMES?!! Kap*ta-p*tahan naman oh! Kelan pa ko naging si James?!! Ang pangalan ko ay Mark Eillor Vista! hindi james! Kahit tignan nio pa sa birth certificate ko! Ano ba naman to, pagkamalan ba kong si James! bAket, si James lang ba mai karapatan at kakayahan na maghanda ng surprise? Kaya ko din naman ah. Hay naku, lech*ng buhay to.
Inabot ko na yung ginintuang bulaklak (mahal kasi kaya ginintuan) kay Kate at ayun, gulat na gulat. Hindi alam kung anong sasabihin. Kahit naman ako eh, hindi ko na alam kung anong sasabihin. Pano pa ko ngayon magsasalita ngayon kung ang inaasahan naman pala nia sa simula't simula pa lang eh si James?!
"Mark?! Aba naman talaga. At magkakunchaba pa kayo ni James ah. Kala ko ba gusto mong iwasan ko sya? Pero teka, sa kanya ba galing lahat yun? Ang sweet naman nia. Ang ganda ng surprise."
Beng. Sapul. Siguro kung totoong bala yun, malamang-lamang lang, kanina pa ko bumulagta dito at namatay. Tagos sa puso ko yung bala eh. Ang sakit.
"Oi Mark, kay James ba galing to?"
James?! Leche! HINDI galing kay James yun! HINDI ok? Naiintindihan nio?! Hindi galing sa kanya yun! SAKEN! Kay MARK!
"Oo."
"Wow naman talaga. Ang daming bulaklak nun ah. At yung teddy bear, super laki. Ang ganda talaga. Nasan sia?"
Ewan ko. Pero mamaya, panigurado, nasa ibang planeta na sya.
"Secret."
"Ang daya naman! Pero, sige, bahala ka. Kumain ka na ba? Kain ka na lang dyan ha. Balik muna ko sa kwarto ko. Ayusin ko lang yung mga flowers.. Ang ganda ganda talaga."
At ayun, bumalik na sya sa kwarto nia na parang naka-high. Alam nio un? Kilig na kilig na parang in-love na in-love. Ngiting-ngiti sya. Dapat para saken yung ngiting yun pero ano?! Nabutas na nga yung bulsa ko, nasayang pa lahat ng effort ko! Pinagpuyatan ko yun! Pinagpaguran ko! Dugo't pawis! Leche talagang buhay to! Pakamatay na lang kaya ako?
Eh engot ka kase. Baket mo sinabing galing kay James yun?
Ano ngang gusto mong sabihin ko? Na saken galing yun para atakihin sa puso si Kate? Ano?! Gusto mong magtapat ako? Hindi mo ba nakitang asang-asa at siguradong sigurado yung tao na galing kay James yun?!
Bakit ba kase ganun eh... Baket ba kase lagi na lang si James yung napapansin? James James James, puro na lang James. Para na ngang echo eh. Para ng sirang plaka na paulit-ulit. James James James, puro na lang talaga James. Hindi ba pwedeng kahit minsan maging Mark naman?
Kahit sa puso lang ni Kate...
Ang saklap talaga ng buhay. Pagkatapos kong magpakapuyat at magpakapagod kagabi para ihanda yung surprise ko kay Kate, wala ding nangyari. Siguro nga kasalanan ko kase sinabi ko na galing kay James yun pero - hay naku, kayo na lang kaya sa pwesto ko?! Basta pag ako naging presidente ng Pilipinas, makikita nio, ibaban ko ang pangalang James at lahat ng may mga pangalang James ay i-eexile sa ibang kontinente. Tapos lahat ng mga may pangalang Kate at Mark ay automatic na magpapakasal. Bwahahahaha!
Para ba kong tanga? Oo, alam ko na para na kong tanga. Uhm, hindi, tanga talaga ko, since the beginning of time. Wala na talaga kong ginawang tama no? Ano bang nangyayari saken? Can this be love? Haaay, tinatanong pa ba yun? 100% love ito. Love, pagibig, pagmamahal.
Alam nio kung bakit ako nagkakaganito ngayon? Alam nio kung bakit ako suklam na suklam sa mundo?! 'Tangna, pano kong hindi mabbwisit eh magkasama ngayon si Kate at si James. huhuhuhu, kawawang ako. Habang si James kasama si Kate, nag-eenjoy, ako nandito sa bahay, nakahiga habang nakatitig dun sa dalawang butiki na nasa kisame. Ang sweet nga nila eh. Close na close.. Sana kami na lang ni Kate yung mga butiki. Kahit naman maging butiki sa kisame na lang si Kate mamahalin ko pa din naman sha eh. At sya pa ang magiging pinakamagandang butiki sa buong mundo.
Haaay, para na naman akong timang. Ikaw ba naman kase maghintay dito, hindi ka ba mappraning?! 2oklak nung umalis sila, alas-syete na, wala pa den. LIMANG ORAS NA YUN AH! Waaaaaaaaaaaah! Unfair! Unfair! Welga ako! Welga, welga, welga!
After 1 hour of complete boredom at pagpapaka-paranoid...
Finally, nandyan na sila. Sumilip ako sa bintana. Lumabas na sila sa koche ni James tapos nagusap sila sandali. Hmmm.... ano kayang pinaguusapan nila? Tumatawa si Kate ah.. At sh!t. Ano yun? Kiss na naman. Swerte nia sa pisngi lang yun kung hindi baka tumalon na ko simula dito sa ikalawang palapag at ibinitin ko na yang James na yan ng patiwarik!
Nung nakita ko si Kate na pumasok na sa bahay, humiga na ulit ako sa kamaat nagtulug-tulugan. Ano bang sasabihin ko db? Alanganamang makihapi-hapi ako kahit deep inside eh gusto ko ng pumatay ng tao? Kaso naman tong Kate na to, hindi pinansin ang disguise ko. Ayun, diredirechong pumasok sa kwarto ko ng walang katok katok. Ginising nia ko ng pilit na kulang na lang iwagwag nia ko tapos nung umupo na ko na nagkukunwaring bagong-gising eh hinatak nia ko sa baba.
Umupo kami sa sofa. Hindi sya nagsasalita kaya ako na yung nauna.
"Bakit ka naman nanggiigising? Nakita mo ng natutulog yung tao eh. Alam mo bang pagod ako?"
"Napagod? At ano naman ang ikinapagod mo?"
*Pabulong* "Halos tumirik lang naman yung mata ko sa kakahintay sayo."
"Ano?"
"Wala." At masakit man sa loob ko eh sinabi ko na ding "O, anong nangyari sa lakad nio?"
"Sa lakad namin? Wala lang, ang saya saya. Alam mo Mark, parang nagugustuhan ko na talaga si James. Ang bait, ang gentleman, ang saya kasama... Tapos may surprise pa sya saken kaninang umaga. Haaay.."
Aray. Foul! Time-out! Injured player! Pls, tumawag kayo ng ambulansya. Mamamatay na ata ako! Tangna, ang sakit ng puso ko.
"Ui Mark, hindi ka na nagsalita jan. Teka, may itatanong nga pala ko sayo tungkol dun sa surprise na yun.
*Gulp* "Ha?"
"Tungkol sa mga flowers at teddy bear."
* Double Gulp* "Ano namang tungkol dun?"
"Ano namang tungkol dun? Niloloko mo ba ko Mark? Gagawa ka ng surprise tapos sasabihin mo galing kay James. Bakit hindi mo saken sinabi na galing sayo yun?"
Sh!t, anong sasabihin ko? Pano nia nalaman? Naku, baka nag-thank you sya kay James kanina tapos sinabi ni James na wala naman syang hinahandang surprise. Leche, impromptu speech na naman. Anong sasabihin ko? Isip Mark.. Isip..
tick tock, tick tock. tick tock, tick tock.
"Kase... Kase..."
tick tock, tick tock. tick tock, tick tock.
Patay. Cornered.
Ok… Hinga ng malalim… Mark, stay calm. Don't panic. Kaya mo yan. Isa pang hinga ng malalim. Inhale… Exhale… Punyeta naman, panong hindi ako magpapanic eh pinapaamin nia ko on the spot. Para kong ginigisa neto ah. Nagmamakaawa po ako sa Diyos Poong Maykapal na nasa kaitaastaasan. Tinatawagan ko lahat ng mga nghel at Santo.. Parang awa nio na.. Nagmamanikluhod ako, tulungan nio po ako...
“Ano? Di ka ba magsasalita? Mark naman kase eh, bakit di mo sinabi saken na sayo galing yun? Alam mo ba, sobrang nagmuka akong tanga sa harap ni James kakapilit na sa kanya galing yun..”
Sabi ko nga eh. Akala ko pa man din ang inaalala nia eh hindi nia ko napasalamatan at nasayang yung effort ko. Yun pala iba ung inaalala nia - na nagmuka siyang tanga sa harap ni James. Baket, sino ba talagang nagmukang tanga?! Db ako naman? At hanggang ngayon, ako pa din yung nagmumukang tanga dito na walang maisagot sa tanong nia. Baket ba kase hindi ko masabi sa kanya na sakin talaga galing yun? Na gusto ko siyang ligawan? Na mahal ko sya? Db yun naman yung gusto kong sabihin sa kanya simula't simula pa lang?! Pinanganak na ata talaga kong engot eh.
“Mark… Ano ba talaga?” Shet. Isang malaking shet. This cannot be. Hindi sya pwedeng umiyak! Hindi ito maaari. Kaya habang nagbabadya pa lang ang kanyang mga luha ay pipigilan ko na.
“Sige na, sasabihin ko na. Aamin na. Wag ka lang umiyak.”
“Promise?” *Teary-eyed pa den.*
“Oo na, Promise na. Pag di ako tumupad wag mo na kong kasuapin habang buhay.”
“Yehey! Sabi ko na nga ba mahal mo ko eh.” *one million mega-watt smile* Mahal? Di lang mahal. Tangna, mahal na mahal. Pero narealize ko, I fell for a trap. May lahing artista din pala tong isa na to eh. Dramahan daw ba ko para lang mapaamin?! Naku, wala na talagang atrasan to. Ano pa nga ba kasing hinihintay ko eh db ipinagkaloob na saken ung tatlong sign na hiningi ko? Tama! HAH! Pangpalakas loob - na may back-up ako sa taas. Hehehe.
“O, ano na?”
Haaaay, this is it. Wala na talaga akong kawala. Nakapangako na ko eh. At isa pa, ang laki ng kapalit. Biruin nio, pag di ako tumupad din a nia ko kakausapin forever and ever amen?! Di ko kaya yun no. Kaya, Wooohooo! Here goes nothing.
Wish me luck…
Kumuha ko ng isang bote ng SanmigLight na binili ko nung isang araw tapos inaya ko sya dun sa may terrace. Sabi ko sa kanya, dun ko sasabihin. Pumayag naman sya kaya umakyat na kame. May dalawang upuan dun tapos may lamesa sa gitna. Umupo kame - ako sa kanan, sya sa kaliwa. Pareho kameng nakatingin sa kawalan. Lumagok ako ng konti. Pangpalakas-loob.
Huminga ko ng malalim. Eto na.
"May isang lalake, sobrang mahilig magbulakbol. Walang pakialam sa mundo. Puro basketball, gudtime at chicks lang ung inaatupag nia. Masayahin sya. Parang laging walang problema. Pero yun ung akala ng lahat. Yun din naman kase yung pinapakita nia kahit sa loob-loob nia eh madami syang inaalala. Ganun din sya sa babae. Ligaw dito ligaw dun. Kahit madalas niyang kakumpitensya yung bestfriend nia. Kala nia, ganun na lang lagi ung magiging takbo ng buhay nia. Pero mali pala sia."
Nagatataka na ata sya sa mga pinagsasasabi ko. Pero maya-maya, maiintindihan din nia. Lumagok ako ulet, tapos tinuloy ko na yung kwento ko.
"Maling mali sya kase biglang dumating ung babaeng nagpabago sa kanya. Nagbabasketball sya nun nung nakita nia yung babae na sumapul sa puso nia. Kaso, hindi sa kanya nakatingin - dun sa bestfriend nia. Sa isip isip nia, tangna, kumpitensya na naman. Tapos bigla na lang umalis ung babae. Nag-bike sya papalayo. Umiiyak. Hinabol sya nung lalake pero nung naabutan nia sa park para tanungin yung pangalan, tumakbo ulet ung babae. Hinabol sya ulet nung lalake tapos nalaman nia na magkapitbahay pala sila."
"Mark?"
"At eto pa, naging magkaklase sila. Pero nung nakita ulet nung babae ung bestfriend nung lalake, umiyak ulet sya, tumakbo. Hinabol pa den sya nung lalake. Nagtataka kung bakit. Yung laket nung babae, nakita nia na kamuka nung bestfriend nia ung lalake sa picture. Pero, hindi na nia pinansin. Hanggang sa may mga bagay na nangyari. Tumira sila sa isang bahay, Yung bestfriend nia niligawan ung babae, naglasing sya, muntikan na silang mabunggo, nagkagalit sila nung babae. Lungkot na lungkot ung lalake nun. At nung finally gusto na niyang makipagbati, nalamn na man nia ung hindi inaasahan. Yung past nung babae. Na kamuka nung bestfriend nia ung lalakeng mahal nung babae - nung babaeng mahal nia. Pero, ginawa nia lahat mapasaya lang yung babae. Habang tumatagal, lalo syang nahuhulog. Humingi sya ng tatlong sign - walang assignment, magpula ung babae, tapos halikan sya. Akalain mong natupad ung tatlong sign? Sasabihin na sana nia kaso, habang sa kalagitnaan ng pag-amin nia eh nakatulog ung babae. Ang saya no? Kala pa man din nia masasabi na nia."
Uminom ako tapos tinuloy ko na ulet.
"Naghanda sya ng surprise. Flowers, at isang malaking teddy bear. Sabi nia, panigurado matutuwa ung babae. Haaay, natuwa nga pero ang akala nung babae, ung bestfriend nia yung may gawa nung surprise. Kaya umOo na lang sya. Kahit masakit sa loob nia. Alam mo, mahal na mahal nia talaga yung babae. Kahit hindi nia alam kung pano sya nahulog. Ayaw din niang nakikita ung mahal nia na nasasaktan at umiiyak. Kase doble yung sakit na nararamdaman nia. Basta ang alam lang niya talaga eh mahal na mahal na mahal nia ung babae. Alam mo ba kung ano yung pangalan nung babae? Yung babaeng nakapagpabago sa kanya? ...Kate. At yung lalake naman, Mark. At ngayon, ang gusto lang nia eh bigyan sya nung mahal nia ng pagkakataon na patunayan un..."
"M-Mark..."
"Kate, pwede bang mangligaw?"
30 minutes na at hindi pa den ako makapaniwala! Sa wakas, nakahinga na den ako ng maluag. Finally nasabi ko na kay Kate yung nararamdaman ko. Medyo corny nga lang at medyo madrama but the point is, NASABI KO NA! Hahahahaha. At alam nio kung ano ang hindi ko mapaniwalaan hanggang ngayon?
PUMAYAG SYA! Pumayag syang magpaligaw saken!
Nagulat sya nung pagkasabi ko kung pwede bang mangligaw. Hindi sya kagad nagsalita. Tapos ayun, pinaulanan na ko ng mga tanong. Pinaliwanag ko isa-isa at nagmakaawa sa kanya na pumayag na sya. Pagkatapos ng mahabang pilitan eh pumayag din sya.
Im the happiest man alive! Sobra. Dahil lisenshado na kong ligawan si Kate. Kaya humanda na yang James na yan. Walang kaibi-kaibigan ngayon. May the best man win ha. Tignan lang naten. Talo talo na tayo ngayon. Gusto mo ng away ah? Hahahaha! Eto na talaga ang pagkakataon ko! Hinding hindi ko na to palalagpasin.
Watch out James...
Kate, pwedebang mangligaw? Kate, pwedebang mangligaw? Kate, pwedebang mangligaw? Kate, pwedebang mangligaw? Kate, pwedebang mangligaw? Kate, pwedebang mangligaw? Kate, pwedebang mangligaw? Kate, pwedebang mangligaw? Kate, pwedebang mangligaw?
Waaaaaaaaaaaaaaah! Ang saket sa ulo! Totoo ba talaga yung nangyari kagabi? Totoo ba talaga na tinanong ako ni Mark kung pwede nia kong ligawan? Shet shet shet. Tumango nga pala ko kagabi. Shet talaga. Ibig sabihin pinayagan ko sya. Waaaaaaaaaaaah! Ano naman ang gagawin ko sa kanila ni James? db? Ang malala pa, bestfriends sila since nineteen kopong kopong. hindi ba obvious na ung friendship nila na iyon ay mag-kakaput? Ayoko namang maging dahilan ng pagkakasira nila noh. Shet shet shet shet. Anong gagawin ko?
*tok tok tok*
"Kate, gising ka na ba? Pwede ba pumasok?"
"Oo sige, pasok lang."
Bumukas yung pinto tapos pumasok si Mark na may dalang tray. Napangiti na lang ako. Ang gwapo kase nia ngayon eh. Perfect yung arrive nia. Basta, ang gwapo gwapo nia ngayon. Super nakasamile pa.. Gudmorning na gud morning...
Umupo ako at sumandal sa headboard nung kama ko tapos tinignan ko sya. Haaay.. kumbaga sa mga babae, blooming sya ngayon. May ibang glow. Basta.. Iba ang aura nia ngayon!
"Aga mo ata nagising ngayon ah... 5:30.. nAx, improving." *tawang pang-asar*
"Shempre dapat gumising ng maaga para maipaghanda ko ng breakfast ang love of my life..."
"Love of your life? At kelan pa ko naging love of your life aber?"
"Simula nung una kitang nakita.."
Aysows, kinilig naman ako dun. Parang naramdaman kong humaba ng one inch ang buhok ko ah.
Nilapag nia yung tray sa may kama. "Sige na, kumain ka na."
Tinignan ko sya sa mata and for a moment, kala ko nag-freeze na ang buong mundo. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Iba den ang epekto ng mata nia saken. Parang ung epekto nung mata ni... Siege.
"iLoveyou love of my life" Ngumiti sya sabay halik sa forehead ko tapos umalis na sya. Hay naku talaga tong lalake na to. Hindi ko na tuloy alam kung maiinis ba ko o kikiligin eh.
Kinuha ko yung tray na dala nia - breakfast, long stemmed rose at.... at recorder. Nice one Mark. Recorder. Di ba nia alam na may phobia na ko sa recorder? Last time i played a recorder, gumuho ang mundo ko.
But out of curiosity, pinlay ko pa den ung 'the dreaded thing'. Blanko lang nung una, pero mayamaya, may nagsalita na.
Si Mark.
Good morning love of my life. Ayan ang breakfast, pinagluto kita. Medyo sunog nga lang. hehehe. Di kase ako marunong magluto eh. Pagchagaan mo na lang muna ha. Yaan mo matututo din ako. Uhmm.. Kate, sana wag ka magalit dahil dito ah. Alam ko naman na may bad memories ka sa recorder eh. Basta gusto ko kalimutan mo na yung dating recorder.. yung dating laman nun. Gusto ko kalimutan mo na yung nakaraan. Past is past na naman db? Hindi rin naman siguro sya matutuwa kapag nakita ka niang malungkot eh. Kaya sana, hayaan mo kong tulungan ka na kalimutan sia, Sana hayaan mo kong pasayahin ka.. Mahalin ka.. Kase mahal na mahal talaga kita. Sige, kain ka na.Yung madami ha. Eto music para masaya. hehehe. Syempre dedicated yan sayo. i Love you Kate.."
Ano ba yan.. Naiyak naman ako dun.. Haaaay si Mark... Ang daming pakulo sa buhay. Pero kahit pinaiyak nia ko ngayon, ok lang.. Pinangiti din naman nia ko eh. Ngiti sa gitna ng mga luha.
Maya maya, narinig ko na ulet yung boses nia. Kumakanta.
I don't know how, I don't know why But girl it seems you've touched my life
You're in my dreams You're in my heart I'm not myself When we're apart Something strange has come over me a raging wind across my seas And girl you know that your eyes are to blame What am I supposed to do if I can't get over you and come to find that you don't feel the same
*Napapangiti* May talent den pala sa pagkanta tong bata na to. In all fairness, ang ganda ng boses nia. Mala Yael na mala Alex Band. Haaaaaaay,,,
'Cause I'm falling, falling Girl, I'm falling for you And I pray you're falling too I've been falling, falling Ever since the moment I laid eyes on you.. I lose my step I lose my ground I lose myself when you're around I'm holding on for my life To keep from drowning in your eyes Girl, what have you done to me to make me fall so desperately To think that I don't even know your name..
Shet naman. Ang sweet ni Mark.. Nakakkilig. Siguro nga, mahal nia ko nO? Basta, ang alam ko, nakahigh ako ngayon.. Sobrang kinikilig at sobrang nakangiti..
How am I supposed to live If I can't get over this and you decide that you don't feel the same 'Cause I'm falling, falling Girl, I'm falling for you And I pray you're falling too I've been falling, falling... Will you stay or will you go? Heaven knows what my future holds.. Questions linger on my mind From day break to dark of night I don't know what's come over me Can't you see that I'm falling, falling Girl, I'm falling for you And I pray you're falling too Falling, falling ever since the moment I laid eyes on you ohhhh I'm falling..
*Napapangiti* Ever since the moment i laid my eyes on you?
"Simula nung una kitang nakita.."
To think that i dont event know your name?
"Miss, pwede ko na ba malaman yung pangalan mo?" *Napapangiti pa den*
Haaaaay.. Mark talaga oh. Masyadong kong pinapangiti..
"Kate, ive been falling ever since the moment i laid eyes on you.."
Sabay kameng pumasok ni Kate sa school. Ang saya saya kase mukang nagustuhan nia yung hinanda ko para sa kanya. Sabi nia ang sarap daw nung luto ko, nagiisap sa whole wide universe pero sana lang daw next time di na sunog. Tapos nag-comment den sya sa kanta ko, ganda daw ng boses ko (naflat naman akoh dun. Hehehe. Parang isang daang pison yung dumaan saken), nakakainlove. Sabi ko naman, kung nakakainlove ang boses ko eh forever ko na lang syang kakantahan para ma-inlove na sya saken.
Pero as usual, inagaw na naman sya ni James saken pagdating sa school. National paningit talaga. Minsan nga binibigyan ko na nga seryosong konsiderasyon yung plano ko na iicha sya sa outerspace eh. National abale kase eh. Bwiset. Super singit.
Laking pasasalamat ko naman sa pagdating ng prof namen kase babalik na si Kate sa upuan sa tabi ko. Wala akong ginawa nung subject na un kung hindi ang titigan sya. Paki ko ba kay prof eh nonsense naman saken ung mga pinagsasasabi nia kase the only thing that makes sense to me right now is the girl sitting right next to me. Si Kate.Yung maganda, mabait at iyaking si Kate. The love of my life.
Corny mo talaga kahit kelan.
Corny na kung corny.. Eh ano bang alam ng isang sawsaw na kagaya mo sa love ha? Hindi nio ba lam na lahat bumabaliktad pagdating jan sa four-letter word na yan. Yung matapang, naduduwag. Yung malaks, humihina. Yung matigas, lumalambot. Ako, naging seryoso. Isama mo na den yung pagiging corny ko. But who cares anyway?! Basta mahal ko sya. Period.
Natapos yung isang buong araw ko nun ng pinangangatawanan yung pagtitig kay Kate. Minsan, napapatingin sya saken tapos ngingitian nia lang ako. Ako naman eh halos tumaob na sa kinauupuan ko sa tuwa.
Uwian na. Lumapit si James saken. Aba, at anong kailangan ng mokong na to saken? Di ba nia alam na matagal na kong nagdeklara ng gera laban sa kanya? Amerika vs Iraq na itoh no! May the best man win ah? Leche mo! Mag best man ka magisa mo. Tama, ikaw ang best man sa kasal namen ni Kate. Ano ha? Laban ka?! Square na lang tayo oh! Ano!
“Oi pre. Tagal na nateng di gumigimik ah.” Pre daw. PLASTIC! Isa kang malaking OROCAN!
“Oo nga eh.”
“Basketball tayo maya. Kasama tropa.” Basketball ka magisa mo.
“May gagawin pa ko eh.”
“KJ naman neto. Sige na, tagal ka ng hinahanap ng tropa eh. Basta ha alas-ocho sa court sa sub naten.”
And poof, he's gone with the wind. Pupunta kaya ako? Ano kayang masamang hangin ang umihip dito kay James at biglang nag-aya ng basketball? Hmp. Sige na nga. Baka buong tropa eh mag-tampo saken at itakwil na nila ko.
HMMM… ANO KAYANG MANGYAYARI MAMAYA?
Dapat kumpleto na lahat bago ko umalis.. Dapat perfect lahat. Para ata kay Kate to noh. Gusto ko maganda ulet yung reaksyon nia.. Gusto ko, yung mapapangiti ko sya.. Kaya bago ko sumibat, one last check muna..
Plato? > Check.
Kubyertos? > Check.
Drinks? > Check.
Ulam? > Semi-check. Di naman kase malaman kung sinigang o nilaga yung niluto mo eh.
Wag ka na nga. Rose? > Check.
At shempre, tape? > Check.
OK! All set pwede na kong umalis. Ready na ang dinner ni Kate. Sana magustuhan nia. Teka.. magiiwan ako ng note para di sya mag-alala.
As if naman mag-aalala sayo un no.
Isa pang sawsaw mo iiicha na kita sa kawalan! Abala ka eh. Ano kayang magandang isulat? Uhm.. Alam ko na.. *sulat sulat sulat* Yan! Tama. Ok! Pwedeng pwede na talaga kong umalis.
Lumabas na ko at nag-bike papuntang court para mabilis. Medyo late na kase akoh eh. Witwiwiw witwiwiw... Tagal ko na ding hindi nagbabasketball ah.. Hay naku, ang dame ko pa man ding energy ngayon. Kaya humanda ka James, lalampasuhin kita! Bwahahahahahaha!
Tama na kontrabida effect mo, nasa court ka na.
Oo na, oo na. Aysows, kadilim naman. Hindi pa ba naiimbento ang ilaw sa parteng to ng mundo?! Chaka teka teka teka, nasan na yung tropapips ko? 8:05 pa lang naman ah. Hindi pa ko ganun ka-late.
YUHOOO? ANYBODY HOME?
Asar. Ni anino nila wala..
Panong magkaka-anino eh wala na ngang ilaw wala pang tao?! May utak ka ba talaga?
Payn! Eh anong gagawin ko dito kung mag-isa lang ako?! Pwede ba yun, basketball mag-isa? Ako ung kalaban ko? Nyahahahaha. Mukang tanga. Basta pag dumating sila dito, may kutos silang lahat saken. Anong karapatan nilang paghintayin ang pinakagwapong nilalang sa buong mundo?! How could day?!
Kapal mo den tsong. Pinakagwapo? Sa buong daigdig?! Hayup. Abot hanggang Pluto mukah naten sa sobrang kapal ah.
Gwapo naman talaga ko eh. Pero teka, umaabuso na talaga sila ah. 5minutes na ulet tapos wala pa den sila. Magaaya magbasketball tapos mang-iindian. Miss daw ako? Palusot! If i know, kulanglang sila ng tao. Nakuuuu.. Ang sarap nilang bilugin at idakdak sa ring! Makaalis na nga. Bahala sila. Sayang oras noh, dun na lang ako kay love of my life. MIss na miss na ko nun for sure. Hehehe.
*Sumakay sa bike*
“Mark.”
*BGSHK*
JAMES???
"Maaaaark?” Hay naku, nasan na kaya yung lalake na un? Ang dilim naman sa bahay - aray ko. At natisod pa ko. Nasan na ba yung switch kase? Switch? Yuhu… Switch? Where are you?... Ayun. Hay. And let there be light.
Baket kaya wala si Mark? Kung kelan naman kakausapin ko sya.. Ang saket talaga sa ulo. Do i really have to do this twice? Kanina kay James tapos ngayon, kay Mark naman. Nasan ba kase sya eh..
Fresh na fresh pa nga sa utak ko ung usapan namen ni James kanina eh.. I told him to put an end to all this. Na hindi pa ko handa ulet sa ganito.. Di ko na sa kanya sinabi ung tungkol kay Siege.. I just told him na it was because of another guy. Then, he turned his back on me.. Hindi ko alam kung nasaktan sya o nainis saken. But what's important is napanindigan ko ung desisyon ko..
Yung resolve na nabuo ko after kong pakinggan yung tape ng boses ni Siege. Hanggang ngayon, naiiyak pa den ako pag napapakinggan ko yun.. PAg nakikita ko ung teddy bear.. Pag nakikita ko yung laket.. Hindi ko pa talaga kaya dahil hanggang ngayon, nakatali pa den ako sa past.. And it would be unfair for them to continue this habang alam ko sa puso ko na si Siege pa den..
Pumunta ko sa kusina.. Hmmm.. note galing kay Mark.
Kate, basketball lang ako ah. Kain ka ng madami.. Pinagluto kita.. Wag mo na kong antayin.. Tulog ka ng maaga. I Love you love of my life...…
Haaay.,. eto na naman ang ngiti ko na to. Kakasabi ko pa nga lang eh.. Kase naman, panindigan daw ba talaga ang pag-tawag saken ng 'love of my life'? Sira talaga yung Mark na yun.
Aba,, Ready na ang table. Nandun na ung food, long-stemmed rose at ang walang kamatayang tape.. Kinuha ko sandali yung recorder tapos kumain na ko. Matikman nga.. Yak. Ano ba to? Nilagang sinigang o sinigang na nilaga? Haaay.. Watever. Masarap pa den naman eh. Shempre, nandyan ang effort ni love of my life.
WAITAMINUTE! Did I just call him 'love of my life'? Shet. Malala na talaga tama ko sa puso - PUSO?! Di kaya utak? Naku naman, san ba nanggagaling yang mga thoughts na yan?! Istap it Kate! Istap it! Kumain ka na lang dyan ok? Mag-focus ka jan sa pagkain mo ng matapos ka ng kumain.. Magpakabusog ka na lang dyan kesa kung ano ano pa yang pinag-iiisip mong walang kakwenta kwentang bagay. Db nakapagdecide ka na?! DB?!
Nakakawalang gana naman kase kumain ng mag-isa eh.. Sana nandito na lang si Mark para masaya.. Mapakinggan na nga lang tong tape...
Hi Kate. Masanay ka na sa mga tape ko ha. Gagawen ko na yang trademark. Hehehe. Sarap ba yung luto ko? Syempre masarap kase galing sa puso ko. Corny ba? Wag mo ko pagtatawanan ha. Sinasabi ko lang ung nasa puso ko. iLoveyou Love of my Life... Kanta ulet para sayo..
Aba, at may intermission number na naman si Mark. Hehehe. Pero in fairness.. Ang sweet nia. At yung effort, A+. Haaaay, ang puso ko, tumitibok tibok na naman sa sobrang - No Kate! Hindi ka kikiligin!
Girl when we started baby we were friends But that's not how this fairy tale is gonna end See I was thinking then it clicked one day That no one else has ever made me feel this way Next time I saw you girl I knew I had to try To tell you everything that I was feeling deep inside And listen good 'cause what I say is from my heart So if you're ready
WAAAAAH! Hinde pa ko ready na mapakinggan yung kung ano na namang ka-sweetan mo! Baka himatayin ako bigla dito noh!
You see I toss and turn when I'm alone And I just can't wait 'til you get home Waiting for your call cause tonight we're gonna do it all Girl it's just the two of us 'Cause I'm thinking 'bout you day and night And I just can't get you off my mind When you get a minute baby I was thinking we could hook up It's just the two of us, the two of us 'Cause in a room full of people you're the only one around And nothing in this world could ever bring us down Baby I'll be there telling you I care This I swear Girl it's just the two of us, the two of us
San nia kaya nakukuha tong mga kahima-himatay na kantang dinededicate nia saken?
Baby I wonder if you feel the same as I do I wonder if you're going through the things I'm going through I sent you flowers on a Saturday Inside's a letter with a message and no name See I just love the feeling, knowing that I can make you smile And I haven't felt that way about someone in quite awhile Just listen to these words I have to say Just take a chance
Just take a chance... How i wish... Sana nga magkalakas loob akoh...
You see I toss and turn when I'm alone And I just can't wait 'til you get home
Waiting for your call 'cause tonight we're gonna do it all Girl it's just the two of
us 'Cause I'm thinking 'bout you day and night And I just can't get you off my mind
When you get a minute baby I was thinking we could hook up It's just the two of us, the two of us 'Cause in a room full of people you're the only one around And nothing in this world could ever bring us down Baby I'll be there telling you I care This I swear Girl it's just the two of us, the two of us It just gets better with each day I always wanted to tell you But I was so afraid You see I toss and turn when I'm alone And I just can't wait 'til you get home Waiting for your call 'cause tonight we're gonna do it all Girl it's just the two of us 'Cause I'm thinking 'bout you day and night And I just can't get you off my mind When you get a minute baby I was thinking we could hook up It's just the two of us, the two of us 'Cause in a room full of people you're the only one around And nothing in this world could ever bring us down Baby I'll be there telling you I care This I swear Girl it's just the two of us, the two of us
Wala na kong ibang nagawa kung hindi ang mapangiti. Shet naman kase talaga tong si Mark eh. Sapul na sapul ako sa lyrics nung kanta.. Bull's eye ung puso ko.. isama mo pa yung nakaka-inlove niang boses eh, sino bang hindi mapapangiti at hindi kikiligin?
*tok tok tok*
YES! Si Mark na yun. Waaaaaaaaah! Baket ganito ang heartbeat ko? Nag-aaccelerate! Shet, malala na epekto saken ni Mark ah. Ang sweet naman kase nia eh.. Gwapo.. Mabait, may sandamukal na sense of humor at ang saya kasama. Plus, he really knows how to make a girl feel special.. How to make me special… Pano naman kaseng hindi dadagundong yung puso ko ng dahil sa kanya?!
Tama na nga yan! Kakasabi ko lang kanina na tama na tapos etoh na naman ako.. At masyado ng malayo ang na-eexplore ng imahinasyon ko! Ayoko. Ayokong mahulog sa kanya. Sa kahit na sino. Ayoko ng masaktan.. Takot na ko..
*tok tok tok*
Pinto nga pala.. Kaya Kate, tama na drama.. “Nandyan na…”
Tumayo na ko para buksan yung pinto at salubungin si Mark. Para makapag-thank you na ko sa kanya at para makausap na den sya tungkol dito sa lahat ng to. Tutal naman, si James nakausap ko na eh. Pinatigil ko na sya. Kaya siguro, tama lang den na patigilin ko na si Mark.. Kase habang tumatagal eh magiging mas komplikado pa ang lahat.. Pare-pareho lang kameng mahihirapan. Pare-pareho lang kameng masasaktan..
“Hi Ma -“
JANE?
Totoo ba itong nakikita ko? Isang impaktang nag-anyong tao? Totoo ba to o bangungot lang?! Oh no! This cant be happening! Standing at my doorstep is the world's ugliest entity alive! Oh no! Alien invasion na ba ito?
"O, anong ginagawa mo dito?" Hay naku, ang kapal naman den talaga ng muka netong babae na to. Abot hanggang kabilang galaxy. As in nagkaron pa sya ng face na iharap saken pagkatapos ng lahat ng mga pinag-gagawa nia! Dito pa sa bahay ko! Palagay nio, ituloy ko na kaya ung matagal ko ng plano na i-flush sya sa inidoro?!
“Easy Kate.. im just visiting an old friend. Hindi mo ba papapasukin ang bestfriend mo?”
BESTRIEND?! Yuck yuck yuck to the nth power! Ni hindi nga kame naging friends tapos bestfriend? Eeewnesss! Excuse me nO! Mas gugustuhin ko pang maging bestfriend yung mga maligno kesa dito sa impaktitang to!
“Ayoko ng gulo Jane so could you just get the hell out of here?!” Ayan. Lumalabas tuloy ang pagiging spokening dollar ko. Pinipilit nio kase ako eh!
“Aba aba aba Kate… Kelan ka pa natutong sumagot?! Oh well, kung ayaw mo kong papasukin di wag. Look, I came here just because of one reason. Si James.”
“James… Ok.. Gets ko na Jane. You don't have to explain. You like him and you want me to stay away from him. Right?”
HOW PATHETIC!
“Geeez Kate… May utak ka pala.”
Aba.. at talagang naghahamon ng away tong babae na to ah. Insultuhin daw ba ko?! Sino kayang walang utak samen?!
“Alam mo Jane, ayoko na talaga ng gulo. Pero hindi mo ko pwedeng utusan na layuan si James. At isa pa Jane, sya ang lumalapit, hindi ako. Subukan mo sigurong maging mabait kahit minsan at baka sakaling may lalakeng magkagusto sayo.”
HAH! Kala mo ah! Kala mo hindi ako sasagot ah! Konti na lang talaga kakaladkarin ko na to sa CR nang mawala na sya ng tuluyan sa buhay ko.
“At least hindi ako kagaya mo na nanglalandi. Kinuha mo na nga si Siege noon eh. Hindi ka pa nakuntento, nilandi mo si James. At ngayon, pati si Mark nilalandi mo. Kala mo hindi ko alam na nililigawan ka na ng pinsan ko?! Actually, naaawa nga ako sa kanila eh, kase sayo sila nagkagusto. Pero, hindi ko den naman sila masisisi eh.. Likas ka na kasing malandi!”
Parang gusto ata akong gawing bayolente nito ah. Hah, ako?! Malandi?! Etoh sayo!
*PLAK*
“Matagal na kong nagtitimpi sayo Jane. Noon na noon pa lang gustong gusto ko ng gawen sayo yan. Kung may malandi man dito, ikaw yun. What? You like James?! Then go get him. Tignan lang naten kung magustuhan ka nia. You can be his whatever and i wont give a damn. Now just get your ass out of here before I forget the 5th commandment.”
Napahawak sya sa pisngi nia then she stared at me. No. She glared at me. Pero ano naman ngayon? Eh im bursting with hapiness! HAHA! Wooohooo! I feel good, tenentenentenenten, i know that i would now! hehehe. God, ang sarap ng feeling.. Lahat ng galet na nararamdaman ko para sa kanya, nailbas ko na finally. Kungtutuusin nga eh kulang pa yon pero for now, pwede na den.. Mapagchachagaan na. The nerve of that !@#$! Swerte nia at kahit pano eh nananaig pa den saken ang pagiging katoliko dahil kung hindi, matagal ko na syang kinalbo at binalatan ng buhay.
But now, i guess i have to face the bigger problem. Pano ko sasabihin kay Mark lahat? Pano ko sasabihin sa kanya na hanggang ngayon ay nagsisisi pa den ako at pinakawalan ko ng ganun ganun lang si Siege.. Na hanggang ngayon, Im still trapped within my horrible past and i still cant go on with my damn life. Maalala ko nga lang sia at marinig ung pangalan nia eh gumuguho na ulet ung mundo ko.. Hanggang ngayon, putang ina, nakatali pa den ako kay Siege. True love never dies nga db? And he's my one true love.
But now, the question is..
PANO KO SASABIHIN KAY MARK
Aba, lakas trip tong si James ah! HELLO!? Basketball ang ipinunta ko dito hindi boxing! Tangna to ah, ano bang problema nitong tao na to? Magaaya ng basketball tapos biglang manununtok. Ano kaya yun? P*ta, pag nasira lang tong gwapo kong muka ng dahil sa suntok nia, sya ang manghihiram ng muka sa aso!
“Ano bang problema mo ha?!”
“Tangna mo pala Mark eh. Kala ko ba walang taluhan?!"*BGSHK. Sapul si Mark sa mata*
Taluhan?! Sino bang unang nang-talo sameng dalawa?! Db sya?! P*ta, ang lakas ng loob niang magalet at suntukin ako!
“Tangna mo den!” *Sapul si James sa muka* “Db ikaw nagsabi na may the best man win?! Sinunod ko lang yung gusto mo James. Pinagbigyan lang kita.”
Ano ba talagng ipinuputok ng buchi neto ni James?!
“Akala ko kaibigan kita Mark! Bestfriends tayo db?! Baket hindi mo man lang saken sinabi?!” *BGSHK*
BESTFRIENDS?! Yeah right! Magkaibigang totoo kame!
*BGSHK BGSHK* “PUTANG INA JAMES TUMIGIL KA NA! Ano bang problema mo ha?! Ano?! Natatakot ka na ako ang sagutin nia?” *Sapul ulet si James* “Baket James? Kelan ba ko nanalo sayo?! Ano bang kinatatakot mo?!“
Tangna, nakakarami na sya ah! May dugo na oh! Leche!
*BGSHK. Sapul si Mark sa may bibig* “Wala kang kwentang kaibigan Mark! WALA KANG KWENTA!” *BGSHK BGSHL BGSHK*
AKO?! WALANG KWENTA?! Tangna! Sino kayang mas walang kwenta samen?! Ilang ulet na nia kong tinarantado sa babae pero ni minsan hindi ako nagalet sa kanya! Ni minsan, wala syang narinig galing saken! Nagpaubaya ako! Nagparaya! Tangna, yun na nga lang ginawa ko buong buhay ko eh! Tapos anO?! Eto sya ngayon nagagalit saken dahil pinaglalaban ko ung babaeng mahal ko!
*Hinawakan ni James si Mark sa kwelyo*
“Tandaan mo to Mark, simula ngayon, hindi na tayo magkaibigan. Simula ngayon, kalimutan mo ng may kaibigan kang James.”
Tinitigan nia ko ng masama bago nia ko binitiwan. Ngayon ko lang nakita si James na ganun kagalit. Ngayon ko lang sya nakitang ganito. Siguro nga may kasalanan ako kase hindi ko man lang sia sinabihan pero tangna, sya ba sinabihan nia ko nung niligawan nia si Kate?! Hinde db?! Ni ha ni ho wala akong narinig galing sa kanya tapos eto sya ngayon galet na galet at nagsususuntok! Bahala sya sa buhay nia. Kung gusto nia ng away, yun ang ibibigay ko sa kanya.
KALIMUTAN NA DEN NIANG MAY KAIBIGAN SIYANG MARK…
Umupo ako dun sa mga risers para kalmahin yung sarili koh. Hanggang ngayon kase nararamdaman ko pa ung urge na manapak. Hanggang ngayon nanggagalaiti pa ko sa galet. Hay naku, inpeyrnes masaket. Dumugo ba naman kase ung labi ko eh. At pupusta den ako na may black eye ako. Pano kaya ako magpapakita kay Kate? Ano kayang sasabihin ko? Hi Kate, nakipagsapakan ako? Sagwa.
Kaso gabi na. Kailangan ko ng umuwi. Tumayo na ko at nagbike papunta ng bahay habang ung isip ko nagliliwaliw sa kawalan. Ang daming mga tanong na pumapasok sa utak ko.. Pano kung mawala saken si Kate? Pano kung hindi nia ako matutunang mahalin? Anong mangyayari saken? Mabubuhay pa kaya ako? Siguro oo, siguro hinde.. Pero, isa ang sigurado, hindi ko na kakayanin pang maging masaya..
Maya maya nakarating na den akoh sa bahay. Iniwan ko ung bike sa labas tapos pumasok na ko. Binuksan ko yung pinto.. Nagulat na lang ako sa nakita ko - si Kate nakahiga sa sofa, natutulog. Baket kaya sya nandito? Siguro, inantay nia ko.. Nakanaman! Concerned sya saken! HAHAHA!
Lumapit ako kay Kate. Haaaaay, wala pa ding pinagbago, muka pa den syang anghel pag natutulog. Ang ganda ganda.. Tinanggal ko ung buhok na napupunta sa mata nia.. Sobrang kakapiranggot na lang yung distansya ko sa kanya.. Para kong hinihypnotize.. Parang sya lang at ako yung nag-eexist dito sa mundo.. Iba yung pakiramdam. Sobrang iba talaga.
"Mark.." Naalimpungatan sya. "Ikaw na ba yan?"
"Oo.. Bakit ka naman dito sa sofa natulog?"
Umupo sya. "Inaantay kase kita eh. San ka ba galing?"
"Sa basketball court. Gusto mo na ba matulog?"
"Oo sana.. Teka, bakit dumudugo yang bibig mo?"
Patay. "Ano kase eh.." Tinignan nia ko na parang sinasabing wag na kong magsinungaling. "Nag-away kame ni James."
Kinuwento ko yung ngyari habang tahimik syang nakinig. Actually, tahimik pa den sya hanggang sa matapos akong mag-kwento. Hindi talaga sya nag-sasalita.
"Kate?"
Tahimik pa den sya, parang nag-iisip. At sa hindi ko malamang dahilan eh biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Bigla akong kinabahan. Parang may masamang mangyayari.
"M-Mark, may sasabihin... May sasabihin ako sayo..."
GULP...
Sasabihin? Ano ba naman tong si Kate.. Ganda den chumempo eh noh? Nakita na ngang nabugbog ako tapos pakakabahin ako ng ganito.. Pero malay nio naman ang sabihin nia saken ay i love you too.. hehe. O kaya naman tayo na Mark.. Pwede deng will you marry me para mas masaya. Hahahaha. Malay nio naman db?
Asa ka pa..
Sige kumontra. Nakita na ngang nagpapalakas ako ng loob dito eh. Pano yung puso ko, nagtatangka na namang tumalon palabas ng dibdib ko sa sobrang kaba. Ewan ba. Bad vibes talaga eh. Dagdag nerbyos pa tong kabingi-binging katahimikan. Josmeng buhay to. Paki baril na nga lang ako pls.
"Ano Mark.. Kase tungkol sa ano... Sa inyo ni James.. Pinatigil ko na kase sya.."
HUWAW! Tama ba yung narinig ko?! Ibig sabihin... WAHAHAHA! Wala na kong kaagaw kay Kate! As in wala na kong karibal! Solo ko na sya! Yahu!
"Baket naman?"
Kungyari ka pa eh tuwang tuwa ka nga..
"Kase im still not over my past."
"Si Siege?" Hay naku, Siege na naman.. Talagang kung hindi si James ang inaalala nia eh si Siege naman.. Pano naman ako?
"Oo, kaya nga sana may hihingin akong pabor sayo.."
"Pabor? Sure why not. Kaw pa. Ano ba un?"
Kahit ano talaga gagawin ko para kay Kate no. Wag lang sanang fatal na tipong yun na yung huling bagay na gagawin ko sa buong buhay ko. Syempre magiging kame pa tapos magpapakasal, magpapatayo ng sariling bahay chaka magkaka-anak.
Managinip ba ng gising?
"Ano sana..." *Buntong hininga* "Mark pwede bang tigi - "
*TOK TOK TOK*
And there was a knock on the door. Sino kaya yun? Naputol tuloy yung sinasabi ni Kate. Lately talaga ang daming abala sa mundo no?! Pero ano bang magagawa ko eh nandyan na sila?!
Tumayo ako para buksan yung pinto. Si Drey, tropa ko. Ano naman kayang ginagawa ng kup@l na to dito?
"Oi pre, mus - " BGSHK!
'Tangna, ang lakas nun ah. Sa sobrang lakas napaupo ako sa sahig at natumba. MUKA BA KONG PUNCHING BAG?! Ano na naman bang pakulo to?! Latest craze ba ang suntukin ako?! Ano ba talaga gusto nilang mangyari?!
"Mark!" Tumakbo kagad si Kate sa tabi ko at tinulungan akong tumayo nung nakita nia na sinuntok ako nung sinto sinto kong katropa.
"Ano bang problema mo ha?! Kanina si James, tapos ngayon ikaw?! Ano bang trip nio sa buhay ha?! Manuntok ng kaibigan?!"
"Ganti lang yan chong. Nanunulot ka kase eh. Chaka anong kaibigan ang pinagsasasabi moh ha?! Hindi mo na kami kaibigan." Sabi nia na kalmadong kalmado lang tapos umalis na sya.
Kung hindi ba naman talagang nakakainit ng ulo to! Hahabulin ko sana sya at babawian ng isang malakas na suntok kaso inawat ako ni Kate. Ang laki ng problema nila no?! Nananahimik ako dito tapos bigla akong sasalubungan ng suntok. Bakit ba ako pinag-iinitan nitong mga to?! Bakit ba hindi nila pag-initan yang si James?! Sha naman naunang manulot ah! P*tang ina talaga nila! Mag-samasama na silang lahat, wala akong pakialam! Pagbuhul-buhulin ko pa sila jan eh.
"Mark, ok ka lang ba?"
"Oo.. Ok lang ako." Sabi ko sabay pahid sa dugo. Sinara ni Kate yung pinto tapos tinulungan nia kong umupo sa sofa. Kumuha sia ng basang face towel, cotton buds chaka gamot.
Umupo sya sa tabi ko tapos hinarap niya ung muka ko sa kanya. "Dahil ba saken kaya - "
Inilapat ko ung hintuturo ko sa labi nia. "Shhh. Wag mo na intindihin un. Ayos lang ako. Kaso sana , di mo ko pinigilan ng nakatikim ng isang malakas nasapak ung kumag na yun."
Pinunasan nia ung dugo.. "Para ano? Para madagdagan yang sakit mo sa katawan? Wag na no."
"Uuuuy, concerned."
Hindi sya nagsalita pero tinuloy na nia yung pag-gamot sa gilid nung labi ko na natamaan ng suntok. Medyo masakit nga eh pero, superman ata to no! Walang sakit sakit saken. Im a man of steel! hehehe.
Habang ginagamot nia ko, nakatingin lang ako sa kanya. At habang nakikita ko sya, hindi ko maiwasang mapaisip. Yung mga tipong, ano nga kaya ang mangyayari sa buhay ko pag nawala sya? Pag iniwan nia ko? Sa totoo lang, ayoko ng alamin. Ayoko ng isipin. Dahil ang gusto ko eh makasama sya habang buhay.
"Anong nginingiti-ngiti mo jan? Nasuntok ka na nga tapos - "
Hindi ko na sya pinatapos sa pag-sasalita. Niyakap ko na lang sya ng mahigpit na mahigpit. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa yun.. Basta, yung mga braso ko, kusa na lang yumakap sa kanya.
"M-M-Mark.."
"Kate... Please, wag kang mawawala saken ha.. Mahal na mahal kase kita eh. Alam ko ang corny pakinggan pero, yun ung totoo. Hindi mo lang alam kung gano mo ko binago.. Kung gano mo ko pinasaya.. Kaya sana, wag ka ng mawawala sa buhay ko ha.. Dito ka na lang... Kahit ano gagawin ko wag mo lang ako iwan. Sige tulog ka na, may pasok pa tayo bukas. Gudnight.. Ako isipin mo bago ka matulog ha. I Love you Love of my Life..."
Hinalikan ko sya sa pisngi bago ko tuluyang bumitaw sa pagkakayakap sa kanya. Tumayo na ko at dumerecho sa kwarto...
Sabay pahid ng mga luhang tumulo galing sa mga mata ko...
Wag mo ko iiwan ha.. Paulit-ulit sa utak ko yung sinabi na yun ni Mark. Naiwan lang akong nakatulala at nakaupo sa sofa. I was so dumbfounded that I wasn't even able to move. Parang na-freeze na lang ako dun bigla.. Parang may pumindot ng pause button sa remote at bigla akong nahinto sa paggalaw. Ewan ko ba.. Hindi lang siguro ko makapaniwala sa narinig ko.. Si Mark, ang ultimate joker at class clown slash personal clown ko, naging ganun ka-seryoso. Akala ko nga hindi sakop ng abilities nia ung pagiging seryoso eh. Alam nio yun, yung tipong wala sa bokabularyo nia yung salitang “serious”.
But today, just a minute ago, he was serious. Dead serious.
Ang saket talaga sa ulo.. Yung utak ko, parang sasabog na sa sobrang pag-iisip. Kung computer nga lang ako eh matagal na talaga kong nag-hang sa sobrang dame nung “data” na “pnoproccess” ko.. At chaka, kelan ba ko naging magaling sa pagdedesisyon? Never noh. Lalo na sa ganito.. Yung magkalaban ang sinasabi ng utak sa puso.
Contradicting thoughts.
Si Siege, my first love. And probably true love too. Kaso, he's a thing of the past. Obvious naman db? Wala na sya. He's gone and its my fault. And no matter how much I regret it, he will never come back. My tears won't bring him back. Even if I want to, even if he wants to, and even if the whole world wants to, he will never come back. Coz he can't. I can never feel his arms around me again, nor could I ever hear him say 'I love you Kate'.
Sana nga lang talaga nasabi ko man lang sa kanya kung gano ko sya ka-mahal. Sana nasabi ko man lang sa kanya na mahal na mahal na mahal ko sya and if there's one guy I would want to spend the rest of my life with, it would be him. Kaso nga, wala na sya. And I guess, I couldn't do anything about it.
However, there's Mark. Someone who's here with me now. Ngayon. Present. Alive na alive and he's doing everything that he can to make me happy. So, anong pipiliin ko? To stay trapped within my past or live my present life?
Siguro yung present. Wala na naman sigurong mag-oobject kung pipiliin kong sumaya db? But in my present life are two guys. James and Mark The Dynamic Duo.
Si James o si Mark?
Si James - gwapo, magaling kumanta, magaling mag-basketball, crush ng bayan, seryosong loko-loko, sweet, at makulet. “Siege-like”. Hearthrob at sobrang habulin ng mga babae. Prince charming yung dating.. Someone who's almost too good to be true. Yun nga lang, true sya. Nakikita at nahahawakan. Pero… Ewan. Parang may mali eh. Magaan yung loob ko sa kanya pero, hindi palagay. Tama. Magaan pero hindi palagay.
Si Mark - cute, magaling den kumanta (nakakahimatay nga yung boses nia eh), magaling den naman magbasketball at crush den ng bayan. Sobrang kulet, national patawa, gentleman, sweet, at higit sa lahat siya ang unan ko. Yung yumayakap saken pag malungkot ako, yung iniiyakan ko, yung pinagsasabihan ko ng problema ko. He's my knight in shining armor. Palagay yung loob ko sa kanya at napapatawa nia ko. Pag kasama ko sya, pakiramdam ko, safe ako. Yung tipong walang makakasakit saken. Chaka pag kasama ko sya, masaya ako.. Nakakalimot ako sa oras.. Nakakalimutan ko lahat… Including Siege. At isa pa, alam kong mahal na mahal nia ko.
Haaaaaay…. Ano ba yan, napapangiti na naman ko. Siguro nga between Mark and James eh si Mark yung mas matimbang. Kahit pa kamuka ni James si Siege. Pero it seems na my past has a way of creeping into me everytime I decide to move on. Ang saya noh? Sa tuwing nagiging ok yung lahat, biglang nagiging hindi ok. Everything I worked hard for suddenly vanishes into thin air. Tangay tangay yung “happiness”. The feeling I've been longing to feel since Siege.
Pero Mark deserves a chance. A fair and unbiased chance to prove himself to.. to me.. Actually that's what he's doing since the day he confessed. Pero hindi rin ba unfair na hayaan ko syang mag-effort to the max habang, yun nga, alam ko na nakatali pa den ako sa “mere memories” ni Siege. Pero sa bagay, hindi na naman ako committed sa kanya eh. Matagal na namang “terminated” yung relationship namen although walang formal ending.
Ano ba yan. Puro na lang pero.
Sabi ng utak ko wag ko nang hayaan pa na maging mas komplikado pa yung sitwasyon. Patigilin ko na sya to avoid hurts and problems, etc etc etc. But what my heart says is to give him a chance. Period.
The last time na sinunod ko ung utak ko, everything went wrong. Everything went crushing down on me. I lost everything. Including “him” and my happiness. Although takot na kong masaktan at takot na kong i-entrust sa kahit na kanino yung puso ko ulet eh ayoko na din naming mawala yung chance na sumaya ko ulet. Yung chance na mag-mahal ako ulet. Nothing would happen naman if I wont take the risk eh. Siguro nga it's about time to follow my heart. Its about time that I forget the past and face what's happening right now.
And what's happening right now is Mark...
Good morning Philippines! Hay, ang ganda ng gising ko ngayon ah. Kaso, badtrip. Kita pa den yung pasa ko sa mukha. Hay naku, inggit lang sila kase wala silang
ganito kagwapo, kacute at kacharming na muka kaya ayan, gumagawa sila ng paraan para mabawasan ung value ng muka ko. Ang hindi lang nila alam eh kahit anong gawin nila, pag cute ka, cute ka pa den. Hehehe.
“Mark, tara na! Malalate na tayo!”
Bye bye muna sayo gwapo kong reflection, tawag na ko ng aking love of my life eh. Teka, spray muna ng pabango para dagdag sa pogi points ko. At syempre, ang
mga pinagpuyatan kong nirecord kagabi.
Bumaba na ko at shet naman talaga, ang ganda ni Kate. Di bale, alam ko one day someday soon sasagutin den nia ko at magiging Kate “ko” na sya.
Lumapit sya saken. As in Ma-la-pet. Tinitignan nia yung mga pasa ko. With matching pahaplos-haplos effect pa.
“Masaket pa ba?”
“Ang thoughtful naman ng Kate ko. I love you.”
Nginitian lang nia ko tapos tumalikod siya.
“Wala bang I love you too?”
Humarap siya saken tapos pinisil yung ilong ko sabay sabing “Ang kulet mo talaga..”
Ngiti lang nia sobrang solb na talaga ko eh. Nakakagaan sa loob na nakakahawa. Contagious yung ngiti nia. Siguro kase maganda talaga yung ngiti nia. Siguro dahil si Kate sia. O malamang-lamang lang kase mahal ko sya.
“Huy Mark! Tara na..”
Pumasok na kame sa school. As usual, late na naman kame. Ano pa bang bago dun? Kinausap na nga kame ng prof namen eh. Isang late pa daw eh ipapatawag na yung
magulang namen. Sa isip-isip ko, para naman kameng highschool nian.. Ano yun, Parent-Teacher conference? Pero ok lang. Patawag nia. Wala naman dito parents
namen ni Kate eh. Hehehe.
Ang saya ko nga lang ngayon kase hindi na makalapit si James kay Kate. Alam na naman siguro nia na sinabi ko kay Kate yung ginawa nia. May utak den naman ung ugok na un kahit pano noh. Isa pa, pinatigil na sya ni Kate sa pangliligaw kaya ano pang dahilan nia para lumapit kay Kate db? Manigas sya jan.
Si Jane naman, pansin ko panay ang lapit kay James. Tama yan, magsama silang dalawang major asungot. Wag na talaga silang mag-lalalapit samen ni Kate para
naman kahit pano eh manahimik yung buhay namen.
Nung 2nd subject namen binigay ko ung isang tape kay Kate. Ngumiti lang sya at para na naman akong nasa heaven. Para ngang drugs yung ngiti nia eh.. nakakaddict. Hinahanap-hanap ko lagi. Pumunit sya ng papel sa pad nia tapos may sinulat siya. Tinupi nia tapos inabot nia saken.
..Thank you love of my life..
HUWAW! Tama ba tong nakikita ko?! Thank you love of my life?! Tinawag nia kong love of my life?! HAHAHAHAHA! Kung hindi ba naman ako hihimatayin sa tuwa! Senyales ba ito?! HAHAHA! Kahit ano pa yun, basta ang alam ko masaya ko! Love of my life daw oh?! God is good! All the time! All the time! God is good! HAHAHAHA!
“Mr. Vista! What is funny?!”
Walang makakasira sa saya ko ngayon! “Wala po ma’am. Masaya lang po yung puso ko.” Sabiko ng nakatingin kay Kate.
Akala siguro tuloy ng prof ko baliw ako kaya ayun, hinayaan na nia ko. Anong magagawa ko eh sa masaya ko eh. Oh, love of my life.. Hahahah.. Naka-high na naman ako!
Hanggang uwian, ganun yung mood ko. Sobrang saya at sobrang ligalig. Pati nga si Kate eh, tawa din ng tawa. Ang saya-saya talaga. Kumain muna kame sa KFC sa
may Dapitan chaka nag-kwentuhan. Hindi ko na sya tinanong kung baket may ‘love of my life’ dun. Baket ko pa tatanungin eh ang linaw linaw na ngang nakalagay dun db?! Baka mamaya magbago pa isip nia.
After naming kumain, nag-lakad na kame papunntang Espana. Dun kame sa Lacson dumaan ( Street yun sa gilid ng UST). Lakad lang kame, tawa ng tawa, kwentuhan ng kwentuhan. Parang kaming dalawa lang yung tao dun. Pero ang ipinapangako ko sa sambayanang Pilipinas, isang araw maglalakad den kame ni Kate ng hawak ko yung kamay nia... Ng kame na.
Ang saya saya ko nga ngayon eh. Lahat ok. Aba, bibihira lang mangyari saken na maging ok yung buong araw ko noh. Once in a blue moon lang yan kaya enjoy it while it lasts. hehehe.
Medyo lagpas na kame ng Lacson gate nung napansin ko na may grupo ng lalake na sumsuond samen. Ganun na ba ko kagawapo at may mga nababading saken? Hehehe. Nilingon ko sila. Tangna, tropa ni James sa kabilang sub. Yung tropa nia na puro basag-ulo at saket sa katawan ang hanap.
Kakasabi ko lang na ok ung araw eh. Kakasabi ko lang eh. Bwiset naman talaga oh. Ano naman kayang kailangan nga mag asungot na to samen at sumusunod sila samen?! Parang tuta kung makasunod eh.
Lakad lang kame, di ko sila pinapansin kaso palapit na sila ng palapit samen. Kumakabog na yung dibdib ko. Siguradong gulo hanap nila kaya nila kame sinusundan. Binilisan ko yung lakad kaso hindi makasunod si Kate.
“Kate, bilisan naten.” Binulong ko sa kanya sabay hatak.
“Ha? Baket?”
“Basta.”
Hinatak ko si Kate palayo kaso yung mga tropa ni James sumsunod pa den. Tangna talaga, ngayon pang kasama ko si Kate. Ano ba kaseng kailangan ng mga kupal na to? Binilisan namen yung lakad kahit nahihirapan si Kate na sumabay.
Maya maya, nasa harap na namin silang walo. Nakaharang. Tanga naman talaga oh.
“Pare, pwede ka bang makausap sandali?”
P*ta nangangamoy trouble to ah...
Napakapit saken si Kate ng mahigpit.
“Pare kung ano man yun, pls wag ngayon.”
“Kung ayaw mong makipagusap, yang kasama mo na lang.” Sabi nung isa sabay hinatak si Kate pero nahawakan ko siya sa braso. Nakikita ko na natatakot na siya ngayon. Pati naman ako eh. Pero hindi ko pwedeng ipahalata yun.
“Tol wag yang kasama ko. Ano bang kailangan nio ha?!” Kumakabog na yung dibdib ko. Sana kung ako lang eh, kaso kasama ko si Kate. Sa kwento pa man den saken ni dati ni James eh may pagkahalang ung mga bituka niang mga yan. Ewan ba kung pano nia naging tropa yang mga kumag na yan.
“Good boy ka naman pala eh. Tara, sumama ka na.” Hinatak nila kame papunta dun sa van na nakapark sa may tabi nung bangketa.
“Pare wag na yung kasama ko pls. Pauwiin nio na sya.”
“Anong gusto mo, isama ko sya sayo o iuwi ko sya sa bahay ko?!”
“Tangna pre, walang bastusan.”
*BGSHK* Aray. Sapul na naman ako. “Minumura mo ko ha?! Gusto mong pasabugin ko yang utak mo?” Yung mga tao, nagtitinginan na pero walang gumagalaw. Sumigaw kaya ako?! HELP! Kidnapper! Murderer! Rapist! Snatcher! Estapador! Mamamatay tao! HELP!
“W-w-wag.” Si Kate.. “S-s-sa-sasama po ako.”
“Di mo gayahin tong chicks mo. Mabait. Sige na, sumakay na kayo.”
Sumakay na kame sa Van. Napapagitnaan kame ni Kate nung dalawa sa mga tropa ni James. Yung kaninang nagsasalita yung nag-drive. Yumakap saken si Kate. Umiiyak.
“Mark…”
“Shhhhh.. Tama na.” Niyakap ko sya ng mahigpit hoping na tama na yun para mapalagay yung loob nia kahit pano. Wala naman kase akong ibang masabi eh, Hindi ko alam kung ano tong ngyayari. Hindi ko alam kung anong kailangan nila saken.. Samen.. Hindi ren ako makapag-isip ng maayos. Ni hindi ako makapag-isip ng paraan para makatakas. Maya maya tinakpan nila yung mata namen ng blindfold. Humigpit yung yakap saken ni Kate, nanginginig sya sa takot. Gusto kong sabihin sa kany na magiging ok den lahat pero hindi ko magawa dahil kahit ako natatakot na. Wag lang talaga nila sasaktan si Kate dahil p*tang ina, magkakamatayan talaga kame.
Hindi ko alam kung ilang minuto na kameng nasa sasakyan. Siguro 30minutes, siguro isang oras, san ba nila kame dadalin?! Ano bang atraso ko sa kanila?! Baket ngayon pa kung kelan kasama ko si Kate?! P*tang ina naman kase eh. Ano na ba talagang nangyayari?!
Maya-maya huminto na ung sasakyan at pinababa na nila kame. Tinanggal na din nila yung blindfold namen. Hindi ko alam kung nasan kame. Wala akong idea. May isang bahay na parang 48 years ng pinabayaan. Muka na ngang pinamamahayan ng mga insekto, alikabok at multo eh. Tinulak nila kame papasok sa loob, pinaupo sa silya at tinali.
Ano ba to?! Hostage drama?! Kidnapping?! Ano ba?! For ransom?! Anong sasabihin ko?! "Wala kameng pera.. Mahirap lang po kame. Maawa na kayo samen. huhuhu.."?
Diyos ko po.. Pls help us.. Ipadala nio na si Angel Gabriel, Raphael, lahat ng mga anghel nio, kahit si Lucifer pwede nah! Superman, Batman, Robin, Spiderman, Captain Barbel, Darna.. Kahit sino..
Tulungan nio kame...
Ay grabe na to! Di na talaga ko makapag-isip. Obvious naman db? Pati sila Darna sinali ko na sa drama ng buhay ko. Leche naman kase talaga. Ano bang trip nitong mga to sa buhay nila!? Humanda sila pag ako nakawala dito, ipapa-imbestigador ko sila! Hindi namen kayo, tatantanan! hehehe.
"Tayo."
Yoko nga. Sarap sarap ng upo ko dito eh. Mag-please ka muna. hehehe.
"Sabi ko tayo."
Sira-ulo din tong mga to eh no?! Papaupuin, itatali tapos papatayuin. Pano kaya ako makakatayo kung nakatali akoh db?! May utak ba tong mga to ever?!
"Nakatali ako. Pano ko tatayo?"
Tinanggal nung isa yung tali kO tapos hinatak ako patayo. Tinalian nila ulet ung kamay ko sa likod. Di sila masyadong mahilig manghatak no? Medyo lang.
"Ano bang kailanagn nio samen ha?!"
"Sayo lang."
Ok payn. Saken lang. Eh di mas mabuti.
"Ano ngang kailangan nio?!"
*BGSHK*
"Yan?! Yan ang kailangan nio saken?! Dinala nio ko dito para bugbugin?! Eh ang duduwag nio naman pala eh!"
Yun na yung huli kong nasabi. Sinunod-sunod na nila ko ng suntok. Suntok dito, suntok dun. May kasama pa ngang sipa eh. Hindi ko alam kung baket nila ko binubugbog. Kung hindi lang ba ko nakatali dito eh si sana kanina ko pa sila inupakan. Naririnig ko si Kate sumisigaw ng "Tama na" pero wala na talaga ko magawa. Nakatali ako. Bug-bog sarado na. Wala na kong ibang magawa kundi ang maging punchuing bag nila. Masakit pala maging punching bag. hehe. Nagawa ko pang mag-joke no?! Shempre, ako pa. Superman......
ata....
tooooo...
Db?
At ayun na nga, bumagsak ako. Sa dami ng suntok, tadjak at sipa. Sa sobrang bugbog. Inupo nila ko dun sa silya. Naririnig ko silang tumatawa. Hahaha, nakakatawa. Feeling naman nila nian malaks na sila!? Eh kng hindi ba naman sila mga isa't kalahating tanga, panong di nila ako mapapatumba eh walo silang nagtutulong-tulong saken?! Kung hindi ba naman unfair yun no! Ikaw ba naman ang gawing dummy ni Manny Pacquiao ng walong tao di ka ba tutumba?! Take note, ng sabay sabay.
Binuhusan nila ko ng tubig sa ulo. Nice one. Ano un? Pangpagising o pampaligo? Ewan ko sa kanila. Humanda lang talaga sila saken pag nakarecover na ko. Tignan ko lang kung di sila pulutin sa kangkungan.
"Mark..."
Wow. Isang tingin pa lang ni Kate full charge na ko ulet! Kahit ilang ulet nila ko pabagsakin, di pa den nil ako matitibag! Im a man of steel nga db? HAHA! Man of steel! Sige Mark, magpalakas ka nalang ng loob dyan. Yun lang naman kaya kong gawin ngayon aside sa maging punching bag nila eh. Pero sa totoo lang, ang sakit. Sobra. Halos hindi ko na nga maidilat yung mata ko eh. Lahat ng parte ng katawan ko masaket. Hindi na talaga ko makagalaw.
"Mark... Ok ka lang ba?" Umiiyak si Kate. Hayup naman kase tong mga to eh. Bwiset. Kung hindi nila kami dinala dito, eh di sana nananahimik kame ni Kate sa bahay. Hindi sya umiiyak ngayon. Kaso hindi den ako makapagsalita. Pati ata muscles ko sa bibig nadali nila.
"Ui... Mark.. o-ok k-ka l-ang ba?"
"Sinabi ko bang magsalita ka?!" *PLAK*
PUTANG INA! ANONG KARAPATAN NIANG SAMPALIN SI KATE?!! GUSTO BA NIANG MAMATAY NA NGAYON?!!
"Tang ina mo ah! bading ka ba?! Bakit ka pumapatol sa babae?!"
"Ako?! Bading?! Gusto mong k******n ko yang chiks mo sa harap mo ha?!"
"G*GO KA PALA EH!!!" *BGSHK*
Tang ina pala talaga ia eh!! Ang kapal ng muka niang bastusin si Kate!!! ANG KAPAL NG MUKA NIA!!! Sa sobrang galit ko hindi ko na naramdaman ung sakit ng katawan ko. Ang alam ko lang nun, gusto ko syang suntukin! Ang kapal kapal talaga ng muka nia! Ano?! Hindi sya makalaban ngayon! Tangna, lampa naman pala tong isa na to eh! Malakas lang loob nia dahil may pito syang alipores na pang back-up.
Maya maya lahat na nung mga hunghang niang alipores eh inaawat na ko. Pano, ni isang suntok hindi nia ko napadapuan. Kala nia ah! LAMPA!!! Hawak na nila ko pero nagpupumiglas pa den ako. H*yup kase talaga tong g*gong to eh! Kung hindi nia sana binastos si Kate eh di sana hindi ko sya nasapak ng ganito!
"Ano?! Lalaban ka pa?! DUWAG!"
"Duwag pala ah!" *BGSHK*
At bago pa man ako maka-amba, pinagtulungan na naman nila ko. Suntok, sipa, tadjak. Balik sa buhay punching bag. Unti-unti na naman akong nanghihina. Ang naririnig ko na kang ay si Kate. Sinisigaw nia ung pangalan ko. Sabi sya ng sabi ng 'tama na'. Kung hindi lang ba kase sila sabay sabay db! Eh di sana lahat sila may boljak galing saken.
Tuloy tuloy lang sila sa pangbubugbog saken. Tuloy tuloy lang yung sipa suntok at tadjak nila. Tuloy tuloy lang den ung pagsigaw at pag-iyak ni Kate. Lahat yun tuloy tuloy lang hanggang sa may nagsalita.
"Tama na yan."
Ibang boses. Mahinahon lang. Pero pamilyar. Kahit masakit ung katawan ko, kahit puro dugo na ko, at kahit halos di na ko makagalaw, nilingon ko kung sino ung nagsalita. Nandun sya sa may pinto, nakatayo.
"Sinabi ng tama na eh."
Lumakas yung boses nung nagsasalita. Pamilyar talaga yung boses. Nakikita ko ung paa nia. Naglalakad sya papalapit samen. Lahat sila tumigil. Biglang nanahimik. Bigla silang nagsitakbuhan papalabas. Tinulungan nia ko tumayo tapos inupo nia ko sa silya.
"Ok ka lang ba?" Pinilit kong idilat ung mata ko. P*ta. Sabi na eh. Pamilyar yung boses. Pamilyar na pamilyar.
Si James...
Nagising na lang ako na nakahiga sa kama. Aray ko, masakit pa den. Makalakad pa kaya ako neto?! Pero sa totoo lang, di bale ng hindi makalakad eh, wag lang talaga ma-damage tong ginintuan kong muka. Pag nasira to, wala ng titilian ung mga chicks. Hehe.
Weytaminit, nasan ba ko?! Ano ba nangyari? Bakit ako nandito?! Hmmmm.. Teka, may bumubugbog saken tapos dumating si James… SI JAMES! Sabi na nga ba yung t*arantadong yun ang may pakana eh. Obvious naman db?! Tropa nia yung mga “nang-kidnap” at bumugbog saken eh, so sino pa nga mag-uutos sa kanila?! Sino pa nga ba kungdi si James! Yung bespren-besprenan ko. May pa hero hero effect pa syang nalalaman jan ah! And the winner for the best actor category is JAMES! Palakpakan naten si James, ang galing umarte Best actor na best actor. Pang Oscars! Ip I know. Isa yung KAPLASTIKAN! Isa syang malaking OROCAN! Gusto ko syang suntukin. Tadjakan. Sipain. Gaya nung ginawa saken nung mga duwag at lampa niang ka-tropa. Pero, hindi ko magawa. Battery empty na ko. Wala na kong lakas kaya ayun, taob si superman.
At isa pang teka, nasan si Kate? Nasan na si love of my life?! Baka kasama ni James ah.. HINDE! Hindi maaari yun. CANNOT BE! Kapal naman ng muka nia no. Baka gusto niang ipalibing ko sia kasama nung walo niang katropa.
“Mark… Gising ka na pala…” Hay, nanjan ka lang pala. Kala ko nawala ka na eh.
“Nasan ba tayo?”
“Sa ospital.. Kagabi pa tayo dito. Ok ka na ba?”
“Oo ayos lang ako. Teka.. Sino nagdala saten dito?”
“Si James..”
“Nasan na yung hayup na yun?! Sya may pakana nito db?! Nasan sya?!”
“Hindi sya yung may pakana nun Mark. Nilinaw na nia saken kanina. Nakwento daw kase nia dun sa barkada na nia yung nangayri.. Yung tungkol sa away nio. Tapos sabi nila, igaganti daw nila si James. Pero Mark sabi sabi saken ni James – “
“Hindi sya pumayag. Ano ba Kate?! Naniniwala ka ba sa kanya na wala syang kinalaman dun?! Panong – pano nia nalaman na nandun tayo?! Kate naman..”
“Mark sabi ni James kaya daw nalaman kase… ano… ano daw… Nakita daw nia tayo dun sa may labas ng UST. Tapos sumunod sya..”
“Kate kung nakita nia tayo, bakit hindi kagad sya tumulong?! Tropa nia yun Kate!”
“Ewan ko Mark.. Basta, yun ung sabi nia saken.”
“At ano?! Naniniwala ka naman?! “
“Siguro.. Ewan ko. Magpahinga ka na lang muna . Dito lang ako. Babantayan kita. Ok?”
“Kate, pwedeng umuwi na lang tayo? Please.. Ayoko lang talaga sa ospital. Kaya pls, umuwi na tayo.”
“Sige.. Ayusin ko lang sa cashier. Dyan ka lang ah.”
Tumayo na si Kate at umalis. Ayoko talaga sa ospital. May naaalala kase ako eh. Si Ate.. Naaksidente sya. Nabangga yung koche nia. Lasing daw yung driver nung nakabunggo sa kanya.. Sinugod sya sa ospital pero wala na ding nagawa yung mga doctor. Ang sakit nun saken.. Na makitang ganun yung lagay ni ate. Sya lang kase yung napagsasabihan ko ng problema ko eh. Kaya ang sakit sakit saken nung namatay sya. Gusto kong murahin yung mga doctor nun. Gusto kong sabihin sa kanila na bakit hindi nila magamot si ate, db doctor sila?! Ang bata pa nia para kunin ni Lord. Eh, etong March lang nangyari yung aksidente kaya medyo nasa utak ko pa talaga lahat. Ang galing nga eh, madali ko lang den nakalimutan ung lahat. Kase turo un saken ni ate, “when something bad happens or when your heart is broken by someone special, let go and move on.” Nakatatak sa puso ko yun kaya pinilit kong gawin. Pero ngayon na nandito ko sa ospital, bumabalik lahat.. At hindi ko maiwasan na mapaiyak..
“Mark? A-ayos ka lang?”
Pinunasan ko ung luha ko bago ko humarap sa kanya. May man of steel bang umiiyak? Hehe.
“Ayos lang ako. Ano? Ok na ba?”
“Oo.”
Inassist kame nung nurse hanggang sa pagkuha ng taxi. Grabe, mabagal pa kame sa pagong na natraffic. Kasalanan ko ba kase kung napuruhan ung binti ko?! Humanda lang talaga ung mga yun. Bugbog sarado den sila saken pag magaling na ko. Tignan ko lang tibay ng mga tuhod nila.
Tahimik lang kame pareho ni Kate hanggang sa pagdating sa bahay. Nung dumating kame dun medyo mag-gagabi na. Umorder si Kate ng pagkain tapos kumain kamain kame. Sinubuan nga nia ko eh. Ang sweet namen no? Ganyan talaga pag nagmamahalan. Hehehe.
Pagkatapos naming kumain inalalayan na ko ni Kate papunta sa kwarto ko. Humiga na ko habang nakaupo sya dun sa tabi ko. Ang sweet talaga ng love of my life ko no?
“Mark.. Thank you sa kahapon ah. Dapat kase hindi mo na sila pinatulan. Lalo ka lang tuloy nabugbog.”
“Hahayaan ko ba namang bastusin ka nila? Magkakamatayan muna kame no.”
“Si superman ka nga pala. Sige magpahinga ka na. Punta na ko sa kwarto ko.”
Tumayo na sia at naglakad papalabas ng pinto. Nooooooooooooooooooooooooo! Dito ka lang!
“Kate..”
Napatigil sya at humarap saken. “Uhm.. Ba…baket?”
“Pwede mo ba ko tabihan? Kahit ngayon lang. Please.. Ayokong mag-isa ngayon eh. Natatakot ako na baka pag gising ko, wala ka na. Parang kanina sa ospital, pag gising ko, kala ko wala ka na. Kala ko, sumama ka na kay James.. Kala ko iniwan mo na ko.. Promise, wala akong gagawing masama sayo! Promise, cross my heart!”
“Kaw talaga.”
Dahan-dahan syang lumapit saken. Tapos hinalikan nia ko sa noo. Wow naman. Kung lagi ba naman akong bonus na kiss galing kay Kate tuwing nabubugbog ako eh lagi na lang akong magpapabugbog. Kahit masakit, at least may kiss. Hehehe.
Umupo sia sa kama tapos tumabi sya saken na humiga. Haaaaaaay.. ang lakas na naman ng kalabog ng puso ko. Akalain mong tumabi nga talaga saken si Kate?! Ang saya ko naman.. Pero promise ko, wala talagang malisya to. Puro naguumapaw na pagmamahal lang. Oo na oo na, alam ko na sasabihin nio, ang corny ko na naman. Telling the truth lang po.
“Ano, tulog na tayo?” Tumango lang ako ng nakangiti.
]“Gudnyt Kate..”
“Gudnyt.. Tulog na ha.. Chaka thank you talaga..”
“I love you love of my life..”
Nung sinabi ko yun, nginitian lang nia ko tapos pumikit na sya. As usual, muka na naman syang angel. Inosenteng inosente yung muka. Parang bata. No wonder na na-inlove ako sa kanya. Na sobrang nahulog yung puso ko ng sobrang lalim. Yung sa sobrang lalim eh hindi na sya makakaalis pa dun. At dun sa moment na yun, naramdaman ko na si Kate yung babaeng hinding hindi ko papakawalan. Sya na yung babae na kasama kong bubuo at aabot nung mga pangarap ko sa buhay. Kahit ganito naman loko-loko eh ay may pangarap den naman ako noh. Basta. Si Kate na yung babaeng mamahalin ko forever and ever amen.
Till death do us part…
Whattacoincidence. Soon after ng pagmumuni-muni ko kung san na ko pupulutin ay tumawag si mama sa cellphone ko. Ano sinabi?! Nandyan na sila kasama si Papa. Kung di ba namang "in the nick of time" ang pag-uwi nila mama. Pero ok na din kase nakakahiya naman sa parents ni Kate kung dun pa ko makikitira. Yun nga lang, badtrip sa lahat ng badtrip, di ko na makakasama si Kate. Huhuhuhu. Kawawang Mark. Kawawang ako.
Pero ok lang den, kase sa loob ng isang linggo eh lagi akong binibisita ni Kate sa bahay. Inaalagaan nia ko. Ulet, inaalagaan nia ko! Kung di ba naman ako sasaya nun db?! At eto pa, nakilala na sya ni Mama, ni Papa at ni Kulet - ng buong pamilya ko. Welcome na welcome sya sa bahay. Although si papa nagalit nung una kase nasangkot daw ako sa gulo ng dahil sa babae eh naintindihan din naman nia. Lalo na nung nakilala nia si Kate. Sabi nga ni Papa eh jackpot daw ako. Bukod sa maganda na eh maalaga pa daw. Tapos, mabait, magalang, at nakakasundo ni Kulet kahit na barok pa yung kapatid ko. Approve nga den sya kay mama eh. Kahit daw di marunong si Kate ng mga gawaing bahay eh maasikaso naman chaka yun nga, magalang. Feeling ko tuloy magpapakasal na kame. Hehehe.
Tuwing gabi naman pag mag-isa na lang ako eh ang walang kamatayang recorded messages ko para kay Kate. Kanta dito, kanta dun. Nagkkwento ng tungkol sa nararamdaman ko para sa kanya. Tapos ibibigay ko sa kanya sa umaga.
Teka, wondering kung ano nangyari dun sa mga bumugbog saken?! Nakaresbak na ko mga chong! May sarili atang kapit to no. Alanganamang magpadehado ko db?! Aba, masakit sa katawan ung ginawa nila no kaya dapat lang na mabugbog den sila. Sayang nga lang at di ako nakasama sa resbak.
Sa school naman eh, ayos lang. Di na kame masyadong nalalate kase nandyan na ung mga parents namen. May nag-aasikaso na samen. Si James at yung buong tropa eh ganun pa den saken, iwas to the max. Ewan ba dito sa James na to, abnormal! Pag-katapos kameng iligtas kuno-kuno sa mga karopa nia eh biglang magsusungot. Menopause?! Hehehe. Di bale, hindi naman talaga ko naniniwala in the first place na hindi nia pakana yun eh. Sigurado ko na sya mastermind nun. Kaya pag may meeting sila ni Kate tungkol sa baby thesis na suuradong kuno-kuno den eh sinasamahan ko si Kate. Keshong mabulok ako kakahintay masigurado ko lang na wala syang gagawin sa love of my life ko. Pero, dahil pinanganak akong may busilak na puso eh hinahayaan ko naman sila "paminsan-minsan" na silang dalawa lang. Sabi saken ni Kate eh, mabait naman si James. Wala naman daw ginagawang kung ano. Normal lang. Siguradahin lang talaga nia no kung hinde mabibigyan ko sya ng isang malaks na BGSHK!
Si Jane naman eh mejo tahimik lang. Surprisingly. Sobra dahil ang pagkakakilala ko dun sa pinsan ko na yun eh try and try until you die talaga ang motto at hindi papayag na hindi nia makukuha yun gusto nia. Ewan ba dun sa babae na yun kung likas na pinag-lihi sya ng nanay nia sa mga kontrabida ng mga telenovela o addict den sha sa mga telenobela. Pero napapansin ko den na lagi silang mag-kausap ni James. Isang kagulat-gulat na bagay dahil sapagkat daptapwat allergic sa kanya si James. Hehehe. Ewan, may hidden agenda ata sila.
At ayun, tuluyan nang natapos ang buwan ng Hunyo. Isang buwan pa lang yun pero parang ang dami ng nangyari. Nakakawindang pero at least, nakilala ko si Kate. Dun palang sobrang solb na ko. Na someone like Kate came into my life and gave a new meaning to it. HAYUP! Iba talaga effect saken ni Kate, akalain niOng nakapag english ako?! Isang sentence din yun ah! Hehehe.
At eto na ang pinakaaabangan kong buwan sa lahat ng buwan - august! Ang month ko! Ang buwan ko! Alam nio kung baket?! Shempre, birthday ko na sa dadating na august 5. (august 1 na ngayon, may pagkakataon pa kayong mag-prepare ng regalo nio para saken. Tatanggap ako ng gifts, ipadaan nio via LBC pero mas gusto cash, ipadala nio sa Western Union. Hehehe) Happy birthday to me na! Bwahahahaha!
Pero, happy nga ba talaga?
august 4 na. Ano ba yan?! Birthday ko na bukas. Pestengyawang buhay to. Ano kayang magandang gawin bukas? Magpa-party? Hinde. Masyadong pambata yun. Magpainom?! Hinde den. Wala na kong tropa na papainumin. eh alanganamang kami ni Kate ang maginuman db? Parang malabo ata yun. Haaaaaaay, kung nandito lang sana si kambal, eh di sana di ako nagiisip ng ganito. Kung nandito lang sana si Ate Jen, ok na sana kagad yung birthday ko.
"Lalim ng iniisip naten ah." [/color] Wow naman, nandito si Kate. sabi sa inyo eh, welcome na welcome sha dito samen.
"Di naman." Magdeny ba?! Di bale, ok lang yan. Birthday ko naman bukas eh. hehehe.
"Ano balak mo bukas sa birthday mo?"] Huwaw! Alam nia na birthday ko bukas.
"Pano mo alam?"[/color] Pano nga kaya nia nalaman? A.Chinika ng mama ko? Or B.pilit na ipinahiwatig ng bulol kong kapatid?
"Sinabi saken ni Kulet."
"Akalain mong naintindihan mo si Kulet?" *tawa*
"Oo, medyo gets ko na language ng kapatid mo." Ang sarap naman nia tignang tumawa."Ano na nga balak mo bukas?"
Wala nga eh. Di na kase ko pede magpainom, la na tropa ko. La na den si Ate Jen kaya la ng magpplano ng birthday ko]
"May ate ka?"
"Oo, si Ate Jen. Kambal ko yun at kaya lang sha naging ate eh nauna siyang uluwal ni Mama by 2 seconds. Laking diperensya no? Pero wala na sya. Car accident, nitong March lang. Sabi lasing daw ung nakabangga kay ate."
"So-sorry.."]
"Sus, la un no. Past is past. Uhm, Ganito na lang, punta ka na lang dito, mga 6PM, dinner tayo kase sigurado ipagluluto naman ako ni mama eh. Ok lang ba?"[/color] What a bright idea. A birthday with Kate. Talino ko talaga.
"Tinatanong pa ba yan? Shempre naman pupunta ko no. Ikaw pa. Pero baka ma-late ako ng konti dahil itong magaling na James na to eh nagdedemand na naman ng meeting. Galing nia no? Di nauubusan ng pagmeemeetingan."*tawa*
"Pwede bang wag ka na lang magpunta?" James talaga oh. Walang kupas ang timing. Pwede bang kahit bukas lang eh patirahin ko muna sya sa Mars? Agaw eksena eh.
"Di pwede eh. Importante DAW. Pero promise, dadating ako
"Basta pumunta ka ha. Hihintayin kita. Chaka mag-ingat ka dun kay James ha. Loko-loko yun eh
"Opo birthday celebrant. Sige na, alisa na ko. Matulog ka na ha.. Araw mo bukas. Cge, gudnyt Wala bang gudnyt kiss? Hehehe.
"Sige, babye. Gudnyt love of my life. Love you."
Nginitian lang nia ko tapos umalis na sya. Ngitingngiti pa lang, ok na talaga ko eh. Pero shempre mas maganda kung magiging kame na db? Para pwede ko na shang hawakan sa kamay, tapos yakapin chaka halikan.. Tapos pwede ko na sya pakasalan, tapos lilipat kame sa bahay namen, tapos magkakaanak kame ng madaming madaming madami. Saya siguro nun no?
]Nangarap na naman ng gising
Hoy sawsaw bawal kontra ngayon. Birthday ko na bukas. Hay naku, mkatulog na nga. At least sigurado na kong magiging masaya na talaga yung birthday ko bukas. Kahit wala tropa ko, kahit wala si kambal, nanjan naman si Kate. Presensha pa lang nia eh isang malaking birthday gift na.
Ano kayang mangyayari bukas?
Good morning world! Its my birthday, im gonna party like its my birthday im gonna sip bacardy (tama ba spelling kO? ... ang matalinong author ;D) like its my birthday! Yaahoooooooooooooooooo! Birthday ko na, birthday ko na, BIRTHDAY KO NA!!!
Start the day right dapat! Toothbrush para fresh breath tapos goli para mabango tapos bihis ng maganda para gwapo! Nakanaman, ang gwapo ko talaga pwede na ko dun sa tv idol! Im the man! Hehehe. Bumaba na ko. Grand entrance to mga chong! Kumbaga eh red carpet with matching torotot on the side. Shempre ganun talaga dapat, birthday ko eh!
"Ma, pagluto mo ko. Pupunta si Kate dito mamaya."
"At bakit kita ipagluluto?"
"Birthday ko!"
"Eh ano naman?"
"Ma naman..."
"Hay naku Mark, eto, Happy birthday! Yan, masaya ka na?"
"Sige na, pagluto mo na ko."
"O ayan, pera, bumili ka ng iluluto mo tapos iluto mo kung gusto mo. Aalis kame ng papa mo mamaya. Bukas na lang tayo lumabas ha. Pero bawala ka umalis ngayon, iiwan ko sayo si Kulet."
And poof, wala na sha. Bakit ba mga tao samen may lahing koko crunch?! Tong nanay ko na to talaga oh. If i know bibili lang sila ni papa ng regalo para saken. Talaga tong parientes ko, di na nagbago ng style! Since birth ata ganun na style nila eh. Style bulok. Hehehe.
Pero mukang seryoso inay ko na di sha magluluto ah. Sige na nga, ako na lang kahit hinde ako marunong. Eh ano naman iluluto ko?!? Naman oh. Umorder na lang kaya ako? Kaso wala namang personal touch un. Isi Mark, isip...
Sinigang? Nilaga? Puchero? Pata? Chicken? Steak? Huwaw! Sasarap nun ah. Kaso alam ko bang lutuin yun?! HINDE! Anong malay ko sa pagluto nun?! Huhuhuhu. ALAM KO NA! Bibili na lang ako ng cookbook sa national bookstore tapos chaka ako magluluto! TAMA!
And off to national bookstore. Waaaah, ang daming tao! Ang haba ng pila! Pero ok lang, basta makabili ng kailangan. Tapos teka... anong mga ingredients ba ang kailangan? Ayan.. ayun... Bili na nga ako sa supermarket. Anak ng putakte naman talaga, box office hit ang pila! This cannot be, tanghali na, kailangan ko ng mailuto to.
At after 49 yrs, sa wakas, napagbentahan den akO! Makakauwi na ko sa wakas! Grabe, kapagod pero hindi ako pwedeng magpahinga, kailangan makapgluto na ko. Teka.. Step1.. blah blah blah blah... LEche, ang hirap naman neto pero basta kaya ko to!
"Kua.."
Naku naman kulet, hindi mo ba nakikitang busy-busyhan ang kuya mO?
"Kua mamam.."
Ilang taon na tong kapatid ko na to mamam pa den tawag sa tubig. Sus naman!
"Ikaw na kumuha."
And so, balik sa pagluluto.. Step two... etc etc etc etc.. Pano ba yun? Ah baka ganito... Hiwain ichop imix, lintek naman o. Basta alam ko ganito yan, eto dito, yoon dun, yan ganyan. Wow, bango. Infairness mukang masarap. Hahaha, mukang tagumpay ako ah!
Now its time to set the table. Shempre dapat may utensils... Plate spoon at fork for two. Baso at centerpeice. Ayan, bulaklak... Uhmm... sa rooftop ko na lang iseset to. In fairness may weight ang mesa at upuan. Araguy.. nirarayuma na ata ako, ang bigat. Hay, tapos tong mga utensils pa. Tapos -
"Kua, mamam"
"Ikaw na kumuha."
Roses! Leche, wala pa kong roses! san ako ngayon hahanap ng roses nian?! Dangwa? Ang layo pero may choice ba ko? Wala! Go Mark, kaya mo yan! Liparin mo ang Dangwa. Ganito lang yan eh... Kulet, ang bato! DARNO! Nyahahahah, Darno daw oh. Patawa! Para naman kaseng di ko birthday neto eh, ako ung naghahanda! Tama ba un? Di bale, ok lang yan! Labs ko naman si Kate eh.
So eto na ang roses. Kumpleto na ang lamesa, ang kulang na lang ay ang kakain! Shempre maliligo na ko ulet para naman magmuka akong tao db? San ka naman nakakita ng gusgusing birthday celebrant! At isa pa, turn off un kaya goli muna ko ulet.. Porma, gel, at pabango and tada! Tao na ko ulet! Hehehe.
6:00 na pala, may isang oras pa ko. Nood muna ko ng tv! Hahaha, ang saya saya, excited na ko! Ang saya siguro nitong birthday na to. Db? Birthday wid da lab op ur layp! San ka pa?!
30 mins...
1 hr...
Nasan na kaya si Kate? Baka binibilan ako ng regalo! Hehehe.
1hr 30 mins...
Baka nahirpang pumili..
1hr 45 mins..
Baka mahaba pila...
2hrs...
Baka traffic..
2hrs 30 mins..
NASAN NA BA SI KATE?! Dapat nandito na un ah.. Baka kung ano na nangyari sa kanya ah. Anong gagawin ko? San ko sya hahanapin? Pano kung naaksidente sya? O kaya napahamak? Anong gagawin ko?
*KNOCK KNOCK KNOCK*
Finally! Sabi na nga ba dadating si Kate eh. Sus, un pa iinjanin ako eh labs ako nun. Hehehe. Teka, gwapo na ba ko? Hinde, ang tanong eh kelan ba naging hinde?! Nyahahaha.
"Hi - "
"Happy birthday pinsan!." JANE??? Ano naman daw ginagawa neto dito? Surprise visit? Kala ko ba galet kame?
"Mukang di ka pa sinisipot ng pinakamamahal mong si Kate ah.." Pano... Pano nia alam? "Stop wondering pinsan, she's out there flirting with someone else.. What's new anyway? That b!tch flirts with anyone..."
"Pwede ba Jane tigilan mo ko?!"
"Uuuuuuy, napipikon. Alam mo ever dearest cousin, concerned lang naman ako sayo.. And to prove na tama ako, i'll tell you where she is. Kate is in the park... Nasasayo na un kung pupuntahan mo sya. Happy birthday ulet! Enjoy..."
PARK??? MAY KASAMA??? SINO??? Tumakbo ko palabas papunta ng park. Pero bakit ba ko tumatakbo papunta dun? Eh nangako naman saken si Kte na pupunta sya sa bahay ah. Hindi pwedeng may kasamang iba si Kate. Nangako sya saken na magdidinner kame... Pero pano nalaman ni Jane na may kasama sya kung di nia nakita?! Hindi talaga pwedeng mangyari un eh, birthday ko.. Hindi pwede yun.. Nangako sya.. Sabi nia pupunta sya.. Kaya imposible talaga na may ka.... sa..... ma.... sya –
Pls sabihin niong hindi totoo tong nakikita ko. Pls sabihin niong joke lang to, victim, yari ka, wow mali! Na illusyon lang tong nakikita ko.. Na bangungot lang! Pls gisingin nio na ko. P*tang ina, parang awa nio na sabihin nio saken na hindi totoo na sa gitna ng park at sa gitna ng mga naglalaglagang dahon sa puno, nandun nakatayo si Kate at James - magkayakap.
PUTANG INA TALAGA.
Panong nangyari to?! Db galit si Kate kay James?! Db?! Bakit magkayakap sila ngayon?! Bakit ang higpit higpit ng yakap ni Kate kay James?! Bakit sya umiiyak?! Bakit?! Bakit ganito?! Bakit nangyayati to?! Ano ba to?!
Eto na naman. Eto na naman ung hindi magandang pakiramdam sa dibdib.. Eto na naman ung pakiramdam na para kang pinapatay sa loob, ung pakiramdam na ang bigat, ung pakiramdam na parang gusto mo ng sumabog sa sobrang saket..
Wala akong ibang magawa kungdi ang tumayo dun at tignan sila. Parang nakadikit ung paa ko sa lupa. Hindi ako makagalaw kahit gustong gusto ko ng umalis dun sa kinatatayuan ko. Dahil ayoko ng makita to. Hindi na ko na kaya. Parang sasabog na talaga yung dibdib ko.
"M-M-Mark?" Nakita ko ni Kate. Umalis sya sa yakap ni James at tumitig saken. Yung mga luha sa mata nia dahan dahang namumuo.
"M-Mark.." Sobrang hina ng boses nia. Halos hindi ko na sya marinig.
"Pare..."
Anong pinapare-pare nitong isa na to?! Pare?! Anong klaseng pare yun!? P*TANG INA NIA MAMATAY NA SYA!
Lumakad na ko palayo, pabilis ng pabilis ung lakad ko. P*tang ina talaga, ang saket saket. Tagos na tagos sa puso ko.
"Mark sandali!"
Humabol saken si Kate, hinawakan ako sa braso. Kahit ganun yung nakita ko, hindi ko pa den magawang magalit sa kanya kaya ano pa nga bang gagawin ko? Eh di huminto.
"Mark, pls makinig ka muna saken.. Pls parang awa mo na... Mark.." Umiiyak na naman sya. Nadudurog na naman ung puso ko.
"Kate, ano pa bang papakinggan ko? Hindi pa ba sapat ung nakita ko para malaman ko at tumatak sa utak ko na kayo na ni James? Hindi pa ba ebidensha yun na sya ung mahal mo?!"
"Hinde Mark-"
"HINDI GANUN UN?! Tang na naman Kate, wag mo kong gawing tanga!"
"Hindi kita ginagawang tanga Mark!"
"Nangako ka na pupunta ka sa bahay, nangako ka na kakain tayo, nangako ka na pupunta ka dahil birthday ko! Birthday ko Kate!"
"Mark.. Sorry talaga... Pls-"
"Pls wag akong magalit sayo?! Yun na nga ung problema eh, HINDI KO KAYANG MAGALIT SAYO DAHIL MAHAL NA MAHAL KITA!"
Tumulo na ung luha ko sa sobrang sakit, sa sobrang bigat nung sitwasyon. Akalain niong isang babae lang ang magpapaiyak saken?! Akalain niong iiyak ang isang Mark Eillor Vista eh iiyak sa harap ng babae?!
"Mark.."
Umiiyak na naman sya - humihikbi. Pero sa pagkakataon na to, wala na kong magagawa. Pano kong makakapagpatahan kung ako mismo eh umiiyak?! Pano ko syang patitigilin kung ako mismo eh hindi na makapagsalita?!
Dahan dahan syang lumapit saken. Niyakap nia ko ng mahigpit. Mahigpit na mahigpit. Parang gusto ko ng umiyak ng umiyak nun. Umiyak ng may kasamang hikbi. Umiyak at ilabas lahat ng sama ng loob ko. Pero for some reasons, hindi ko magawa. Tahimik lang na tumutulo ung luha ko habang ung puso ko, sumisigaw na at nagwawala. Iyak pa den ng iyak si Kate. At habang yakap nia ko eh nagsasalita sya. Sorry sya ng sorry.. Walang katapusang sorry..
Kumawala ako sa yakap nia. Masyado ng masakit. Hindi ko na kaya. Pinunas ko ung luha ko sa manggas ng tshirt ko at pinilit kong kalmahin ung sarili ko.
"Kate tama na. Hindi mo ko kailangang yakapin. Hindi ko kailangan ng consolation prize. Hindi mo kailangang magsorry saken. Hindi mo naman ako boyfriend db? Wala akong karapatan sayo kaya wala den akong karapatan na pagbawalan ka. Wala kang kasalanan saken. Siguro kung meron man eh un ung hindi mo pagpunta sa birthday ko. Yun lang. Hindi mo kasalanan kung hindi mo ko kayang mahalin."
Tumalikod na ko at naglakad papalayo.
"Mark, hindi sa - hindi - kita kayang ma-mahalin.. Hindi yun ung dahilan.. Pls makinig ka muna.."
Tumigil ako sa paglalakad pero hindi ko sya nilingon.. Dahil baka lumuhod lang ako sa harap nia at magmakaawang mahalin nia ko..
"May - dahilan Mark... May dahilan ung nakita mo.. Kaya kame magkayakap dahil.. dahil sya si - sya si Siege.."
ANO?
AnO?! Si James si Siege? Db patay na si Siege? Panong naging si James si Siege? Imposibleng maging iisang tao lang sila! Imposible! Imposibleng Imposible! Unang una, tropa na kame ni James simula noon pa.. Hindi.. Hindi talaga pwedeng mangyari yun.. Hindi talaga..
Imposible yang sinasabi mo Kate
"Makinig ka naman muna Mark.. Please.."
Hindi ko kayang hindian si Kate. Kahit alam kong masasaktan lang ako sa maririning ko, alam kong pakikinggan ko pa den sya. Hinatak ko sya papunta sa bahay. Papunta dun sa rooftop.. Papunta dun sa hinanda ko.. Para kahit paano, makita naman nia yung pinaghirapan ko..
M-Mark.. Ikaw ang.. Nag-ayos nit]
Oo. Para sana maiba naman. Sige na, umupo ka na jan, wala na naman akong magagawa eh. Nasayang na ung pinaghirapan ko. Sige na. Magsalita ka. Ipaliwanag mo
Umupo siya, tapos umupo na din ako.
Sige na, sabihin mo na kung pano sila naging isa]
"Hindi... hindi ko den alam
"HINDI MO ALAM?! Panong hindi mo alam eh ikaw yung nagsabi saken na si James ay si Siege?!!"[/color] Hindi ko napigilang sumigaw.. Pano niyang nagawang maniwala kung hindi naman pala nia alam?!!
Hindi ko alam.." Umiiyak na naman sia.."Basta ang - sabi nia - sia si Siege. Pa-patay na d-ddaw si James
ANO?! PATAY NA SI JAMES?! P*tang ina naman.. Panong nangyari yun Kate?
]"HINDI KO ALAM! Hindi ko alam Mark.. Hindi ko alam.. Ang alam ko lang ngayon.. buhay si Siege.. Buhay sia.. Nandito sya
Bigla syang tumahimik - nakaupo lang dun, nakatakip ung mga kamay nia sa muka nia.. Umiiyak. Hindi ko sya magawang tignan. Hindi ko sia magawang titigan. Masyadong masakit. Hindi ko kaya.
Ano ba namang birthday to?! Akala ko magiging masaya ko ngayon.. Kala ko makakasama ko si Kate - kakain kameng dalawa, magkkwentuhan, magtatawanan.. Akala ko magiging memorable tong birthday ko na to.. Sa bagay, memorabale nga naman.. Panong hindi magiging memorable to!? Akalain niong nabuhay ang patay at namatay ung buhay? Nawalan na nga ako ng bestfriend, nawala pa pati ung babaeng mahal ko. Yung PINAKAmahal ko!
Ang ganda ng birthday gift nio saken Lord.. SA SOBRANG GANDA GUSTO KO NG MAGPAKAMATAY! Tangna, ang ganda nio den magbiro eh no?! Hayup den sa timing! Sa dinami-dami ng araw.. Sa dinami-dami ng okasyon.. Ngayon pa. Ngayon nio pa babawiin saken si Kate.. Di bale, kahit kelan naman hindi sya talaga naging saken eh. Kahit kelan HINDI NIO SIA BINIGAY SAKEN!!!
"Mark.. Galet - galet ka ba saken?"
"Hindi."
"Mark.. tignan mo naman ako o.."
"Hindi ko kaya Kate. Hindi ko kayang tignan ka.. Hindi ko na kayang makita ka.. Sige na Kate, umalis ka na. Puntahan mo na sya. Kung sino man sya talaga. Hinihintay ka na nia."
"Pero -
P*UTANG INA PLS LANG KATE UMALIS KA NA! Hindi mo ba naiintindihan an nasasaktan ako?! Hindi mo ba kayang intindihin yun?!"
"Mark.. Sorry.. Sorry.. Sorry.."[/color] Paulit-ulit syang nag-sosorry. Sorry lang sya ng sorry.. Iyak siya ng iyak. Pero kahit anong sorry nia, o ng kahit na sino, hindi naman mawawala yung saket na nararamdaman ko eh. Para kong mamamatay.. Parang dinudurog yung puso ko.. Masaket talaga. Sa sobrang sakit, hindi ko na mapigilan ung luha na tumulo. Kahit ayaw ko, kahit pigilan ko, tumutulo pa den sila.. Ganun kasaket.
"Pls Kate, umalis ka na.. Wag ka mag-alala, bukas ok na ko. Cge na, puntahan mo na sya.. Madami pa kayong kailangang pag-usapan.
Lumapit sya saken, may inabot na tape.
"Happy birthday Mark. Sorry - sorry talaga.."
Umalis na nga sia, habang ako naiwan dun, nakaupo. Tahimik na umiiyak. Nakatitig sa kanya habang papalayo sya ng papalayo.
Siguro nga hindi sya para saken. Siguro nga, ginawa siya ng Diyos para kay Siege. Kay Siege at kay Siege lang. Pero, bakit kailangang pa kasing makilala ko sya kung hindi din naman pala sya para saken? Baket kailangan pang mag krus yung mga landas namen kung maghihiwalay den kame ng pipiliing daan?
Bakit ko pa kase sya kailangang mahalin kung kakailanganin ko din pala siyang pakawalan?
Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa. Gusto kong isigaw sa buong mundo na nasasaktan ako.. Gusto kong
ipagsigawan yung nararamdaman ko.. Pero hindi ko magawa. Eto lang ako, nakaupo sa isang sulok ng kwarto ko, may hawak na beer, tuliro.. tulala.. Tahimik na umiiyak.
Wala na sia. Wala na yung babaeng nagapangiti saken, nagpapatawa, nangaasar, nangugngulit.. Yung batang iyakin na lagi kong pinapatahan.. Yung batang ginagawang unan ung balikat ko.. Yung babaeng nagpabago saken.. Sa buhay ko.. Wala na siya. Wala na si Kate. At wala na den akong magagawa.
Bakit ba kase ganun?! Bakit pa ba ko nahulog sa kanya?! Bakit sa kanya pa?! Bakit pa dun sa may iba ng mahal?! Eto namang si Lord, pasaway. Alam naman niyang magkakaganito db? Bakit hindi nia pinigilan ung puso ko na mahulog?! Bakit kailangan pang umabot sa ganito na akala ko magiging ok na lahat.. Na magiging kame.. Na mamahalin den nia ko.. Bakit kailangan pa nia kong paasahin?!
Ganito ba talaga kasakit magmahal?! Ganito ba talaga na parang inasinang singaw ung puso ko?! Na parang dinudurog?! Na parang donut na may malaking butas sa gitna?! Na parang may nakataling truck sa puso ko sa sobrang bigat ng pakiramdam? Na parang hindi mo na ulet magagawang tumawa o ngumiti man lang? Ganito ba talaga tong lecheng pagmamahal na to?!
"Hi Mark! Hulaan mo kung sino to.."
Sino pa? Eh di si Kate. Tong babae na to talaga oh.. Ang dami ding pakulo sa buhay.. Wala nga lang originality.. Gayahin ang style ko?
]"Uuuuuuy, kinikilig sya. Naririnig nia ung boses ko... Hehehehe.."
Ang saket pero hindi ko den mapigilang mapangiti..
"Kakantahan kita ng happy birthday ah! Pero walang sisihan pag umulan... Ehem Ehem.. Happy birthday to you.... Happy birthday to you.. Happy birthday happy birthday, happy birthday to youuuuuuuuuuuu! Yey... Ang galing galing ko no? Oo ka na lang. Hehehe.."
Oo na, sige na, malakas ka saken eh.
"Uhm.. thank you po sa lahat ah.. Kase hindi mo ko iniiwan kahit lagi akong umiiyak. Yaan mo, hindi na ko iiyak para wag ka na mahirapang magpatahan saken.. Thank you sa pagpapatawa mo saken, sa mga breakfast, sa mga stuffed toys, sa mga roses.. At chempre, sa mga harana mo saken.. Thanks for making me feel special ah.. Sobrang saya ko nga kase nakakilala ako ng isang gwapo, cute, mabait, maqulet, thoughtful, sweet, at malambing na Mark. San ka pa? Uuuuuuuy, nagbblush sya. Hehehehe... Seriously, i could not ask for more. I love you love of my life.. Happy birthday! MUAH!"
I could not ask for more?
Sana pala hindi ko na lang pinakinggan to.. Lalo lang akong nasasaktan eh.. Parang lalo pang ipinagdiinan na wala na siya saken.. Kahit napapangiti ako, nandun pa den ung saket. Yung p*tang inang saket na hindi maalis sa puso ko.
I love you love of my life?
Sana nga
Nagpunta ko sa court para mahimasmasan. Baka sakaling malaglag ung saket habang tumatakbo ko ng pabalikbalik sa court. Lahat ng galit at saket, dito ko ibubuhos. Lahat ng emosyon. Lahat ng nararamdaman ko. Konting dribble, konting takbo, konting shoot. Yun lang naman ang katapat neto eh. Basketball. Pag may problema ka at di makuha ng alak, daanin sa basketball. Motto ni James. Malay mo, gumana.
"Pare.."
Nice. Si Ja - Siege.
"Pwede ba tayong magusap?"
Binato ko sa kanya ung bola. "Basketball na lang tayo."
Dnribble nia yung bola. Inagaw ko. "Sino ka ba talaga?"
"Ako si Siege."
"Siege? Nice one pre. Sige nga, pano kang naging si Siege?"
Inagaw nia yung bola, sabay shoot. "Kakambal ko si James."
Kinuha ko ung bola, dnribble. Tinitigan ko sya. Kakambal nia si James? Lokohin nia lelang nia.
"Siya ung nasa koche. Siya ung namatay."
"Kung ikaw si Siege, bakit hindi ka kagad nagpakita?" Shoot.
"Nagkaron ako ng short-term amnesia." Steal.
"At ngayon mo lang naalala?"
"Oo." Nakashoot sya ulet.
"Mahal na mahal ka nia, alam mo ba yun? At masyado na syang nasaktan ng dahil sayo."
Bola ko na.
"Kaya kung ako sayo, hindi ko na siya pakakawalan. Aalagan ko sya. Mamahalin ko sya."
Pivot.
"Wag na wag mo siyang paiiyakin pre.."
Isang ikot.
"Dahil pag ginawa mo yun, tandaan mo, babawiin ko sya sayo."
Pasok. 3 pts...[/b]
Kahit anong gawen ko, hindi ko pa rin macomprehend yung pinaliwanag saken nung “tao” na yun. Sya daw si Siege. Pero hindi pwede. Walang kakambal si James. WALA! Kung meron, eh di sana alam ko.. Eh since birth nga magkaibigan na kame db? At isa pa, ano ung pinagsasasabi niang amnesia?! Amnesia amnesia.. If I know, nagaamnesia-amnesiahan lang yun. Na-overdose siguro un sa telenobela.
Oo. At ikaw, malapit ng ma-overdose sa alak. Langya, isang lingo bang gawing tubig ang beer.
Ah leche. Kontra ka. Tong beer na nga lang kakampi ko eh, tapos ipagbabawal mo pa. Naman, panong hindi ako iinom?! Sobrang sakit eh. Ikaw ba naman, araw-araw mong makita ung babaeng mahal mo na kasama nung lecheng ewan na un na laging magkasama, magkaholding hands, sobrang saya at halos papakin na ng langgam sa sobrang sweet, hindi ka ba maglalasing?! Hindi mo ba hihilingin na sana, hindi ka nalang ipinanganak?! O kaya sana, bigla ka na lang pumutok na parang bula para pati ung sakit na nararamdaman mo eh pumutok na den?! Tangna, kung alam nio lang kung anong nararamdaman ko ngayon..
“Mark..?”
Haaay.. tignan nio, sa sobrang miss ko na si Kate, naririnig ko na ung boses nia. At take note, tinatawag ako. Nice one Mark. Sige, maghallucinate ka.. Isipin mong sa gitna ng paglalasing mo eh pupuntahan ka ni Kate.
“M-M-Mark? Pwede bang pumasok?”
And look, the magical voice is asking for permission to enter my room! Nax naman, marunong naman pala kong mag-english pag lasing eh. Pumasok kaya ako ng English ng lasing? Baka sakling maka-uno pa ko.
“Mark? Papasok na ko ah.”
Aba, at papasok na daw sya. Tignan ko nga kung bubukas ung pinto. Open Se… sa…. KATE?!
“Mark… Mark, anong.. anong ngyari sayo?”
Tangna. Si Kate nga. Pero.. Anong ginagawa nia dito? Baket.. Baket sya nandito? Ano –
“Mark…”
Tumakbo sya papalapit saken.
“Kate…”
“Mark.. Ano bang ginagawa mo sa sarili mo? Ilang araw ka ng absent. Ilang araw ka nang pumapasok ng lasing.. Ano bang nangyayari sayo?”
Nangyayari saken? Hindi ba obvious kung anong ngyayari saken?
“Kate, nasasaktan ako. Tama na. Pinipilit na kitang kalimutan kaya sana wag mo na kong pahirapan. Nasasaktan ako pag nakikita ko kayong magkasama. Nasasaktan ako pag nakikita ko kayong masaya. Hindi ko alam kung bakit.. Db un naman ung gusto kong mangyari? Yung sumaya ka? Pero twing nakikita kitang nakangiti at nakatawa ng dahil sa kanya.. Kate, masaket.”
“Pero Mark – “
“Tama na Kate. Maawa ka naman saken oh.. Pls, kahit ngayon lang, maawa ka naman saken..”
Hindi ko na napigilan. Napaiyak na den ako. Lumabas na lahat nung nararamdaman ko. Lahat nung bigat, galet, saket. Lahat nung emosyon na kinimkim ko ng isang lingo, bumuhos. Hindi ko na talaga kaya eh.. Hindi na. Sobra na.
“Mark..”
“Pls lang Kate, iwasan mo na ko. Wag ka ng magpapakita saken..”
“Hinde. Ayoko. Gusto ko magkaibigan pa den tayo.”
Hinawakan ko sya sa balikat at tinitigan sa mata – sa mga mata niyang umiiyak.
“Ano bang gusto mo Kate? Gusto mo ba na umarte ako na parang walang nangyari?! Kumilos ako na parang hindi ko kayo nakikita?! O gusto mong umarte ako na hindi naaapektuhan?! KATE HINDI KO KAYA!”
“Mark, ang gusto ko lang naman kase – yung – yung bumalik tayo sa dati. Maging ok tayo ulet. Gusto ko – pumasok ka. Wag ka – wag ka ng maglasing. Maging masaya ka.”
“Masaya? Kate, pano kong magiging masaya? SABIHIN MO NGA SAKEN, PANO KO MAGIGING MASAYA?!”
Parang sinasaksak ng paulit ulit ung puso ko. Kahit anong gawin ko, hindi ko talaga siya kayang makitang malungkot. Mas kaya kong makita na masaya sya kahit hindi ako yung kasama nia kesa sa ganito.. Umiiyak siya, nahihirapan.
Niyakap ko sya ng mahigpit.
“Shhhhh.. Tama na Kate.. Tama na. Hindi ko sinasadya. Hindi ako galet sayo… Shhhh.. Sige na, bati na tayo. Bati na den kame ni Siege. Hindi na ko iinom. Papasok na ko. Hindi na kita iiwasan. Sige na, tahan na, bati na tayo..”
Hindi ko alam kung ilang minuto kaming ganun – nasa sulok ng kwarto, nakaupo sa sahig. Yakap ko sya. Pinapatahan.
Hanggang kelan kaya kame ganito? Hanggang kelan ko kaya sya yayakapin sa tuwing umiiyak siya? Saken ba walang yayakap at magpapatahan? Hanggang kelan ko kaya kakailanganing magkunwaring kaya ko kahit sa totoo lang, gusto ko ng mamatay? Hanggang kelan ko kaya pipiliting ngumiti kahit gusto ko ng umiyak? Hanggang kelan ko kaya sasaktan ung sarili ko para sa kanya?
Siguro habang buhay.. Habang tumitibok pa ang puso ko..
Tinupad ko yung pangako ko kay Kate. Hindi na ko umiinom chaka pumapasok na ko. Kulang na nga lang lagyan ako ng halo sa ulo sa sobrang bait ko eh. Grabe, sudden change of image talaga. From sira-ulo to di makabasag pinggan. Pero kahit ganun, mahirap pa den. Ang dami kong na-miss na lectures, assignments at quizzes. Ang linis tuloy ng record ko sa mga prof ko. Sa sobrang linis eh wala ng macompute. Ang malala pa eh malapit na kong ma-F.A. sa mga subjects ko. Pano naman akong susurive ng first sem nito?! Amf talaga oh.
Ang pinakamahirap sa lahat eh un pa ding dati kong kalbaryo. Si kate at si “Siege” with all the sweetness in the world. Yun na siguro ung di ko matatakasan. Siguro nga kailangan ko na lang harapin un. Wala naman akong magagawa eh. Ang malupit pa pala nito eh kung kumilos sila, parang wala talagang nangyari. Lalo na yang "Siege" na yan! Tangna, machempuhan ko lang talaga yan ng hindi nia kasama si Kate, he's dead men, He's dead. Akalain nio ba namang manadya?! Grabe kung pumulupot kay Kate pag nanjan ako. Prang nanglilingkis ampucha! Tapos may pa-pare pare effect pa siya. Nag-aaya sa gimik at sa kung saan saan. Shempre hindi ako makatanggi db? Isang sulyap lang ni Kate eh wala na, lusaw na ko. Di na ko makapengal. Kaya nga sa basketball ko na lang siya binabawian eh. Aya aya ka pa ng basketball ah.. Tangina mo ka, eto sayo, PALPAL!! Kung di ka ba naman talaga mawawalan ng simpacha sa kapwa mo tao. Provoking eh! Sobra!
Ang mabuti na nga lang na naidulot nito eh nag-kaayos na kame ng tropa ko kase, gaya ko, hindi din sila naniniwala sa pakulo ni “Siege”. Magkakadugtong na ung mga bituka namen kaya kilala namen ung isa’t isa. Kakambal ah?! Kung nandito lang sana si tita Anna (Mommy ni James), eh di sana, natanong na namen. Kung baket ba kase lagi na lang wala ung mga taong kailangan mo eh. Humanda yang "Siege" na yan, dumating lang talaga si tita Anna and the show's over.
Hay naku, sila na lang talaga ung naaasahan ko ngayon. Sa tuwing nanjan si Kate at “Siege”, sila ung nagpapalamig nung sitwasyon. Kung hindi nagpapatawa eh hahatakin nila ko palayo. Nakakatouch nga eh. Ang thoughtful pala ng tropa ko at nag-aalala sila saken.
Ganun na nga lang ung ngyari sa buhay ko. Straight line talaga. Kung ano ung ginagawa ko ngayon, ganun din kinabukasan. Nakakasawa na nga eh. Nakakasawa na yung para kong binabaril sa puso sa twing makikita ko sila. Nakakasawa na ung wala akong magawa dahil sa ayaw kong masakta si Kate. Tangna, paulit-ulit na lang ung nangyayari eh. Masasaktan ako ng dahil sa kanya, iiyak siya, yayakapin ko sya at papatahanin tapos lahat ng pwede kong isakripisyo, isasakripisyo ko. Pati nga sarili kong kaligayahan tinatapon ko na para sa kanya eh. Ganun ba talaga pag nagmamahal ka?!
Dahil kung ganun, ayoko ng magmahal pa...
Mabilis na lumipas ang isang linggo ng buhay kong tinutungo at binabagtas pa den ang straight line to kalungkutan. Pero kahit pano, nasanay naman na ko sa mga nakikita ko. Ikaw ba naman eh, araw araw mong makita un, di ka ba maiimyun?! Pero kahit ung mata ko sanay na, ung puso ko, hinde pa den. Lagi pa ding apektado. Lagi pa ding nasasaktan. Hay Lord, bat mo ba ko ginaganito?!
Kaya ngayong weekend eh napagdesisyunan kong magpakasaya naman kahit pano. Eh langya, talo ko pa ung mga nagpepenitensya twing mahal na araw. Chaka at least sila eh pisikal lang ung kasadistahan, eh saken tagos hanggang puso. Hindi naman siguro masama kung kahit paminsan-minsan eh sumaya ko db?
Kaya nagbasketball ako nung hapon. Shoot dito, dribble don. Bawat talbog ng bola may kasamang galit at saket. Binuhos ko sa basketball lahat ng depresyon at frustrations ko sa buhay. Lahat ng sama ko ng loob.
Shoot. 3points na naman.
"Mark!"
Sh!t. Kilala ko yung boses na un ah. Langya ka naman talaga Lord. Nahahawa ka na ba kay "Siege" na nananadya?! Alam nio na ngang ang goal ko ngayong araw eh lumimot at magpakasaya eh, tapos papapuntahin nio dito ung cause ng lahat ng saket na nararamdaman ko! Ampucha, kung di lang talaga All-mighty Alpha and Omega yang si Lord eh minura-mura ko na siya at hinamon ng square. Master nia ung Art of timing eh! Grabe!
"O Kate?" *Pilit na ngiti* "Kanina ka pa ba jan?"
"Oo. Pinapanood nga kita eh. Galing ah, walang sablay."
Napatitig ako sa kanya. Ang ganda nia ngayon. Tapos ung ngiti nia iba. Parang ang saya saya. Yung mata den nia iba. Kung dati kumikislap un dahil sa mga luha, ngayon dahil na sa saya. Ang saya-saya nia tignan pero.... Pero parang may mali pa den. Ewan ba. Nag-hahallucinate lang siguro ko. Hay, dapat nga siguro eh isaksak ko na sa utak ko na mas masaya siya pag kasama nia si Siege. Na si Siege lang ung makakpagpasaya sa kanya. Hindi ako o kung sino pa man. Si Siege lang at wala ng iba pa.
"Huy Mark nakikinig ka ba?"
"Ah. Oo. Ano nga palang ginagawa mo dito?"
"Ha? Ah... Iniintay ko si.. si..."
"Si Siege."
Tumango lang siya tapos yumuko. Hindi siya makatingin saken. HIndi ko alam kung baket. Siguro kase nahihiya siya saken. O baka naaawa. Ewan ko. Hindi ko alam.
Hinawakan ko ung kamay nia at tinignan sa mata.
Aray ko, ang saket. Sapul na naman ako.
"Kate, alam mo ayos lang naman ako eh. Kahit banggitin mo siya ok lang. Siya naman yung boyfriend mo db? Chaka basta masaya ung love of my life ko, masaya na den ako." Habang nagsasalita ako, nararamdaman kong umaakyat ung saket - galing sa puso ko papunta sa mga mata ko. Pinilit kong ngumiti at pigilan ung mga luhang nagtatangkang pumatak galing sa mata ko.
"Thank you Mark ha."
"Sus, wala un. Malakas ka saken eh. Anong oras ba usapan nio?"
"3:00. Hindi mo ba siya nakita?"
Ampucha, 3:00?! Eh mag-aalasais na ah! Mag-tatatlong oras ng naghihintay si Kate dito! Tangna ka talaga "Siege". Isa kang malaking g*ago! G*ago ka talga! G*AGO!
"HIndi eh. Alam mo, kain na lang muna tayo sa ministop.. Wag ka mag-alala, libre ko."
"Wag na, baka kase dumating siya eh."
"Txt mo na lang sia.."
"Patay nga ung cel nia eh. Kanina ko pa kase siya tinatawagan"
"Basta ako ng bahala."
Hinatak ko na siya papuntang ministop habang sa isip ko minumura-mura ko na si "Siege". Tama bang pag-antayin ng ganun katagal si Kate?! Kung di mo ba naman talaga mabibigwasan eh! Nakakgigil talaga!
Dumating na kame sa minstop tapos umorder na ko ng pagkain namen - siopao at iced milo. Tapos bumalik na ko sa table namen ni Kate. Ang tahimik nia. Hindi siya nagsasalita kaya sinamantala ko na muna ung pagkakataon na magtxt Tinxt ko si Jay, ung tropa ko.
Jay, pkihnp nmn si Jmes. Tngna, knina pa inaanty ni K8 eh.
Pagkasend ko nung message eh kinausap ko na ulet si Kate. Hindi ko alam kung baket, basta lumabas na lang sa bibig ko ung tatlong salita na yun.
"Masaya ka ba?"
Hindi siya kagad nakasagot. Hindi ko alam kung nag-iisip siya o kung ano pa man.
"Sa totoo lang naguguluhan ako. Kase.. Kase ilang ulet na nia ginawa to eh. Yung kung hindi siya sobrang late, hindi siya dadating sa usapan namen."Nagbuntong hininga siya. "Nagagalit ako sa kanya pag ginagawa nia yun pero pag kasama ko na sia.... Lahat ng galit nawawala. Napapalitan ng saya. Masaya ko na buhay siya, na kasama ko siya. Na mahal pa den nia ko. Mahal na mahal ko kase siya eh. Masaya ko pag kasama ko siya kahit minsan.. kahit minsan parang hindi na siya ung dating Siege na kilala ko. Iba ung kilos nia pero pag naiiisip ko na nandito na siya at hindi na mawawala pa ulet, sumasaya ko. Basta kasama ko siya, sumasaya ko."
Nice one. Isampal-sampal ba sa pagmumuka ko na mahal na mahal niya ung ungas na un!? Hay puso ko, buhay ka pa ba?! Kaya mo pa bang tumibok?! Ampucha, akalain mong may mas masaket pa pala sa pinakamasaket?!
"Matagal lang kase kayong hindi nagkasama kaya ganun.. Wag mo na isipin un, babalik den kayo sa dati."
Aray naman talaga. Kung nakakapgsalita lang siguro ung puso ko eh inulan na ko ng mura. Inulan na ko ng "tama na, masyado ng masaket, hindi ko na kaya! Pwede bang tigilan mo na yang katangahan mo?! May mahal na siyang iba, hindi mo ba nakikita yun?!"
Ang talino ko naman kase eh. Imbis na umiwas, etoh, inaya ko pa siyang kumain. Bobo bobo mo talaga Mark! Wala kang kasing bobo! BOBO!!!
"Mark. thank you talaga ah.."
"Sus, sinabi na ngang wala un eh.."
Tutut. tutut.
Tol, nakita ko si James ppuntang ministop. My ksmng chekas.
May kasamang babae?!! Eh p*tang ina pala nia eh! Anong babae?! Kanina pa siya hinihintay ni Kate tapos may kasama pala siyang ibang babae?! G*go ba siya!? Eh kung binabasag ko kaya ung pagmumuka niya?! Hindi ba niya inisip ung mararamdaman ni Kate pag nakita niang may kasama siyang iba?! At sh!t naman, papuntang ministop?!
ANONG GAGAWIN KO?!
Nag-paalam ako kay Kate sandali tapos lumabas ako kagad para tignan kung totoo ung sinasabi ni Jay. Bahala na si Batman kung anong makita ko. Bahala na Diyos kung anong magawa ko sa kanya pag nakita ko siyang may kasamang iba.
Nasan na ba ung g*gong un?!
Ayun. At p*tang ina, may kasama ngang babae. Nakaakbay pa. Ampucha naman tong babaeng to, damet pa bang matatawag ung suot nia!? Langya, dinaig pa nia costume ni darna eh! Sige nga, matatawag pa bang damit yun?! Retaso na tawag dun no!
At tong hayup naman na to, parenti-prenti lang. Paakbay-akbay dun sa babaeng sus maryanong garapon ang ichura.
"Siege."
Lumingon siya, nagulat at nag-panic na tanggalin ung kamay nia dun sa kasama nia.
"Oh pre."
"Wag mo kong pinapare-pare. Hindi kita pare. Alam mo bang may usapan kayo ni Kate ngayon ha?!"
"Nakalimutan ko eh."
Nang-jojoke ba siya?! Tatlong oras niyang pinaghintay si Kate. TATLO! Tapos etoh siya ngayon makikita kong may kasama at sasabihin nia sakeng nakalimutan nia! Wag niyang sabihin sakeng nagka-amnesia na naman siya noh! Baka gusto niyang gilitan ko siya ng leeg!
"Ahhhh, nakalimutan mo.. Nakalimutan mo kaya hindi mo man lang siya tinext at tapos may kasama ka pang babae."
"Ano bang pakialam mo? Girlfriend mo ba siya ha?!"
G*go pala tong isa na to eh! Naghahanap ba to ng gulo ah?! Baka naman gusto mong iumpog ko yang ulo mo sa pader! O kya para mas masaya, pag-uumpugin ko na lang ung ulo nila nitong babae niya. Ganda nun, head-on collision! BAGUM!
"Hinde. Pero kaibigan ko siya."
"Talaga lang ah. Nasan ba siya?"
"Nasa loob. Kaya wag na wag kang magpapakita sa kanya na may kasamang iba."
"Siya siya, iyo na yang chicks ko. Pupuntahan ko na si Kate."
Espirito ng pag-pipigil at pasensya, parang awa mo na, sapian mo ko. Konting konti na lang, bibinggo na saken to! Konting konti na lang talaga.
Tumalikod na siya pero hinawakan ko siya sa balikat.
"Wag na wag mo ng uulitin to James - "
"Hindi ako si James."
"Wala akong pakialam kung sino ka. Ang gusto ko, magkaliwanagan tayong dalawa. Wag na wag mo na tong uulitin at mas lalong wag na wag kang magpapahuli saken kung hindi - "
"Babawiin mo saken si Kate?! Asa ka Mark. Asa."
BGSHK
Hindi ko na napigilan yung sarili ko. Nasapak ko na siya. Bahala siya kung magsumbong siya kay Kate. Bahala siya sa kung ano man yung gusto niang gawin basta ang alam ko, galit ako. Tangna niya, sumosobra na siya eh. Wag niyang ipamuka saken na sila ngayon ni Kate dahil naging sila lang naman dahil nagkunwari siyang siya si Siege. At wag na wag niyang sasabihin saken na siya talaga ung Siege na mahal ni Kate dahil p*tang ina, halatang halatang pakulo lang nia to. Lokohin nia lelang niang panot!
Tumayo siya tapos kinwelyuhan niya ko. Tinanggal ko ung kamay nia saken. Ayokong mahawaan ng virus niya noh.
"Palalampasin ko to ngayon MArk pero sa susunod na gawin mo yun - "
"Ano?! Anong gagawin mo?! Sasapakin mo den ako?! Ikaw ang magtanda dahil alam kong hindi ikaw si Siege. Ikaw ang umayos dahil sa oras na ulitin mo pa yang kalokohan mo at sa oras na gaguhin mo si Kate, hindi lang yan ang aabutin mo."
Pumasok na ko sa loob para balikan si Kate na automatic na ngumiti nung nakita nia si Siege sa likod ko. Yung g*go naman kung kumilos eh parang walang nangyari. Dumero-derecho sia tapos..
Tapos hinalikan nia si Kate.
Aray. Aray talaga.
"Sige Kate, una na ko. Enjoy kayo ah." Pinilt kong ngumiti pero hindi ko magawa. "Tol, alis na ko."
"Sige, thank you Mark ah."
Lumabas na ko. Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Oo, alam ko, nagpamalas na naman ako ng kakaibang kamartiran at ng malaking katangahan. Kung nakakapgsalita lang siguro tong puso ko eh malamang-lamang lang isinigaw na nia saken na " Hello? Just in case na hindi mo alam, nasasaktan ako. Tama na, tigilan mo na yang kalokohan mo." Alam ko naman eh. Sobrang saket na at sa sobrang grabe nung saket eh hindi ko na maipaliwanag ung nararamdaman ko. Hindi kaya ng salita lang. Masyadong matindi. Halo-halo na. Galit. Lungkot. Panghihinayang. Pagtataka. Saket.
Hanggang kelan ko kaya kakayanin to?!
Pinilit kong tanggalin sa utak ko ung ngyari na un dahil eto na ang the dreaded week – prelims week. Ang linggong wala kang ibang gagawin kung hindi ang ngaragin at windangin ang sarli mo sa kaka-aral. Ayos lang sana kung hinde ganun ung record ko eh kaso dahil nga sa nag-uumapaw kong absent at naglalaglagan kong grade eh kailangan kong mag-aral. Eh anong aaralin ko, wala akong notes. Wala kahit isa. Parang brand new nga yung mga notebook ko eh.
“Klasmeyts, baka naman pwedeng manghiram ng notebook jan!”
At shempre dahil mahal ako ng mga kaklase ko eh madaming nag-pahiram ng mga notes nila. Kaya ayun, napagkakitaan ako ng mga xeroxan. Ilang notebook at readings den yun hiniram ko ah.
At dahil may aaralin na ko eh pwede na kong mag-aral. Pero dahil maarte ako eh ayokong mag-aral sa bahay kase ayon sa mainarte kong utak eh hindi conducive ung atmosphere sa pag-aaral. Shempre madaming temptations. Nanjan yung tv, ung dvd player, ung component at ung computer. Isama mo pa ung refrigerator eh wala na. Wala na kong maaaral.
Kaya nag-alsabalutan muna ko at binitbit ung mga dapat kong aralin sa park. Wag na kayo kumontra, mas ginaganahan akong mag-aral pag may kasamang konting sight-seeing eh. Malay nio, sa park ko makilala ung babaeng magmamahal saken. *Sniff sniff*
Hay naku, enough of the drama. Mag-review ka na lang kung ayaw mong magpunta sa tinuturo ng statwang si Benavides (For more information visit the Pontifical The Royal and The Catholic University located at España Manila).
Eh di sige, review review review kahit wala naming naaabsorb ung kawawa kong utak na pawang nahaharass na sa sobrang dame ng impormasyong pilit kong pinapasok sa kanya. Konti na lang sisigaw na yan ng “data-overload!” with matching red lights at wang wang. Hay, kaawa-awang nilalang ng Diyos,
Review review review. Kaya mo yan Mark. Kaya ko nga pero hindi ko na kaya. Huhuhu, hindi ko na talaga to kaya. Sana may mag-magandang loob na turuan ako dito kung hindi masisingko ko. Nakikinikinita ko na kung anong mangyayari pag nagka-singko ko. Isang malakas na WAPAK galing sa nanay ko. Huhu, araguy un.
“Oi Mark.”
Naman, pinaglihi ba sa kabute tong si Kate at bigla biglang susulpot out of nowhere.
G*go ka pala eh, hingi hingi ka ng magtuturo sayo tapos sasabihan mong parang kabute. Engot ka talaga. Padala yang si Kate ng langit noh. Sagot sa mga panalangin mo.
Ganun ba yun? Pwes, binabawi ko na ung dasal ko. Pwede namang hindi si Kate yung ipadala nia ah. Pwede namang ibang kaklase na henyo pero sino pinadala nia, si Kate! Hayup, nananadya nga ata talaga si Lord.
“O Kate, anong ginagawa mo dito?”
“Wala lang. Nakakainip sa bahay eh. Ikaw, anong ginagawa mo dito?”
Nagsusunog ng brain cells. Este “Nag-aaral.”
“Ikaw nag-aaral?” Aba’y tawanan ba ko?! Tawanan ba ang pag-eeffort ko?!
“Sige ganyan ka Kate, tawanan mo ko.”
“Ikaw naman, nagbibiro lang. San ka na ba? Tapos na kase ko mag-aral eh.” Huhu, buti ka pa.
“Etoh, walang katapusang basic Algebra.”
“Hay naku, ang dali dali lang niyan eh. Lika nga, turuan kita.”
Umupo siya sa tabi ko tapos tinignan na nia ung notes ng klasmeyt ko na pinaxerox ko na akin na ngayon. Ngumingiti-ngiti siya habang tinitignan niya yung notes. Ewan ba kung baket. Siguro iniisip niya ang tanga tanga ko at kasimpleng math problem hindi ko ma-solve.
“Oh ano, game na?”
“Ah.. siguro?”
Tumawa kame ng tumawa sa hindi ko malamang dahilan. Basta tawa lang kame ng tawa na parang yung dati. Masaya ko kase kahit pano, parang bumalik ung panahon na sobrang ok kame.. Na walang problema. Na walang inaalala.
Pagkatapos naming tumawa eh ayun, nag-simula na ung duduan ng ulo. Una eh naguguluhan ako pero pagkatapos ng ilang paliwanagan eh finally, nalinawagan na ang utak ko. Ang galing kase nia magturo eh. Pinapasimple nia ung mahabang pasikot-sikot ng prof namen.
Mga six na nung natapos kameng magturuan sa Algebra. Nagkwentuhan muna kame ng konti at nagpapasalamat ako na hindi tungkol sa date nila kahapon ung pinag-usapan namen kung hindi kung ano anong mga kalokohan lang. Yung tipong sasabihan ng iba na nonsense pero saken, yun na ung pinaka-meaningful na conversation ng buhay ko.
Pagkatapos ng isang oras ng tawanan eh time to go home na. Tutal naman magkapitbahay kame eh sabay na kaming umuwi. Shempre hindi pwedeng mawala ang kwentuhan. Kwentuhan kwentuhan at mas madami pang kwentuhan. Kung pwede ko lang sanang patigilin ung oras.. Kung pwede lang sana na hindi na dumating ung mamaya o bukas. Kung pwede sanang habang buhay na ganito na lang.. Pero unfortunately, nakadating na den kame sa bahay.
“Sige Kate, thank you ah. Sigurado na kong papasa ko bukas.”
“Dapat lang noh. Pinahirapan mo kong mag-explain eh… Joke!” At tinawanan na naman nia ko ng tinawanan.
“Alam mo, ngayon lang kita nakitang ganyan kagrabe tumawa. Sobrang nakakatawa ba talaga ko?”
“Hinde, masaya lang ako ngayon kase kasama kita.”
ANO DAW???
“Sige Mark, ba-bye, bukas ulet ah!” *MUAH*
Hinalikan nia ko sa pisngi tapos tumakbo na siya papasok ng bahay nila habang ako, naiwan dun na nakatayo na mas madami pang tanong sa utak kesa nung wala pa kng alam sa Math.
Pwede bang paki-explain?
Wooohoooo, this is it! Etoh na ang Math exam na pinakaaantay ko. Im sure sisiw lang to saken. Ikaw ba naman ang tutoran, sabihan ng “masaya lang ako ngayon kase kasama kita” at halikan sa pisngi ni Kate eh, hindi ka ba makakaperfect?!
And true enough, sinisiw ko lang ung test. As in chicken feed at ang lakas ng vaybs ko na 100 nga ang grade ko dun. Chaka multiple choice lang naman eh. Hehehehe.
Pagkatapos nung exam eh naglakwacha muna kame ng tropa ko. Kumain, naglaro ng counter strike (peyborit past time pa den namen hanggang ngayon) at nagbasketball. Eh pano ba yan, may sandamukal na stock ako ng inspiration kaya sandamukial na points den ang nagawa ko.
Ewan ko na naman kung baket pero sa di matukoy at di mapaliwanag na kadahilanan eh nagkaron ng spark of hope saken dahil sa sinabi ni Kate saken kahapon. Masaya daw siya dahil kasama nia ko. Ang sarap ipag sigawan sa buong universe na MASAYA SIYA KASE KASAMA NIA KO!!!!!!!! Kung di ba naman ako magiging siksik liglig umaapaw. Amen?! Amen!
Pagkatapos ng basketball eh uwian time na. Ako naman eh dumerecho sa park, baon na naman ung mga Xerox ko. Malay mo, nandun si ulet si Kate. Db nga sb nia kahapon bukas ulet?
Eh di nag-review muna ko habang wala pa siya. Basa basa basa.
Isang oras…
Dalawang Oras…
Tatlong oras…
Alas-siyete na pero wala pa den si Kate. Siguro nga hindi na siya dadating. Sino ba naman kase ako para puntahan niya dito at pag-aksayahan ng oras db?! Ang engot ko naman kase eh. Ang hilig kong magpapaniwala sa mga sinasabi niyang wala namang kasiguraduhan. Ni hindi ko nga alam kung anong ibig sabihin nung sinabi niya db? Hay Mark, national engot ka talaga!
Kaya ayun, umuwi akong luhaan at sawing palad. Daig ko pa lungkot ng UST nung natalo sila sa UP nung first game ng UAAP. Daig ko pa yung waiter na na-fire sa unang araw nia sa trabaho. Daig ko pa ung mga prayleng hindi nakakuha ng komisyon nila. Daig ko pa si Gloria na nabuking sa pandaraya niya kasama si Garci. Daig ko pa si Susan Roces nung namatay si FPJ. Daig ko pa buong mundo na nagluksa nung namatay si Elvis Presley. In short, daig ko silang lahat.
Pero, what can I do? Ganyan talaga buhay. At kahit anong mangyari, sabi nga nila eh the show must go on. Kaya etoh pa den ako, alive na alive on the outside, rotting dead on the inside.
Tumilaok na naming muli ang mga bokbok manok at sumikat na si haring araw. Ibig sabihin, kinabukasan na. May iba pa bang ibig sabihin ang tilaok at sinag nig araw?!
Pasok sa school. Kuha ng test.
Kinabukasan. Pasok sa shool. Kuha ng test.
Kinabukasan, Pasok sa school. Kuha ng test.
Kinabukasan, Pasok sa school. Kuha ng test.
Ang monotonous db?! Wala na, un na yung huling araw na nakausap ko si Kate. Hindi ko na sinubukang itxt siya o tawagan kase wala naman akong mapapala pag ginawa ko yun eh. Ang importante eh tapos na ang the dreaded week. Wala ng ibang problema maliban sa isa.
SEPTEMBER 5
Hay buhay. Yan na lang ata ang kaya kong sabihin sa twing maiiisip ko na Sept. 5 na bukas. Siguro ang babaw na maapektuhan ako ng dahil dun pero hindi ko pa den maiwasan eh. Sa tuwing maiisip ko na isang buwan na ung nakaraan since nung nangyari ung pangyayaring un eh kumikirot ung puso ko na parang ginutay-gutay at nilamukos na papel ng isang batang paslit.
Oo, isang buwan na. At hanggang ngayon, wala pa den akong ibang ginagawa kung hindi ang magisip at humiling na sana ako na lang si "Siege". Sana ako ung laging kasama ni Kate. Sana ako ung nakakapagpangiti sa kanya. Sana ako yung nakakapagpasaya sa kanya. Sana ako yung nag-aalaga sa kanya.
Sana ako na lang yung mahal nia.
Kaso kahit anong dasal ang gawin ko eh hindi magiging ganun un kase hindi naman ako si "Siege". Ako si Mark. Yung lalakeng sawi sa pag-ibig. *sniff sniff* yung lalakeng nagmahal, nageffort na mahalin den pero sa huli eh umuwing luhaan, talunan at sugatan. Ako lang naman yung walang kasawa-sawang nagpapakaengot at nagpapakatanga na umasa na isang araw eh magiging square yung mundo at biglang magbabago lahat. Hoping against hope na isang araw eh bubukas ang pintuan ng langit, may bababang anghel at magsasabog ng milagro sa tapat ng bahay namen. Ako lang naman si Mark eh. Yung lalakeng mahal na mahal si Kate.
Pero, ano nga bang meron sa Sept 5? Monthsary ba ni Kris Aquino at James Yap? Birthday ba ni Saddam Hussein? Death anniversary ba ni Lapu-Lapu? First kiss ba ni Gloria? Bobombahin na ba ni Bush ang Iraq? Pupulbusin na ba tayo ng America? Ano? Alin dun?
None of the above.
September 5. Monthsary na nila...
Etoh na. This is it. Kailangan ko na silang harapin. At gaya ng dati, konting gel, konting pacute sa salamin, konting papogi. Para naman kahit pano eh gwapo kong haharapin lahat ng mga problema ko. Db?! Oo na lang kayo. Alam ko namang gwapo ko sa paningin nio eh.
Lumarga na ko papuntang skul, nag-park, tumakbo sa bldg namen para wag ma-late at tumayo ng limang minuto sa harap ng klasrum namen, nagdadalawang isip kung papasok ako o hindi. Nakikipagdebate sa sarili kung anong magandang gawin.
Ganito kase un eh... Pag pumasok ako at nakita ko sila, maaaring ito na ang maging huling araw ko sa mundo. Pag hindi naman ako pumasok, wala lang, isang absent na naman sa class record. Ano kayang gagawin ko?
5 minutes pa ulet..
10 minutes..
"Mr. Vista." Hu da Pak?!
O hindi. Si sir. "What are you doing here Mr Vista?"
"No-nothing sir."
"Get your ass inside the classroom now."
"Y-y-yes sir."
O hindi naman talaga oh! Isang malaking OH HINDEEEE! Eh ano pang magagawa ko ngayon? Eh di ipasok nga ang pwet ko sa loob ng klasroom. Bwiset.
Hmmm.. Teka, wala si "Siege". Pero nanjan si Kate. Bakit kaya siya wala?! Hay naku, pakialam ko ba kung wala siya. Eh di mas maganda, hindi ko kailangang makita yung makapal niyang pagmumuka. Eh di umupo na ko sa upuan ko. As usual, lutang na naman ako. habang nakaupo ako dun eh naglalakbay sa outerspace yung utak ko at tntry isolve ang pinakamahirap na problema sa lahat. - kung pano lumimot. Madami namang paraan eh. Pwede kong iumpog ung ulo ko sa pader. Pwede din namang ihambalang ko ung sarili ko sa gitna ng south super highway. Kailangan ko na lang pagdesisyonan kung alin dun ang mas maganda at less painful.
Natapos yung walo kong subjects ng ganun lang yung ginagawa ko. Ang boring. Ang badtrip. Ang leche. Dumerecho ko sa bahay ng hindi man lang kinakamusta si Kate. Mahirap na, baka mapagbuhusan pa nia ko ng excitement nia sa date nila ni "Siege".
Sa bahay naman eh pinilit kong libangin yung sarili ko. Nanood ak ng tv, naglaro ng PS2, nag-PC, nagpasigaw ng component, nagtatambling-tambling sa kama, lumamon, nahiga, naupo, nakipag-away kay Kulet, nakipag-debate sa nanay ko, pinagalitan si manang, uminom ng konting San Mig Light sa rooftop. nagmuni-muni, nagnilay-nilay, dinutdot ung aquarium, tumitig sa kawalan at nag-aksaya ng tatlong oras kakaisip kung nasan kaya sila ngayon at kung ano kayang ginagawa nila.
Alas-dose na ng gabi. Etoh ko sa rooftop, kaharap ung San Mig Light na muntikan pang maagaw saken ni papa, nakatingin sa kawalan, naghahanap ng sagot sa mga walang katapusang tanong, nakakaramdam ng hindi maipaliwanang na sakit, nagpipigil ng luha. Nakakainis na. Paulit ulit na lang. Wala na kong ibang naramdaman kung hindi saket. Kahit anong gawin ko, hindi ko siya maalis sa isip ko. Sa puso ko.
*tutut. tutut.*
Sino naman kaya to?! Gabing gabi na, nagtetext pa.
From: Mama-in-Law
Mark, alam mo ba kung nasan si Kate?
Nag-reply ako kagad.
To: Mama-in-Law
Hindi po, wala pa po b sya sa inu?
Baket kaya?
*tutut tutut*
From: Mama-in-Law
Wla p nga eh. Ang alam ko, aalis sila ni Siege.
Aray.
To: Mama-in-Law
Ako n po bhala. Ha2napn ko po siya. Ma2log na po kau.
Tinawagan ko kagad ung cel ni Kate pero walang sumasagot tapos biglang nag-out of coverage area. Nasan na ba si Kate?! Alas dose ng gabi wala pa siya sa bahay nila?! Nasan na siya?! Hindi ba nia alam na delikado pag gabi na?! Tangna naman eh.
Lumabas ako kagad, sumakay sa koche at nag-ikot sa sub. Lahat ng lugar tingingan ko - sa park, sa court, sa Ministop pero wala siya. San ko pa kaya siya pwedeng puntahan?!
Sa bahay nila James.
Pumunta ko dun pero patay na lahay ng ilaw. Tahimik na. At higit sa lahat, nandun ung koche ni "Siege" o ni James o nung kung sino man siyang leche siya. Ibig sabihin, nasa bahay na siya. Pero kung nasa bahay na siya, nasan si Kate?!!?
Pumunta ko ng UST kahit alam kong sarado na yun. Nag-babakasakaling nandun si Kate. Pero dahil sarado na eh hindi na ko nakapasok sa loob. Lumibot ako sa gilid-gilid. Wala siya sa España. Wala sa P.Noval. Wala sa Dapitan. Sa Lacson na lang ung pag-asa ko.
Dahan-dahan ako sa pagdaan sa Lacson. Tinitignan kung san siya pwedeng magpunta. Kung alam lang nia kung gano ko ka-kinakabahan at nag-aalala. Baket ba kase wala pa siya sa bahay nila?! Pano kung may mangyaring masama sa kanya?! Pano kung mapahamak siya?! P*tang ina talaga.
Nasa may Lacson gate na ko ng UST nung may nakita akong babae. Naka-uniform ng Educ. Nakaupo siya sa bangketa. Nakayuko. Yakap yakap ung bag nia. Hindi ako pwedeng magkamali.. Yung bag na un na puno ng keychain... Hindi talaga ko pwedeng magkamali..
Si Kate yun...
Si Kate nga yun. Si Kate nga yung nakaupo dun. Nilapitan ko kagad siya - umiiyak. Hindi nia napansin na nandun ako. Basta, nakayuko siya at umiiyak. Iyak siya ng iyak. Tangna, baket na naman kaya?! Ano na naman kayang ginawa nung kupal na yun sa kanya?!
"Kate.."
Walang sagot.
"Kate.. Si Mark to.. Kate?"
Dahan dahan tumingin siya saken. Yung mata niya magang maga na sa kakaiyak. Wala na yung saya sa mata niya. Walang wala na. Nakatitig lang siya saken habang tahimik na tumutulo ung mga luha galing sa mata nia tapos...
Tapos bigla niya kong niyakap. Niyakap niya ko ng mahigpit tapos umiyak siya ng umiyak. Kitang kita ko na nasasaktan siya pero baket? Baket na naman ba siya nagkakaganito?! Ano na naman bang nangyari?!
"Shhh.. tahan na Kate.. Ano bang nangyari? Shhh.. Nandito na ko.. Wag ka na umiyak."
Hindi siya tumigil. Lalong humigpit ung yakap niya saken. Lalong lumakas yung iyak niya. Niyakap ko den siya, pilit na pinapatahan. Hindi ko na namalayan, pati ako, umiiyak na den. Nasasaktan kase ako eh. Nasasaktan ako pag nakikita ko siyang ganito. Lalo na pag wala akong magawa para sa kanya.
"Kate?"
"Mark... Si Siege.."
Sabi na nga ba eh.
"Ano bang nangyari?"
"Si Siege.. Mark.." Puro un na lang ung naintindihan ko sa sinasabi nia. Naisip ko, hindi ko makakapagusap ng matino dito. Lalo na kung pati ako, ganito. Pinunasan ko na ung mata ko at tumayo.. Inaya ko si Kate sa loob ng koche para dun kame magusap.
"Kate? Sige na naman oh, sabihin mo na saken.. Ano bang nangyari?"
"Si Siege Mark.. Wala.. D-Di siya pu - pu- munta... Sabi niya pupuntahan nia ko.. Ta-pos tapos na-nkita ko siya.."
"Saan?"
"Ka-kasama si Jane.. Nan--nandun sila sa Lover's Lane.. Tapos... Maaark.."
Alam ko na ung nangyari. Hindi na niya kailangang ituloy pa. Alam na alam ko na. At P*TANG INA MAKAKAPATAY AKO NG TAO!
Umiiyak pa den siya. Humihibi. Niyakap ko ulet siya. Yun lang naman ang kaya kong gawin eh.. Hindi ko naman kayang tanggalin ung saket na nararamdaman nia. Hindi ko den kayang baguhin ung mga nangyayari.. Kahit gusto ko pa.. Hindi ko talaga kaya..
"Mark.. Baket ganun? Baket nangyayari ulet ung mga nangyayari dati? Masama ba ko? Baket ba nila ko ginaganito? Kala ko ok na pero baket ganun? Ano bang nagawa kong mali?"
"Shhhhh. Wala kang ginawa.. Hindi mo kasalanan un Kate.. Tahan na.. Wag ka na umiyak.."
Tangna naman kase eh, hindi ba pwedeng sumaya na lang siya?! Hindi ba pwedeng hindi na siya mahirapan at malungkot?! Hindi ba pwede na ako na lang yung sumalo ng lahat nung mga makakasakit sa kanya?! Hindi ba pwedeng ako na lang yung saktan nila?! Hindi ba pwedeng ako na lang ung pahirapan!? HINDI BA PWEDE YUN!? Tangna naman kase eh.. Pwede namang ako na lang db?! Kesa si Kate.. Kesa ung mahal ko.. Ako na lang.. Pls naman oh..
Hiniga niya ung ulo niya sa balikat ko, nakayakap sa braso ko. Nararamdaman ko pa den na humihikbi siya.. Na umiiyak pa den siya.. Ang saket. Ang saket saket. Sobrang saket. Masaket na makita mo ung mahal mo na nasasaktan dahil sa iba. Masaket dahil wala akong magawa. Masaket kase.. Kase hindi ako ung mahal nia.. Hindi ako..
"Sana.. Sana ikaw na lang yung minahal ko Mark.. Sana ikaw na lang si Si Siege.."
Kung pwede lang sana...
Inuwi ko si Kate sa bahay nila.. Nagthank you saken si tita pero hindi ko na kinwento yung nangyari. Baka kase mapagalitan pa siya. Dagdag pa yun sa problema nia. Pero hindi ako umalis.. Nagpaalam ako kay tita kung pwedeng bantayan ko si Kate.. Pumayag naman siya kaya etoh ko, nakatitig sa mukha ng babaeng mahal na mahal ko..
Haaay, baket kaya ganun ang buhay? Pag mahal mo, hindi ka mahal pero pag hindi mo naman mahal, mahal ka. Ang gulo db? Bat kaya hindi na lang ginawa ng Diyos na nagmamahalan ung lahat para wala ng nasasaktan? Para wala ng umiiyak.. Wala ng nahihirapan.. Ginagawa ko naman lahat pero wala pa ding nangyayari. Etoh pa den ako, nagmamahal. Nasasaktan. Pero ayos na den yun. Hindi naman ako nagmahal para sa kung ano eh. Mahal ko si Kate dahil mahal ko siya.
Si Kate... Kawawa naman. Mahal na mahal nia si Siege pero ganito ung nangyayari. Nahihirapan siya. Monthsary nila, hindi siya sinipot at mas malala nakita pa nia ung kupal na yun na kasama si Jane. Anong ginagawa? Eh di ano pa, naglalampungan. P*tang ina nilang dalawa! Mamatay na sila! Ano bang ginawang kasalanan sa kanila ni Kate ha? Wala naman eh.. Pero ayun pa den sila, tuloy lang sa pagpapahirap kay Kate..
Ano na kayang mangyayari bukas? Bukas makalawa? Araw-araw na naman bang iiyak si Kate? Araw araw ko na naman ba siyang yayakapin at patatahanin? Kelan kaya matatapos tong gulong toh?! Kelan kaya siya sasaya? Ako? Kelan ako sasaya?
"Siege..."
Hanggang sa pagtulog ba naman si Siege pa den hinahanap nia? Hay Kate, kung pwede ko lang talagang baguhin lahat. Kung kaya ko lang.
"Sige na, matulog ka na.. Nandito lang ako.. Babantayan kita.."
Ayan na, tumulo na naman ung mga luha ko..
"Wag ka aalis ah.."
"Oo.. Dito lang ako.. Hinding hindi hindi kita iiwan.. I Love you Kate.. I Love you Love of my Life.."
Hinalikan ko siya sa noo. Tinitigan. Habang walang sawang naglalabas ng luha yung mata ko. Kahit pigilan ko, ayaw tumigil. Ayaw huminto. Sobra na yung nararamdaman ko eh. Sobra na yung dindala ko sa dibdib. Tangna naman kase eh.. Mahal na mahal na mahal na mahal ko siya.. Wala pa kong minahal ng ganito sa buong buhay ko. Siya pa lang. Si Kate lang..
"Mark?" Si tita. Pinunasan ko kagad ung luha ko pero late na. Nakita na den nia.
"P-po?"
"Kumain ka muna oh."
"Thank you po tita.."
"Hay iho, hindi ka ba nahihirapan sa ginagawa mo?"
Hindi ako makakibo. Alam kong nahihirapan ako pero un naman ung gusto ko eh..
"Alam mo minsan may mga bagay na kailangan den nating pakawalan.. Kahit gano pa naten ka-gusto un. Kahit gano pa ka-importante. Minsan may mga bagay talagang hindi para saten.. Kailangan nating tanggapin yun. Kahit mahirap. Kahit masaket."
"Pero.." Baket kaya sinasabi saken ni tita to?
"Ganun den sa tao Mark. May mga taong minamahal naten ng mas higit pa sa buhay naten at pinapahalagahan ng sobra na minsan eh nakakalimutan na naten ung sarili nateng kaligayahan. Pero minsan den, yung mga tao na yon ay hindi ginawa ng Diyos para saten.. Kundi para sa ibang tao.. Mark, isipin mo naman ung sarili mo.. Alam ko mahirap pero isipin mo nalang na kailangan mo deng sumaya. Ganyan talaga ang buhay.. Minsan kung sino pa yung mahal na mahal naten eh yun pa ung kailangan nateng pakawalan..."
Tumayo na si tita at lumabas ng kwarto habang ako, naiwan dun na nag-iisip. Hindi ko kayang isipin ung sarili kong kaligayahan habang nahihirapan si Kate. Hindi ko siya kayang kalimutan. Hindi ko siya kayang iwan.
Hindi ko siya kayang pakawalan...
Umaga na ko umuwi samen para magbihis papasok ng skul. Kumain ako tapos inantay ko si Kate. Siguro lang hindi ko siya pwedeng pabayaan db? Siguro lang den hindi ko sha pwedeng hayaan na harapin si Siege mag-isa. Ang lakas ng vaybs kong kakausapin siya nung ewan na un eh. Syempre mag-sosorry. Magpapacute at manglalambing. Leche nia! Kala naman nia hahayaan kong makalapit siya kay Kate. Mangyari na kung anong mangyayari. Wala akong pakialam. Kung hindi nga lang ako sinabihan ni Kate na wag sapakin yang si "Siege", tangna, baka wala na siya sa mundo ngayon.
Tahimik lang kameng dalawa ni Kate. Nakakabingi pero ayos na den. Wala din naman akong masabi eh. Naisip ko lang, siguro tama na tong drama sa buhay ko. Tama si tita, kailangan ko ding masaya. Kakayanin ko naman sigurong mahalin si Kate at maging masaya ng sabay db? Kaya ko naman sigurong pasayahin siya kahit hindi kame. Eh hindi ko naman siya mapapasaya kung mismong ako eh lulugo-lugo kaya simula ngayon, lahat gagawin ko pra maging masaya kami pareho.
"Mark."
"Baket?"
"Si Siege... Nandyan."
Ayun nga ung ulupong. Naglalakad papunta samen at mukang natalo ng isang milyon. Ip i know, paawa epek lang yan para hindi magalit sa kanya si Kate.
"Kate, pwede ka bang makausap?" Pls lang pigilan niyo kong manapak! Nakakagigil amp*ta.
"Ayaw na kitang makausap. Ayaw na kitang makita." Nice one Kate.
"Kate, pls naman oh. Kahit sandali lang." Wag ka na chong! Lul mo!
"Pare pwede ba tumigil ka na?"
"Ano bang pakialam mo?! Ikaw ba kinakausap ko ha?!" Aba! Ang lakas ng loob na magmayabang ng isang to ah!
"James pwede ba tigilan mo na ko?! Tigilan na naten tong lokohan na to! Akala mo ba hindi ko alam na hindi ikaw si Siege?! Akala mo ba hindi ko alam na nagkukunwari ka lang?! Alam ko lahat un James.. Alam ko lahat un. Tanga na nga lang talaga ko dahil pumayag ako na gaguhin mo ko! Tanga na lang ako dahil akala ko mabubuhay si Siege sayo! Pero ano?! Anong ginawa mo!? Ginago mo lang ako! Kaya pwede ba, tama na tong lokohang to!"
*BGSHK*
"G*GO KA PALA EH!!!"
Hindi ko na napigilan ung sarili ko. Nasuntok ko na siya. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Alam ni Kate.. Alam nia.. Pero wala siyang ginawa.. Si James - tangna nia talaga! Mamatay na siyang hayop siya! Ang lakas ng loob niyang gaguhin si Kate. Ako. Yung buong tropa. Kaming lahat! Ang g*go g*go nia!!!
*BGSHK BGSHK BGHSHK*
Sunod-sunod ung suntok ko sa kanya. Lahat ng galit ko, dun ko na nailabas. Lahat ng saket na naramdaman ko. Lahat ng hirap. Para sa lahat ng ginawa niya kay Kate - sa pangloloko, sa pag-papaiyak.
Itinayo ko siya tapos hinawakan sa kwelyo. Kahit may dugo dugo na ung muka nia, wala akong pakialam.
"Ano ha?! ANO!!? Tumayo ko jan! Lumaban ka! Tang ina mo James! Bat mo to ginawa?! Sabihin mo saken, baket mo kame kailangang lokohin?! Grabe, ang galing mo den talaga! Alam mo ba kung anong ginawa mo ha?! ALAM MO BA?"
Hindi na siya makapagsalita. Si Kate tahimik lang na naiiyak.
"Mark, tama na.. Hayaan na naten siya.."
Susuntukin ko pa sana siya pero umawat na si Kate.
"Pasalamat ka marunong maawa sa mga kagaya mo si Kate. Pasalamat ka hindi siya kagaya mo dahil kung hindi, napatay na kita."
"Mark.."
"Alam mo, binalaan na kita eh.. Sabi ko sa oras na saktan mo pa ulet si Kate, hindi na kita sasantuhin. Sabi ko sayo, babawiin ko siya. Pero hindi ka nakinig kaya tandaan mo to James, isaksak mo to sa kokote mo. Ayoko ng makita yang pagmumuka mo at mas lalong wag na wag ka ng lalapit pa kay Kate! Naintindihan mo ba yun ha?!"
Tinulak ko na siya tapos hinatak ko na paalis si Kate. Hindi siya nag-sasalita at alam kong hindi siya ok kaya dinala ko siya ulet sa tuktok ng main building.. Dun sa may edge kung san kita mo ung buong maynila.. Kung san kita mo lahat..
"Hindi kita pipigilang umiyak ngayon.. Hindi kita papatahanin.." Tumingin siya saken.. Puno pa den ng saket at luha ung mga mata niya.. "Alam mo ba kung anong gagawin ko? Yayakapin lang kita at hahayaan kitang umiyak.."
Yumakap na siya saken at tuluyan nang umiyak.
"Iiyak mo na lahat yan dahil ito na ang huling beses na iiyak ka..."
Sa wakas, tumila na ang ulan. Humupa na ang bagyo. Magiging ok na si Kate dahil sa wakas tapos na ang gulo. Tapos na lahat malaiban na lang sa isa.. Maliban sa kwento naming dalawa. Yung kwentong hindi ko isusuko hangga't di nagkakaroon ng happy ending. Nakarating na ko ng ganito kalayo.. Hindi na ko hihinto.
"Kate?"
Tumingin lang siya saken. Halatang malungkot pa den siya pero kahit ganun, hindi na siya umiiyak.
"Gusto mo pasyal na lang muna tayo?"
"San tayo pupunta?"
"San mo ba gusto?"
"Kahit saan basta masaya.."
"Tara SM tayo."
Nagpunta nga kaming dalawa sa SM San Lazaro. Hindi ko pa kase nabibisita ung bagong mall na un eh. Chaka para maiba-iba naman db? yun, kumain muna kaming dalawa sa Tokyo Tokyo at pagkatapos naming kumain eh masaya-saya na siya. Shempre hindi niya malalabanan ang aking irresistable sense of humor at charms db?
Naglibot-libot muna kame hanggang sa makarating kame sa Quantum. Nag-laro kame nung Air Hockey kung saan nalaos lang naman ang kagwapuhan ko kay Kate. Ang lupet, nio hindi ako nakaisa. Pwedeng pwede na siyang mag-varsity ng Air Hockey. Hehehe. Nag-laro kame ng kung ano-ano dun lalo na ung "di-token na pindot ka lang ng pindot ng kahit anong mapipindot". DUn naman ako rumesbak. Expert ata ako sa pag-pindot. Hehehe.
Hanggang hapon, dun lang kame sa Quantum. Paikot-ikot, naglalaro, nag-aasaran, nag-kukulitan at higit sa lahat nag-tatapon ng pera sa pagbili ng mga token. Masaya ko kase masaya siya. Balik na kame sa normal. Balik na kame sa dati. Wala ng lungkot, puro saya na lang..
"Mark, videoke tayo. kanta ka.."
"Kala ko ba tayo? Eh baket ako lang ung kakanta? Kaw talaga."
"Syempre style un! Hehehe." To talagang si Kate oh.
"O siya sige, dun tayo sa loob.."
"Wag na, jan na lang. Maganda naman boses mo eh. Televised pa." Lingid kase sa kaalaman ng nakararami eh may tv sa salamin nung Quantum na un at ang palabas eh ung mga nagsisikanta sa stage. Ayos db? Instant celebrity ka.
"Ayoko nga, nakakahiya."
"Sus, nahiya ka pa.. Sige na, kanta na. O ayan token."
Wala na nga akong nagawa. Inichahan na niya ko ng token at tinulak paakyat ng stage. Lahat ng tao nakatingin. Josme, baka madiscover ako nito ah. Mahirap na, ayoko atang maging celebrity. Pano na studies ko niyan pag nagkataon?
Lumapit na saken si Kuyang tagapindot ng videoke machine at tinanong kung anong gusto kong kanta. Binulong ko sa kanya at habang dinudutdot niya ung videoke machine eh sinamantala ko na yung pagkakataon..
"Pasensya na po kung may konting speech pa ko bago kumanta.. Ah.. Gusto ko lang po sanang idedicate tong kantang to sa kanya.. Thank you po."
Nag-play na ung intro at maya-maya, nagumpisa ng tumugtog ung kanta..
"Umiiyak ka na naman.. Langya talaga, wala ka bang ibang alam? Namumugtong mga mata.. Kailan pa ba kaya ikaw magsasawa, Sa problema na iyong pinapasan.. Hatid sayo ng boyfriend mong hindi mo maintindihan.. May kwento kang pandrama na naman.. Parang pang TV na walang katapusan.. Hanggang kailan ka bang ganyan? Hindi mo ba alam na walang pupuntahan Ang pagtiyaga mo dyan sa boyfriend mong tanga.. Na wala nang ginagawa kundi ang paluhain ka.. Sa libu-libong pagkakataon na tayoy nag-kasama Iilang ulit palang kitang makitang masaya Naiinis akong isipin na ginaganyan ka nya Siguro ay hindi niya lang alam ang iyong Tunay na halaga... Hindi na dapat pag-usapan pa Nagpapagod na rin ako sa aking kakasalita Hindi ka rin naman nakikinig Kahit sobrang pagod na ang aking bibig Sa mga payo kong di mo pinapansin Akala mo?y nakikinig di rin naman tatanggapin Ayoko nang isipin pa Di ko alam ba't di mo makayanan na iwanan sya Ang dami-dami naman diyang iba Wag kang mangangambang baka wala ka nang ibang Makita Na lalake na magmahal sayo At hinding hindi nya sasayangin ang pag-ibig mo Minsan hindi ko maintindihan Parang ang buhay natin ay napagti-tripan Medyo Malabo yata ang mundo Binabasura ng iba ang siya'y pinapangarap ko.. Sa libu-libong pagkakataon na tayoy nag-kasama Iilang ulit palang kitang makitang masaya Naiinis akong isipin na ginaganyan ka nya Siguro ay hindi niya lang alam ang iyong Tunay na halaga.. Minsan hindi ko maintindihan Parang ang buhay natin ay napagti-tripan Medyo Malabo yata ang mundo Binabasura ng iba ang siya?y pinapangarap ko... Sa libu-libong pagkakataon na tayoy nag-kasama Iilang ulit palang kitang makitang masaya Naiinis akong isipin na ginaganyan ka nya Siguro ay hindi niya lang alam ang iyong Tunay na halaga.."
"Kate, sana isang araw bigyan mo naman ako ng pagkakataong ipakita sayo kung gano ka kahalaga."
Haaaay etoh na! Nangangamoy bakasyon na! Kung di ba naman talagang gaganahan kang matulog! Sa wakas kase eh nagkaron na ng peace and order ang buhay namen. Akalain nio un?! After 48 yrs eh natapos den yung iyakan.. Kahit talagang nasira na ung pagkakaibigan namen ni James eh ok lang. Kasalanan niya un noh. Kung hindi ba naman siya isa't kalahating mangmang, eh di sana hindi kame nagkaganito. To namang bruha kong pinsan eh taking advantage of the situation. Todo dikit kay James. Todo kapit todo sunod to the point na nagmumuka na siyang tuta. Yung grades ko naman. aysus! Pasa lahat. Wala akong singko. Kung di ba naman talaga ko pinagpapala ng Diyos oh. (Perfect nga ung prelims ko sa Math!)
Kame ni Kate? Ganun pa den. Wala ng ibang ginawa kung hindi magkulitan. Yun nga ung mga moments na naiiisip kong ang swrte swerte ko kase pagkatapos nung lahat ng mga nangyari, walang nagbago samen. Kahit alam niang hindi lang siya simpleng kaibigan para saken eh hindi siya lumayo. Wala lang.. Tuloy lang ang ikot ng buhay.
Kaya naman ang saya saya nung dumating na nga yung sembreak. Patunga-tunganga na lang ako.. Patulog-tulog. Heaven! Ang masaya pa eh malapit na ung inter-sub intramurals. At pag may intrams shempre may basketball. Yahoo! Ang saya saya! Kame ata defending champion noh.. Andito ko eh! Kombinasyon ata to ni Shaq, Duncan, at Jordan! Oh ha, san ka pa!?
Ang kwela nun, si James eh sumali dun sa mga repapips niya sa kabilang sub. Yung mga nangbugbog saken na nabawian ko den naman.. Loko nila, susupalpalin ko silang lahat! Pag ganitong gigil na gigil ako sa mga pgmumuka nila, wag silang pepengal. Kaya naman todo practice kame ng tropa db? At si Kate, laging nandun sa mga practice namen.. Nanonood. Inspiradong inspirado naman ako! Lahat shoot, walang sablay. Tangna, isang ngiti lang niya full charge na ko kagad eh. Makita ko lang na nandun siya, solb na ko..
Practice lang ng practice hanggang sa nag-umpisa na yung eliminations. 8ng subdivisions yung kasali. Para ngang UAAP eh kaso lang wala kameng mga hayop sa pangalan ng team. Color-coding lang. Panalo kame sa first game. Pati sa 2nd sa 3rd sa 4th hanggang sa pasok na kame sa Finals. Walang kahirap hirap db? Oo, walang kahirap-hirap, lahat sila tinambakan namen. Ang kaso lang eh ganun den ung team nila James na nasa bracket B naman. Ganun den kabilis ung panalo nila at pasok na sila sa Finals. Pasok sila, pasok kame. Isa lang ang ibig sabihin nun...
Maghaharap kame ulet ni James...
*PRRRRRRRRRRRRRRT!*
End of 3rd quarter na. Isang quarter na lang. Tangnang yan, lamang pa sila ng 15 points. 12 minutes, running time, 15 points. Kaya ba namen yun? Bwiset naman kase eh, lamang na kame nung 2nd quarter kaso ang dumi nila maglaro. Nangbabalya. Tong ref naman parang kailangan mo pang bigyan ng binoculars para makita ung nangyayari! Ano ba to?! No blood no foul?! Na-injury na ung captain namen at hindi na nakapaglaro wala pa deng tawag. Pero etoh, panay ang tawag samen! Kung di ka ba naman talagang makakapag-dakdak ng referee!
"Mark oh, tubig."
Nice naman. Tubig from Kate. Narerecharge na naman ako. Wooohooo..
"Ganito.. Hayaan nio na silang mangbalya ng mangbalya. Wala na tayong magagawa dun. Wag na kayong gumanti, alam nio namang bias ung ref eh. Cool lang kayo. Easy lang.. Oh ito game plan naten. Sa defense tao-tao tayo. I-double niyo ung magshooshoot. I-rebound niyo ung bola. Makipagatayan kayo para sa bola. Sa offense screenan niyo. Go for 3. Pag di pumasok rebound niyo. Labas niyo ung bola tapos go for 2 para di sayang yung score. Malinaw na ba un?"
Tumango kamen lahat. Ang galing ng captain namen, kahit injured nkakapagproduce pa den ng magandang game plan!
*PRRRRRRRRT!*
Etoh na. Jumpball. Samen bola. Shoot. 85-73 na. 12 points na lang. Bola na nila. Pinasa kay James, fastbreak. Di ko nahabol, shoot. bola namen, bola nila, bola namen, bola nila. Makkakashoot kame, makakashoot sila. Punyeta, pano kame aabot nito?
4th Quarter na, last 2 minutes.
"Ganito, Mark, kailangan naten ng 3 points. Kahit anong mangyari, 3 points tayo. Pag di pumasok, rebound niyo tapos ipasa niyo ulet kay Mark. Paul, screenan mo. Kailangang naten ng puntos. Sige na, GO!"
GO talaga. Papatay na ko para sa bola.
"Mark." Tinawag ako ni Kate. Bat kaya? "Mark, galingan mo ah.. I-checheer kita. Sige na, Shoot that ball!"
Nginitan niya ako and suddenly magically nabuhayan ako ng loob. Etoh na, nararamdaman ko ng mananalo kame. Mananalo talaga kame. Mashooshoot ko tong bolang to. Mananalo kame.
Ayan na, bola na namen. Pinasa saken ni Paul, tinakbo ko sa three point line... Etoh na. Shoot yan, Shoot yan.. Shooooooooooooooooot..
"YES!"
"Nice one Mark! Wooooooooooh!" Si Kate talaga oh. Kinikilig ako nito eh. Hehehe.
Bola na nila. Kay James ang bola. Wahahaha. Patay kang bata ka. Di shoo-shoot yan! PLAK! Tangna mo, palpal ka ngayon! HIDNE NA KAYO MAKAKA-SHOOT!
Tumatakbo ang oras, kumokonti ang lamang. Last 30 seconds, 2 points na lang ang lamang. Nasaken ang bola, nakabantay saken si James. Asa siya. Hinde niya ko kaya. Lalo na't ganito ko ka-inspirado at ganito ko kabanas sa kanya! Wag na shang pepengal at baka tuluyan na nga tong maging wrestling!
"Hinde ka makakashoot."
"Asa ka James. Tignan mo kung pano ko papasukin tong bola na to sa harap mo."
Konting dribble, konting pang-lito, nakalusot na ko. 3-point line, isang fake.. Tangnang yan mashoot ka. Mashoot ka.
Mashoot ka. Mashoot ka. Mashoot ka. Mashoot ka. Mashoot ka. Mashoot ka. Mashoot ka. Mashoot ka.
"Shoot yan! Go Maaaaaaaaaaark!"
Ang lakas ko manalangin. Pasok.
YahuNg yAhoo! Panalo kame! Pano ba yan?! Kame champion at etoh pa! Eto pa talaga! MVP ako! Kung di ba naman ako talagang magiging masaya niyan?! Supalpal si James at pakramdam ko bawing bawi na talaga ko sa lahat ng mga pinag-gagawa niya. Sayang nga lang, di sha natamaan ng bola sa muka. Eh di ang gwapo gwapo sana niya ngayon! Rosy face db?!
At dahil panalo kame, may celebration! Buong team dumerecho sa bahay, pati ung mga klasmate nameng babae na nanood.. At shempre, si Kate. Pwede ba namang wala sa pag-cecelebrate ko ung inspirasyon ko nung laro? Di lang nila alam pero si Kate talaga ang rason kung baket ako nakashoot. Ayoko atang mapahiya sa kanya no. Todo cheer pa man den siya.
Nagpabili kagad ako kay manang ng inom at chibog! Tradisyon na kase namen na twing panalo eh magpapainom ang MVP. Ehem ehem, cno ba ang MVP? Etong pinaka-cute, pinaka-charming at pinaka-mabait ata!
Pagdating ng chibog eh, LETS PARTY! Nag-kainan na kame, kwentuhan, inuman. Ngayon na lang ako siguro naging ganito kasaya sa loob ng ilang buwan nga ba? Isa? Dalawa? Ewan ko. Hindi na mahalaga yun. Ang importante, buhay pa ko, masaya at kasama si Kate.. Dito sa tabi ko.. Kahit hinde kame, ayos lang. Hu cares? Basta masaya sha, masaya na den ako. Motto ko na nga sa buhay yun eh.
"Oh Mark, pano ba yan? MVP ah.. Mukang inspirado.."[/color]
"Syempre naman.."
"Pero lam mo tol, buti na lang nanalo tayo. Isipin mo na lang kung pano nila tayo pagtatawanan kung natalo tayo. Lalo na ung James na un."
"Sinabi mo pa. Kung di lang ako takot na ma-foul out, siniko ko na ung mga pagmumuka nung mga dugyot na un eh. Lalo na si James?! Pucha, ang sarap patikimin ng siko."
"Easy lang pre.. Panalo na naman tayo db?"
"Oo nga, pero nakakagigil pa den talaga pag naiisip ko ung ginawa niya. Ang lakas niya mang-g*go. Nagui-guilty tuloy ako pag naaalala kong nagalit tayo dito kay Mark nung nagkabangga sila ni James."
"Oo nga, lalo na si Ryan. Sinapak pa si Mark!"
*tawanan*
"Sus mga tol, wala na yun. Wag na nateng isipin yun, tapos na yun eh. Chaka isa pa, ayos na naman tayo db?"
"Woooooh, ang bait naten ah."
"Nanjan lang kase si Kate.."
*tawanan*
Napatingin ako kay Kate. Medyo napapangiti siya pero tahimik pa den. Hindi ko alam kung baket sha ganun. Db dapat masaya ngayon?! Db dapat masaya siya para samen? Saken? Hay layp. You are so unfair!
"Oi Kate, galaw galaw baka mastroke."
"Uhm, Mark, sandali lang ah.." Tumayo siya tapos umalis. Nyemas naman talaga oh. Tang!
"Naku Mark, napikon ata. Tsk tsk tsk."
"Sundan mo na.."
"Dali, sundan mo na tol!"
Tumayo ako tapos sinundan ko na si Kate. Dun ko siya sa rooftop tinignan. At yun, nandun nga siya. Nakatayo, tulala, at malamang-lamang lang eh nagmumuni-muna na naman tungkol sa mga bagay na hinde na sana niya iniisip.
"Kate."
"O Mark, bat nandito ka? Dapat db nandun ka sa baba?"
"Eh iniwan kase ako nung gusto kong makasama sa pag-cecelebrate eh.."
"Kaw talaga.. Sige na, baba na. Baka hinihintay ka na nila."
"Ayoko, dito lang ako.. Kung nasan ka, gusto ko nandun den ako. Ayoko na kaseng mawala ka ulet eh.."
Nagbuntong hininga lang sha tapos hinde na sha nagsalita. Tumulala na naman siya sa kawalan, habang ako, nandun, nabibingi sa katahimikan at unti unti na namang nakakaramdam ng saket. Parang dahan dahang binubutas ng katahimikan ung puso ko.. Palalim ng palalim.. Pasaket ng pasaket.
"Kate.. Kung.. Kung hihingin ko ba sayong kalimutan mo si Siege... Si James.. At ung nakaraan, pagbibigyan mo ba ko?"
"H-ha?"
"Kung.. Kung hihingin ko ba sayong bigyan mo ko ng pagkakataon na mahalin ka.. na alagaan ka.. Pagbibigyan mo ba ko?"
"Mark.."
"Pls naman Kate oh, pagbigyan mo na ko.."
"Hindi kase ganun kadali un eh.. Kung kaya ko lang sanang - "
"Kate oo lang o hinde. Alam mo kase, nasasaktan den naman ako eh. Nahihirapan den ako. Kung hindi talaga pwede, tatanggapin ko kahit mahirap pero sana, hayaan mo naman akong mahalin ka.."
"Mark, pls naman, wag ka naman sanang maging selfish."
Tama ba yung narinig ko?! Ako?! Selfish?! Makasarili?! Ano un, joke?! Tangna, kung maksarili ako, pano na ung iba?! Simula nung makilala ko si Kate wala na kong ibang inisip kung hindi ung kapakanan niya, ung kaligayahan niya.. Kinalimutan ko na nga ung sarili ko dahil sa kanya eh. Tapos ganito, sasabihan niya ko ng makasarili?! P*tang ina naman.
"Mahirap ung sitwasyon ko Mark.. Kung alam mo lang kung gano kahirap.. Kaya sana naman intindihin mo ung nararamdaman ko.."
"Kate! Hanggang kelan ba ko dapat maghintay na makalimutan mo ung nakaraan?! Hanggang kelan ba ko dapat maghintay na mawala si Siege sa puso mo?! Hanggang kelan ba ko makikipaglaban sa taong patay na!? Alam mo, hindi ko na nga alam kung sinong kailangan kong hintaying mawala sa puso mo eh, si Siege ba o si James?! Kate, kung nahihirapan ka, mas nahihirapan ako! Kung nasasaktan ka, mas nasasaktan ako! Nasasaktan ako sa twing nakikita kitang umiiyak ng dahil kay Siege.. Ng dahil kay James.. Nasasaktan ako ng doble sa twing nasasaktan ka! Lalo na pag wala akong magawa maliban sa yakapin at patahanin ka.. Pag - pag hindi kita mapangiti, pag hindi kita masaya.. Pag hindi ko magawang alisin ung saket na nararamdaman mo! Masaket saken un Kate.. Masaket na makita kang umiiyak at nahihirapan dahil sa taong hindi ka kayang alagaan habang ako walang sawang naghihintay na mahalin mo.. Na pansinin mo.. Na mabigyan man lang ng pagkakataong mahalin ka.. Na ipakita sayo kung gano ka ka-halaga.. Kaya kung nagkakaganito man ako ngayon, sisihin mo ung tanga kong puso.. Yung puso kong walang sawang umaasa na maambunan ng atensyon mo.. Hindi ako makasarili Kate, mahal lang talaga kita.."
Hindi ko na kinaya. Masyado ng masaket.
Kaya umalis ako na dalawa kameng umiiyak...
Baket ba kase ako nagpapakatanga sa isang babae eh?! Baket ba kase pinagsisiksikan ko yung sarili ko sa kanya?! Baket ba kase pinaiiral ko tong lecheng puso na to imbis na yung utak ko?! Baket ba kase hindi ko siya makalimutan?! Ano ba talagang meron sa kanya’t kahit tapak-tapakan at durug-durugin na niya ung puso ko eh naghahabol pa den ako?!
Mag-iisang buwan na kameng hindi naguusap. Akala ko nun ok na eh. Akala ko maaayos na kase wala na si James sa eksena. Pero ano?! Lalong lumala. Hindi niya ko kinakausap, hindi niya ko kinikibo. Ni hindi nga niya ko nililingon eh. Daig ko pa si Bone Clinx na naka-Windwalk sa pagiging invisible eh. Deadma. Parang kong non-existent entity na palutang-lutang lang sa tabi-tabi. Pero anoh? Etoh pa den ako, nagpapakadalubhasa sa tuktok ng main building at nagpapaka-mukang ewan sa kakaisip ng magandang birthday gift para sa kanya. Kahit parang napaka-minute ko sa paningin niya, pinipilipit at pinipiga ko pa din yung utak ko makaisip lang ng magandang pakulo para mapasaya ko siya. Pag ako naman hindi pa nag-qualify neto sa Libingan ng mga Bayani, ewan ko na lang ah.
Eh di sige, isip. Gusto ko kase yung multi-purpose ung regalo ko sa kanya eh. Yung tipong mapapangiti ko siya tapos mapapatawad na den niya ko tapos yung magkakaayos na kame. Gusto ko na makipagbati. Kahit alam kong wala naman talaga kong kasalanan dahil hindi naman labag sa batas ang mapuno paminsan-minsan at magsabi ng nararamdaman eh ako na ang bababa at mag-sosorry. Sobrang miss ko na kase siya eh. Yung mga joke niyang kahit pang-Wowowee eh bumebenta pa den saken, yung minsan masakit minsan hindi niyang hampas, yung tawa niyang nakakahawa, ung mga pangttrip namen, ung mga asaran, ung pagiging pikon niya, yung – siya. Miss na miss ko na siya.
Teka, eto na. Naguumpisa ng umilaw ang bumbilya sa kokote ko. Bulaklak. Bibigyan ko siya ng bulaklak. Ika nga ng tatay kong paminsan-minsan may silbi den pala eh “No matter what a girl says, a girl wants flowers.” Medyo barok pero ok lang yun, naintindihan ko naman eh. Lalagyan ko na lang ng gimik para maging kakaiba ung pagbigay ko sa kanya. Ano naman kayang gimik un? Sa kaninong hudlum ko naman ipapaabot yun? Hmmm.. E kung sa gwapong nilalang na lang kaya na nagngangalang Mark? Tama. Ako na lang mag-aabot! Kaso, nasan naman ung gimik dun?! Ang engot Mark. Ang engot!
Lumakad ako papunta dun sa edge. Nagbabakasakaling makakuha ko ng idea sa mga puno. Isip lang.. Sige kaya mo yan. Kaya mo talaga yan.
5 minutes.
10 minutes.
30 minutes.
“Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!” Hay grabe, ngayon lang napiga ng ganito ang utak ko,. Kahit math hinde pa napadugo ng ganito ang ulo ko. Pero ok lang. Siguro naman dadalawin niya ko sa Mental pag nabaliw ako db?
“Wag kang tatalon! Kua, maghunos dili ka, wag kang tatalon! Masarap mabuhay kua!”
At sino naman tong timang na to? Ako? Tatalon? Sus naman! Sasayangin ko ba tong gwapong pagmumuka na to?!
“Miss, muka ba kong tatalon?”
“Oo. Muka kang tatalon! Kung di ka ba naman isa’t kalahating timang, tumayo ka ba kase jan!”
Ok ah. Ako pa ngayon naging timang. “Hinde nga ako tatalon.”
“Eh bat may pasigaw-sigaw effect ka pa jan?”
“Kase sumasaket na ung ulo ko kakaisip kung anong gagawin ko para sa birthday niya! Tatlong araw na lang wala pa kong matinong naiisip. Kaya etoh, pinipilit kong mag-isip ng matino sa tahimik na lugar. Kaso biglang may praning na babaeng bumalandra jan at nagsisigaw na wag akong tatalon. Gusto mo bang mayari tayo ng mga sikyo dito?”
“Nagmamalasakit na nga lang ung tao eh. Alam mo, ewan ko sayo. Sige, jan ka na. Tumalon ka na jan. Sige na, talon!”
“Hinde nga ako tatalon!” Ang kulet den ng lahi netong isang to eh noh. Sinabi na ngang hinde ako tatalon. Nakakaintindi ba to ng tagalog?!
“Alam mo, kung gusto mo siyang regaluhan, ang ibigay mo ung galing sa puso. Tapos. Hinde kailangan ng kung ano anong chechebureche. Kung ano ung nararamdaman mo, ilagay mo dun sa ibibigay mo. 100% sure ako, mapapangingit mo un.”
Kung sa bagay, tama un. Hindi ko kailangan ng kung ano ano. May silbi den pala tong isang to sa lahing pilipino. Haha, ang galing galing! Alam ko na kung anong gagawen ko! Buti na lang naalala kong may party na ihinanda si tita. Ang tali-talino ko talaga!
“Oi miss, salamat ah.”
“Tapos ngayon sala-salamat ka jan. Akala mo libre yun?! May bayad un no!”
“Pwede na ba ung kiss ko ha? Kissable yang lips ko.”
“Sige na. Iyo na. Iyong iyo na yang labi mo. Saken na ung thank you.”
Sinimangutan niya ko tapos umalis na den siya. Pano kayang nakaakyat un dito? Di bale na. Hehehe. Ang galing ko talaga. Ok na. Ang kailangan ko na lang gawen eh humanap ng mga kasabwat.
Hahaha! It’s on!
Ika nga ni Ai-Ai delas Alas sa Tanging ina eh this is really is it! Pagkatapos ng ilang gabing pagpupuyat, nabuo ko na yung plano ko. At etoh na! Etoh na ang the dreaded day. Birthday na ni Kate.
Phase I - Pilitin si tita na ibahin ang concept ng birthday ni Kate from a simple bahay party to a.. a.. kung ano man tawag dun. Basta ung mas malaking party.
Naglakas loob akong tawagan si tita sa cellphone niya. Sana pumayag.. Dahil pag hindi pumayag si tita, tarajeng pot pot, sira buong plano ko. Sayang lahat ng effort! Wag naman po...
"Hello Mark?"
Hay sa wakas sinagot din. "Hi tita."
"O bat napatawag ka?"
"May hihingin po sana kong pabor eh.." At pinaliwanag ko na kay tita ang aking marvelous plan. Pero dahil malaking hassle ung nirerequest ko eh binigay ko ang isang daang porshento ng convincing powers ko para lang makuha ang matamis na oo ni tita. At shempre, haha! Pumayag sha! Sabi ko na nga ba eh.. Deep inside gusto den niya kong maging son-in-law. Hehehe.
Phase II - Pagpapapogi.
Sows, kailangan pa ba ng effort dito eh ang pogi pogi ko na?! Usual konting gel konting pabango konting porma lang ang kailangan dito. Well, ganyan talaga pag biniyayaan ka ng napakacute at napakagwapong muka na gaya ko. Nyahahaha.
Phase III - Set-up ng props at speech.
Niready ko na lahat ng kailangan ko. Namen. Namen ng mga back-up ko. Sino? Eh di shempre ang mga pinakamamahal kong tropa na napaka enthusiastic sa pagtulong saken na if i know eh puro mga nakokonsensha lang sa pagkampi nila kay James dati.
Phase IV - Maghintay sa tamang oras.
*Heartbeat.*
Buti pa sila, kumakain dun. Huhuhu.
*More Heartbeats*
Gutom na talaga ko. Pero mas malala aatakihin na ata ako sa puso. Wag naman po. Patapusin nio naman muna to.
Phase V - Etoh na.
Ayun na, narinig ko na ang cue ko galing kay tita na shempre ako den ang nagprovide para mejo makabagbag-damdamin naman ang intro. Sumilip ako. Tamang tama ung pwesto. Nakaupo sa gitna si Kate. Yung mga pulis pangkalawakan ko nakaready na.
"Thank you po sa lahat ng umattend ng birthday ni Kate kahit may mga last-minute changes. But before you go, may huling hirit pa po galing dun sa taong may kagagawan ng lahat ng hassle na to."
Hala, hindi naman un ung script na binigay ko ah! Si tita talaga!
"Mark?"
Waaaaaaaah! Hinde ganun ung intro! Hindi ganun! Pero ano, may magagawa pa ba ko? Wala na! Ayun na eh. Tumaas na ung kurti-kurtinahan namen kaya lumabas na kame - ako at ang barkada ko na kapareho kong mejo windang sa intro na ginawa ni tita.
"Uh.. Unang una po sorry sa hassle. Gusto ko lang pong bigyan si Kate ng surprise na salamat sa napakagandang intro ni tita eh hindi na mashadong surprise."
Tumawa ung mga tao - mga kamaganak ni Kate, konting kaklase niya dati at buong section namen maliban kay Jane at James.
"Uh... Sana po tulungan nio kong kumbinsihin si Kate na makipagbati na saken kase miss na miss ko na ung love of my life ko.."
Umariba naman sa pangaasar ung mga kaklase namen. Napuno ung "function room" ng Sub ng mga "Uuuuuuy" at "Yikeeeee" na kadamihan eh galing sa mga kinikilig-kilig na mga kaklase nameng babae.
"Sa pulis pangkalawakan ko.." Naglabasan na ung walong bata na ni-recruit ko. Yung pito, may nakatagong tig-ttwelve na bulaklak. Yung isa, isang boquet na shempre may ay may special mission. "Alam nio na kung anong gagawen." Binulungan na nila ung mga bisita.
"Jay, intro!" Nag-umpisa ng tumugtog ung tropa ko. Natonohan na nila kanta at lahat sila napa "awwwwwww"
"Happy birthday to you...
Happy birthday to you..
Happy Birthday, Happy Birthday
Happy Birthday to you..."
Nagpalakpakan silang lahat habang tumatawa. Pati si Kate napangiti, at for the first time simula nung nagpakita kame sa stage eh tumingin siya saken. Lumakas ung loob ko. Nabuhayan ako.
"Kate, para sayo toh."
Tumugtog na sila ulet. Etoh na. Etoh na talaga.
"I just don't understand
Why you're running from a good man baby
Why you wanna turn your back on love
Why you've already given up
See I know you've been hurt before
But I swear I'll give you so much more
I swear I'll never let you down
Cause I swear it's you that I adore
And I can't help myself babe
Cause I think about you constantly
and my heart gets no rest over you
You can call me selfish
But all I want is your love
You can call me hopeless
Cause I'm hopelessly in love
You can call me unperfect
But who's perfect? Tell me what do I gotta do
To prove that I'm the only one for you"
*Instrumental*
"Sa lahat po ng bumoboto na makipagbati na saken si Kate.. alam nio na po ang gagawen nio."
Isa-isang nagtayuan ung mga bisita, kumuha ng rose sa mga bata at binigay kay Kate.. At infairness, pati ung mama at papa niya.
"I'll be taking up your time
Until the day I make you realize
That for your there could be no one else
I just gotta have you for myself
Baby I would take good care of you
No matter what it is you're going through
I'll be there for you when you're in need
Baby believe in me, coz If love is a crime
Then punish me, I would die for you
Cause I don't want to live without you
Oh what can I do?
You can call me selfish
But all I want is your love
You can call me hopeless
Cause I'm hopelessly in love
You can call me unperfect
But who's perfect? Tell me what do I gotta do
To prove that I'm the only one for you"
*Instrumental*
Isa-isang Inabot ng mga bata ung ibang rose kay Kate.
"Why do you keep us apart
Why won't you give up your heart
You know that we're meant to be together
Why do you push me away
All that I want is to give you love
Forever and ever and ever and ever
You can call me selfish
But all I want is your love
You can call me hopeless
Cause I'm hopelessly in love
You can call me unperfect
But who's perfect? Tell me what do I gotta do
To prove that I'm the only one for you
Selfishly I'm in love with you
Cause I've searched my soul and know that it's you
To prove that I'm the only one for you
So what's wrong with being selfish, selfish, selfish, selfish...
So what's wrong with being selfish?"
Inabot nung bata na may special mission saken ung boquet. Bumaba ako ng platform tapos nilapitan ko si Kate. Lahat ng tao nakatingin.. Binigay ko sa kanya ung roses.. Nakatingin pa den sya saken.. Nakangiti. Nakatitig lang den ako sa kanya. Ang ganda ganda nya ngayong gabi. Ang ganda ganda niya.
"Bati na ba tayo?"
Tumango lang siya tapos bigla niya kong niyakap. May sinasabi siya pero hindi ko marinig dahil lahat sila nagsisigawan ng "Kiss! Kiss!"
Bumitiw siya sa yakap niya saken, ung luha niya nangingilid-ngilid na naman.
"Kate, pwede ba kita isayaw?"
Tumango lang siya ulet tapos sinenyasan ko na sila Jay. Pumwesto na siya sa mic. Tumugtog sila Ryan. Nagpartner partner din ung mga bisita. Nagumpisa na ung kanta. Kumanta na si Jay.
"Oh, love of my life"
Introng-intro pa lang nung kanta, napayakap ulet saken si Kate at tuluyan na naman siyang naiyak. Nararamdaman ko ung luha niya sa balikat ko.
"Mark.. Sorry.. Sorry talaga.. Miss na miss na kita.."
Hindi na ko nakapagsalita nung narinig kong sinabi nya na na-miss na miss niya ko. Tama na ung limang salita na yun para sumaya ko ng husto nung gabing yun.
"Forever starts from now
I promise you"
Parang kaming dalawa lang ung nandun nung oras na un.. Nung minutong yun..
"Lovin' you is all
That I can do"
Si Kate.
Ako.
Sa gitna nilang lahat.
"No one can take it
Away from me"
Magkayakap.
"Nobody but you"
"Mahal pa den kita Kate.. Mahal na mahal.."
Natapos yung kanta at dahan dahan, naglayo kameng dalawa. Tapos na ung pinaka-mahiwagang dalawang minuto ng buhay ko. Dahil dun sa dalawang minuto na un, sa di ko din maintindihang dahilan, eh naramdaman ko na kahit pano, mahal din niya ko. Siguro dahil mashado akong umaasa o siguro dahil yun ung gusto kong paniwalaan. Pero kahit ano pa man yun, wala na kong pakialam. Basta ayos na kame. Masaya na ko dun.
Maya maya, nagsimula na ding magalisan yung mga bisita. Nagthank you sila kay tita pati kay tito. Yung mga classmates naman namen, samen nagsilapitan, inaasar kameng dalawa. Hinatak ko si Kate papalayo sa kanilang lahat. Oras na para sa huling parte ng plano.
Kinindatan ko si tita, tapos ung tropa ko. Nagkaintindihan na kame dun.
"O Mark, ingatan mo si Kate ah." Sabi ni tita.
"For the kill pre!" Sabi naman nung mga tropa ko.
Sinama ko na sya palabas dun sa koche ko tapos umalis na kame.
"San tayo pupunta Mark? Baka pagalitan ako - "
"Hindi ka pagagalitan, pinagpaalam na kita.."
"Eh san nga tayo pupunta?"
"Sa cross ulet."
"Anong gagawin naten - "
"Basta."
Nagdrive na ko papuna sa UST. Pati si manong guard kinakunchaba ko na den. Alam na niya kung anong gagawin niya - pagbuksan kame ng gate at papasukin sa main building na ngayon eh medyo mukang haunted house sa dilim. Umakyat kame ni Kate, hawak ko siya sa kamay. Finally, dumating na den kame sa elevator, tapos dun sa hagdanan papuntang cross.. tapos dun na - sa pinakmataas at pinakamagandang parte ng UST.. Yung lagi naming tinatambayan dati.. Yung cross ng Main Building - renovated version.
Siyempre pati un pinaganda ko. May mga petals sa lapag, may lights, may music. Napangiti siya pag pasok namen.. Napasaya na naman niya ko.
Lumakad siya papunta dun sa may dulo.. Para na naman siyang bata na aliw na aliw sa pag-sisight seeing. Habang tinititigan nya ung mga ilaw ng building eh tinititigan ko naman sya.. Yung inosente at napakaganda niyang mukha..
"Oh, ngumingiti ka jan." Nyaks, nakikita nya ko?
"Ako? Hinde ah."
Hindi na sya sumagot kaya tumahimik kami ulet. Biglang parang may nagwrewrestling sa utak ko. Sasabihin ko na nga ba sa kanya ngayon ung nararamdaman ko o chaka na? Pero siguro - kaya lang kse - waaaaaah! Ngayon na. Ngayon na talaga!
"Mark.. Thank you ah.. Alam mo, ito na yung pinakamasaya kong birthday.." Nakatingin pa den sya sa kawalan. "Ngayon lang kase may naghanda ng ganito para saken eh.."
"Sus, wala yun. Kaw pa eh malakas ka saken."
"Uhm.. Galit ka ba saken?"
"Ako? Magagalit sayo? Hindi no."
Umihip ung malakas na hangin tapos lumamig..
"O.." Binigay ko sa kanya ung polo ko para wag siyang ginawin.
"Salamat.."
"Kate.. Kung.. Kung.."
"Kung?"
"Kung sasabihin ko ba sayo ngayon lahat ng nararamdaman ko, magagalit ka ba?"
Hindi sya kagad sumagot pero maya maya, tumango siya. Hindi ko den alam kung pano ko uumpisahan. Hindi ako makapagsalita. Kinakabahan ako.. Ayokong sumablay.. Ayokong magkalabuan na naman kame.. Hindi ko na kaya na mawala pa siya saken ulet.. Hinding hindi na talaga..
"Kase Kate - "
*BUMM*
Timing nga naman. Kumulog.. Kumidlat.. Umulan..
"Sumilong muna tayo.."
"Ayoko Mark. Dito lang tayo.. Sabihin mo na ung sasabihin mo.." Ang wirdo talaga nito ni Kate paminsan-minsan.
"Gusto mo bang patayin ako ni tita?"
"Sabihin mo na ngayon.." Nakatulala pa den siya kahit basa na sya ng ulan.
Huminga ako ng malalim.. Sasabihin ko na nga siguro.
"Kase Kate.. Mahal pa din kita. Yun.. Ganun.. Basta mahal na mahal kita.. Simula nung una kitang nakita, alam ko ng iba ka. Alam ko din magulo ung sitwasyon. Alam ko kailangan mo ng oras. Pero Kate, handa akong maghintay ng kahit gano katagal para sayo.. Hindi ko maisip kung anong mangyayari saken pag nawala ka.. Ang hihingin ko lang naman sayo eh ung pagkakataon na patunayan sayo kung gano kita - "
"Hindi mo na kailangang patunayan un Mark. Napatanuyan mo na yun ng ilang ulet na. Masyado lang akong tanga kaya hindi ko nakita yun.. Masyado lang talaga akong bulag.. Masyado lang akong natakot na masaktan pero Mark, dahil sayo, handa na ko. Handa na kong masaktan ulet.. Wala na kong pakialam sa kung ano man ung pwedeng mangyari.."
Hindi ako makapaniwala sa narinig ako. Kulang talaga ung mga salita para maipaliwanag kung ano ung nararamdaman ko. Sobrang saya ko parang hindi ako makahinga. Wala akong masabi. Napangiti lang ako. Napapailing sa sobrang tuwa. Ang saya saya ko. Parang hindi totoo ung mga nangyayari.. Kanina lang, nagsosorry ako sa kanya pero ngayon..
Humarap ako sa kanya at hinawakan ko ung kamay niya. Tinitigan lang niya ko. At dahan dahan, sa gitna ng ulan, hinalikan ko siya. Hindi siya nagalit. Hindi siya tumutol.
Mahal din niya ko..
Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah! Yun lang talaga ang masasabi ko! Hindi ako makapaniwala! Kami na ni Kate! Kami na! Alam niyo un?! KAME NA! Girlfriend ko na sya! Boyfriend na nya ko! Kame na talaga! Kung di mo ba naman talaga nanaising magtatambling-tambling sa sobrang saya! Kame na! Kame na talaga!
Makabangon na nga ng masigurado kong hindi lang panaginip yun! Dahil kung panaginip yun, hindi na ko gigising! Pero etoh, nakabangon na ko, naligo, nagbihis at nagpapogi tapos humarurot na ko papunta sa bahay nila Kate. (Kumupit muna pala ko ng fruits sa ref dahil nagkasakit si Kate. Oo, nagkasakit siya. Magpaulan ba naman kame eh. Napagalitan pa nga ako ni tita eh pero nawala naman ung inis nya nung nalaman nyang kame na. Hehehe.)
*Katok katok katok*
"O Mark! Agang bumisita ah.."
"Shempre tita, aalagaan ko pa si Kate eh. Ok na ba sya?"
"Mejo tumaas ung lagnat sya pero wag kang mag-alala, hindi nya un ikamamatay. Sige na, puntahan mo na siya sa kwarto niya."
Inabot ko kay tita ung mga tooty-fruity tapos nag-hi na den ako kay tito tapos pinuntahan ko na si Kate na sleeping beauty pa den hanggang ngayon. Woooooow, ang ganda niya. Ang ganda ganda niya talaga. Lalo na pag tulog. Ang cute!
Inayos ko ung kumot nya tapos tinitigan ko lang sya.. Grabe, namagnet talaga ko. Kaso maya maya naalimpungatan sya at tuluyan ng nagising nung nakita ung gwapo kong muka.
"Good morning love of my life.."
"M-Mark?"
"Hehe, gulat ka ba?"
"Mejo.. Anong ginagawa mo dito?"
"Ano pa, eh di aalagaan ka! Kisspirin at yakapsul langa ang katapat niyan!"
"Ang corny mo talaga kahit kelan! Chaka asa ka noh! Kiss kiss ka jan!"
"Uuuuy, pakipot ka pa! Eh kagabi lang.." Namula siya bigla kaya tumawa na lang ako. Shempre fresh na fresh pa sa isip ko ung kissing scene namen kagabi db? Ang sweet nga eh. Papasa ng pang telenovela. Isipin nio, sa tuktok ng main building woth matching paulan-ulan effect pa!
"Pano ba yan Kate. Eh di tayo na talaga?"
Ngumiti siya pero hindi siya sumagot.
"Wag ka na magpakipot. Sinu-suspense mo pa ko eh!"
"Pakipot ka jan. Hay naku Mark.."
"To talaga, ang pikon. Syempre gusto ko lang marinig sayo na.. alam mo na.."
"Tapos ngayon may pa-alam mo na alam mo na ka jan..Kung di ka lang cute, sinapak na kita." Uy, cute daw ako. Sabi ko na nga ba eh! hehehe.
"Sa lagay mong yan? Haha, asa ka. Pero dahil labs kita, magpapasapak ako sayo ng libre.."
"Wag na, ikamatay mo pa."
"I love you Kate.."
Nginitian na naman nya ko. Aba naman, kung di lang nakaka-inlove yang ngiti nya..
"I love you Kate.. I love you Kate.. I love you Kate.. I Lo-"
"Oo na, oo na, i love you na den..."
"Napilitan?"
"Ang drama talaga ng love of my life ko.. Lika nga dito.."
T-t-teka? Tama ba ung narinig ko? Tinawag niya kong love of my life?! Tapos niyakap pa niya ko! Nakakakilig naman to! Nyahahaha, ganito pala feeling pag kinikilig. Parang.. Wow, cloud 9.. Heaven.. Hay, walang kaduda-duda, inlove na inlove ako kay Kate.
"Ehem, ehem! Bawal ang triple X dito! Kayong dalawa talaga!"
Nyay, si tita. Nakakahiya naman to! Huling-huli. Bistong-bisto. Di bale, hug lang naman eh. Hehehe. Inabutan lang nya kame ng mga prutas na ngayon eh nabalatan at nahiwa na. Kumain naman kaming dalawa. Syempre sinubuan ko si Kate.. Ayoko yatang mabinat ang aking love of my life.
Buong araw akong nandun. Kinukulit ko sya kung kame na ba talaga, dahil hanggang ngayon, hindi pa den ako makapaniwala! Ang tigas talaga ng ulo ko. Sa sobrang tigas hindi makapasok ung katotohanan na kame na nga! Ewan ba, pero kahit ilang ulit nyang sabihin na kame na, kahapon pa, eh hindi talaga ko maconvince na hindi ako nanananaginip lang. Grabe, di kaya ng capacity ng utak ko to!
Nung gabi na, pinauwi na ko ni tita, sabi nya kailangan daw magpahinga ni Kate kaya syempre, para good shot, di na ko nakipagtalo.
"Sige Kate, una na ko. pagaling ka ah.."
"Opoh.. thank you sa pagdalaw.."
"Mamimiss kita.."
"Sige na, ang drama mo pa eh. Hehehe."
"Mark.. Sige na.. Gabi na.."
"Opo tita.. Uhm Kate, bye! i.. iLove you!"
"i Love you den.."
Hinalikan ko siya sa totoo at thank goodness hindi tinaga ni tita ang ulo ko nung nakita nya un. Umuwi na ko sa bahay tapos humiga na ko sa kama. Tinulalaan ko na naman ung ever-faithful na butiki sa bubong. Pangiti-ngiti na lang ako sa twing naiisip ko si Kate lalo na ung mga i love you niya! Ay sha, pwede na kong mamatay!
Bago ko matulog, tinxt ko muna si Kate.
To: Love of my Life
gudnyt po. Swit drims. sunduin kta bkas ah. i luv you..
Maya maya, tumunog den ung celphone ko.
From: Love of my Life
kaw den tulog na. anty kta bukas ah. luv u den.. muah!
Wow, my i love you na, may muah pa! Sabi ko nga eh, hindi panaginip to. Kame na nga talaga.
Kahapon pa...
Being with Kate really made me happy. Bawat oras, bawat minuto, bawat segundo, masaya ako. Parang nakamighty bond na ung ngiti sa labi ko.. Samahan mo pa ng rugby, ng sikat na sikat na Elmer's glue, paste, laway, sipon at kanin, eh un na! Hindi na talaga mawala ung ngiti ko. Sabi nga ng mga classmates namen, blooming daw ako. Sabi ko naman, inggit lang sila! Hehe.
Sa isip isip ko, panong hindi ako magiging ganito kasaya eh kame na ni Kate. Ung fact nga lang na un masaya na ko eh. Idagdag mo pa ung pagiging perfect girlfriend nya - may wake up calls and texts, may gudbye and gudnyt kiss, tapos pinagluluto pa nya ko lagi ng lunch na kinakain namen sa lover's lane. Ang sarap talaga ng feeling, lalo na pag hawak ko ung kamay nya tapos maglalakad kame ng sabay, magbibiruan.. Parang hawak ko ung oras.. Prang hawak ko lahat.. Ganun ako kasaya pag kasama ko siya.
Minsan kasama namen tropa ko. Minsan barkada nya. Minsan joint-assembly kame. Naalala ko tuloy nung minsang lumabas kame ng magkakasama, nag punta kame sa bar tapos ayun, nag truth or dare kame. Napasayaw tuloy ako ng di-oras ng topless. Sabi ni Kate saken, may career daw ako sa pagiging sexy star. Lokang babae talaga yun!
Sa sobrang saya ko, hindi ko namalayan na mag-iisang buwan na kame. Take note, hinde pa kame nag-aaway kahit isang beses! San ka pa?! Breaking the record ata un.
Bisperas ng monthsary namen, kinausap ako ng tatay ko. Mukang seryoso. Oo, ngayon ko lang sya nakitang ganun kaseryoso. Napaisip tulloy ako, ano kayang nagawa ko? In fairness naman, mabait ako. Pwede na nga akong bigyan ng pakpak at halo eh.
"Mark.."
"Po?" Naks, ang galang. Hehe.
"Sasabihin ko na to sayo ng biglaan. Lilipat na tayo sa america."
WHAT THE F*CK?!!! Tama ba ung narinig ko!? Lilipat kame sa america?! Hinde.. Madame lang sigurong luga ung tenga ko..
"PO???"
"Sabi ko, lilipat na tayo sa america.. Dun na tayo titira. For good."
"Pero? Baket? Pano na ung pag-aaral ko? Pano na si Kate?" Etoh na, naguumpisa na kong magpanic! For good? ibig sabihin till forever dun na kame titira? HINDI PWEDE UN!
"May mga negosyo akong kaylangang asikasuhin dun. Nahihirapan na si Mama mo ng pabalik-balik. So we decided na dun na tumira."
"Yeah ryt! Tama un Pa! Tama na magdesisyon kayo ni mama ng hindi man lang ako kinukunsulta! Hindi nio man lang ba naisip kung ano ung mararamdaman ko?!"
Kala ko nun, sasapakin na ko ng tatay ko! Grabe, nasigawan ko siya! First time kong nagawa un sa tana ng buhay ko!
"Calm down anak.."
"Calm down? Gusto ko nio kong kumalma!? Pano kong kakalma Pa?! Sasabihin mo saken yan sa bisperas ng monthsary namen ni Kate! Sige nga Pa, pano kong sasabihin sa kanya na iiwan ko sya?! Na lilipat tayo dun? FOR GOOD??!"
"Tell her right away. The sooner the better. Aalis tayo next next week - "
"2 weeks?! You're telling me that i only have two weeks left to spend time with Kate?!"
"Anak, kung kayo, kayo. Kahit isang milenyo pa kayong hindi magkita."
Then, he left. Nilayasan ako ng tatay ko! Iniwan nia kng devastated, nasa state of shock, state of panic, denial stage at nasa bingit ng kamatayan! Pano nila nagawa saken ni mama to?! Pano na kame ni Kate?! Pano?!!!
Sabi ko na nga ba eh, dapat kabahan ako na masyadong masaya ung naging relationship namen. Isang buwan nga kameng walang problema, etoh naman ngayon.. Dumilim na naman ang kalangitan - nagbabaja ng bagyo.
Hindi lang pala nagbabaja, dahil nagbuhos na sya ng bagyo - malakas na malakas na bagyo.
Isang buwan! Ano ka ba naman Lord?! Minsan ka na nga lang magbibigay ng happiness saken kinuripot mo pa ko! Isang buwan! Nak naman ng pucha, 31 days! Kung sinabi nio lang sana ng mas maaga-aga pa, eh di sana mas nilubos-lubos ko ung mga oras na magkasama kame tapos sana nakapaprepare man lang ako kung pano ko sasabihin sa kanya un. Wala ng breaking-it-gently toh. Ampucha, lalabas to as one big blow. Hindi kaya nya ko ilaglag sa main building?!
Pano ko naman sasabihin to? Patatapusin ko kaya muna ung monthsary namen o ngayon ko na sasabihin?! Pucha, 15 minutes na lang at susunduin ko na sya. Waaaaaaaaaaaaaaaaaah, anong gagawen ko? May 2 weeks na lang kame dito. Ayoko namang sirain ung monthsary namen pero dapat malaman niya to asap. Ayokong itago sa kanya pero ayoko syang saktan. Nyeta, bat ba kase naimbento pa yang eroplano eh! Eh di sana, hindi na kame makakapunta sa pesteng america na yan! Sirain ko na lang kaya ung eroplanong sasakyan namen? O kaya palubugin ko na lang kaya ung america? Tama! Pasasabugin ko ung airplane tapos imimissile-bomb ko ung america para hindi na kame matuloy!
Ang tikas mo naman boy!
Waaaaaaaaah! Nandito ka pa pala dakilang sawsaw! Wag kang makulet jan baka iicha kita! Pag ganitong namomroblema ko ah.
Eh abnormal ka naman pala eh.. Pasasabugin mo ung eroplano at palulubugin mo ung america? Feeling mo naman Diyos ka!
Ah basta, hindi kame pwedeng matuloy! Hindi pwede! Hindi pwede! Hindi pwede! Hindi pwede! Hindi talaga pwede! HINDE HINDE HINDE
"HINDEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE - "
"Ano bang pinagsisisigaw mo diyan? Hoy, late ka na sa lakad naten! Hmp, pinagintay mo ko.. Kala ko kung ano ng nangyari sayo, yun pala nababaliw ka lang dyan! Ano bang feeling mo ha? Cute ka dahil nagfee-feeling bida ka sa teleserye? Hay nku Mark, mga pakulo mo talaga..."
Umupo sya sa kama ko tapos kinurot nya ung ilong ko. Ang saket naman. Hmf,wala pang pasko gusto na kong pagmukaing reindeer ni Kate.
"Happy monthsary Mark!"
*Mmmmmmmuuuuuuuaaaaaaaah*
Wow, ang sweet naman ni Kate. May greeting na, may kiss pa. Huhu, lalo tuloy ako nalulungkot.
"Gift ko sayo.."
May inabot sya saking box na nakabalot sa blue na giftwrapper tapos may ribbon den na blue. Grabe, touch na talaga ko nito, my regalo pa sya saken.
"Buksan mo na."
"Ngayon na? Pwede bang mamaya na lang? Nakakahiya eh.."
"OO ngayon na. Cge na buksan mo na. Pls pls pls?"
Ang pilit talaga ng batang ire. Sige na nga, bubuksan ko na nga. So ayun, binuksan ko ng pagkaingat-ingat para mapreserve ko ung pambalot. Syempre memorable un noh. First gift ni Kate saken.. Touching talaga! Hindi na to mawawala at mabubura sa aking puso't isipan magpakailanman!
Drama naman.
Che! Paki mo ba? Moment ko naman to ah!
"Nagustuhan mo ba?"
Wait lang ah, hindi ko pa nakikita eh.. Ano ba toh? ...WOW!!!! NBA CARDS!!!! ANG MATAGAL KO NG PINAPANGARAP NA NBA CARDS! WOW!!!!!!!!!! LAHAT ORIGINAL!!! WOW TALAGA!!!
"Hui, nagustuhan mo ba?!"
"Ha?"
"Hinde mo naman ata nagustuhan eh.. Waaaaaah, iyak na ko.."
"Original lahat toh ah.. Uh.. Grabe Kate, gustong gusto ko toh... Ang tagal ko ng pinaplanong bumili nito eh.. Pano mo alam na itoh gusto ko? Grabe talaga Kate, hindi ka na dapat bumili nito, mahal kaya to."
"Hindi kaya. Afford naman eh. So, nagustuhan mo?" ;D
"Oo.. Sobra.. Thank you Kate ah.."
"Buti na lang nagustuhan mo.. Ang galing ng source ko! Haha. Tara na, medyo gabi na eh."
Nilagay ko sa drawer ko ung regalo ni Kate tapos bumaba na kame. Nagbabye na ko sa kanilang lahat maliban kay papa na hanggang ngayon eh hindi ko pa din kinikibo. Pakiramdam ko kase kasalanan nya lahat toh eh. Hay naku, kasalanan talaga nya!
Pumasok na kame sa koche tapos syempre nag-drive na ko. Grabe, parang masusuka ko. Halo halo ung nararamdaman ko. Masaya kase kame na db? One month na nga kame eh. Tapos etoh sya sa tabi ko, nandito. Excited ako kase 1st monthsary namen to. Masayang masaya talaga ko. Pero kinakabahan pa den ako.. Nalulungkot.. Natatakot. Pano ko sasabihin kay Kate? Pano kung umalis talaga kame? Pano kung matagal pa bago kame bumalik? Makakapaghintay ba si Kate? Mahihintay ba nya ko? Pano kung hindi na kame bumalik? Pano na kame? Pano na....?
"Mark, ok ka lang?"
Pano na talaga toh? Anong gagawin ko?
"Mark? ...MARK!"
Woah, snap back to reality. "Ha? Baket?"
"Ok ka lang ba? Parang may saket ka yata eh.. Gusto mo next time na lang tayo umalis?"
Kung may next time lang sana. "Hinde, ok lang ako.."
"Promise?"
"Promise.."
Ngumiti sya tapos hinalikan nya ko sa pisngi..
"I Love you Mark.."
Nung sinabi niya un, biglang bumuti ung pakiramdam ko...
Nanood kame ng sine. Siguro mga tatlong ulet naming pinanood ung palabas. Kase naman eh, hindi ako makapg-focus. Pano kong makakapag-concentrate sa movie eh si Kate ung pinapanood ko. Kung pano sya matawa sa mga jokes dun sa movie, kung pano sya magulat, at kung pano sya tumili pag may pinapatay na. Ewan ko ba dito kay Kate, bat yan pa gustong panoorin.
After naming manood eh nag-Starbucks naman kame. Ang sarap sarap mag-relax. Higop higop lang ng kape habang nakaakbay kay Kate. Tapos sya naman eh nakahiga sa balikat ko, umiinom den ng frappe nya. Every now and then, binubulungan nya ko ng i love you. Hay Lord pwede bang dito na lang ako forever?
Kaso hinde ako pinayagan ni Lord eh. Umalis den kame pagkatapos magharutan at mag-asaran ng konti. At habang tumatagal eh nararamdaman ko ng i'm doomed. Wala akong choice kung hinde ang sabihin sa kanya ung napakasama at kahindik-hindik na balitang un. Asar.
Dinala ko sya sa tuktok ng main building kung saan prepared na ang aking mga props. May mat, may drinks at konting food. Lahat pinaayos ko kay kuya guard. (Wag ka mag-alala kua guard, isasama kita sa acknowledgements ko. Hehehe.)
"O Mark, bat may ganito dito?"
Hindi ko na sya sinagot. Inaya ko na lang syang humiga dun sa mat.
So ayun, humiga kameng dalawa. Kahit hinde kame nag-uusap at nakatitig lang sa mga stars sa langit, pakiramdam ko, ako na ung pinakamasayang tao sa mundo. Pakiramdam ko, kumpleto ako. Kontentong kontento na ko. Kung pwede lang sana na kame na lang ni Kate ung mga bituin, eh di sana kahit kelan hindi na kame magkakahiwalay.
"Ang ganda ganda noh Mark?"
Umupo sya, yakap yakap nya ung mga binti nya. Yung ulo nya, sinandal nya sa tuhod nya tapos pumikit sya. Umupo na den ako. Nakakatitig lang sa kanya. Lumubog ung puso ko. Alam kong bilang na ung mga araw na magkakasama kame.
"Gusto ko Mark, pag nagpakasal na tayo, titira tayo sa malaking maliking bahay. Tapos gusto kong dalawang anak. Isang babae chaka isang lalake. Tapos Mark den ung pangalan nung lalake para maging kasing gwapo mo. Tapos - "
Niyakap ko sya. Tama na, ayoko ng marinig yan. Mas mahihirapan lang akong umalis. Mas mahihirapan lang akong iwan sya. Mas madami lang akong maaalala pag wala na sya.
Habang yakap ko sya, bumalik sa isip ko lahat ng mga nangyari.
Naalala ko nung una ko syang nakita sa court..
Nung umiyak sya sa classroom..
Nung unang beses na dinala ko sya dito..
Nung nakatulog sya sa balikat ko habang umiiyak..
Nung nag-star city kame..
Nung sinabihan nya ko ng mahal nya ko..
Lahat ng yakap nya..
Lahat ng halik nya..
Lahat ng i love you nya..
Yung pagbigkas nya ng pangalan ko..
Yung mata nya..
Yung ngiti nya..
Si Kate.. Ung babaeng mahal na mahal ko...
"Kate, may kailangan akong sabihin sayo.."
Tumulo na ung mga luha ko.
"Kate, gusto kong malaman mo na ikaw.. ikaw lang ang babae na minahal ko ng ganito. Ikaw lang den ung nagmahal saken ng ganito. Dahil sayo, naging masaya ko."
"Mark?"
Bumitaw sya sa yakapat tinignan nya ko mukha.
"Mark.. Baket.. Baket umiiyak ka? May.. M-m-may problema ba?"
Nakikita ko na natatakot sya. Nangigilid ung mga luha nya. Alam nya. Alam nyang may mali.
"Basta Kate, tandaan mo, mahal na mahal na mahal kita. At ikaw.. ikaw na ung huling babaeng mamahalin ko."
Tumulo na ung mga luha nya. Alam na nyang may problema.
"Mark... Mark naman eh.. Baket ka ba ganyan?"
"Kase Kate, aalis kame. Pupunta kame ng america. Dun na kame titira. Dun na ko pag-aaralin ni papa."
Tuluyan na syang umiyak. Niyakap ko sya ulet pero tinulak niya ko palayo.
"Ang sabi mo, hindi mo ko iiwan. Sabi mo, dito ka lang lagi. Ang daya daya mo naman Mark eh! Sabi mo.. Dito ka lang lagi.. Db sabi mo yun? Db? Db pinangako mo saken un? Baket ka aalis? Baket mo ko iiwan? Mark naman eh.."
Iyak na sya ng iyak. Hinahampas nya ko pero habang lumalakas ung pag-iyak nya, humihina ung mga palo nya.
"Ang sama sama mo Mark.. Ang daya daya mo.. Sabi mo dito ka lang.. Db? Db?!"
Tinakpan nya ung muka nya at tuluyan ng umiyak ng umiyak.
"Kate naman eh.. Wag ka namang ganyan.. Hindi ko den naman to gusto eh. Masaket den saken to. Pero, wala akong magagawa. Si papa ang masusunod. Hindi ko gustong iwan ka dahil ayoko... Ayokong mawala ka saken..."
Yumakap na lang sya ng bigla saken at niyakap ko den sya ng mahigpit na mahigpit. Ayoko syang pakawalan.
"Shhhhh, tama na. Babalik den naman ako eh."
"Pero kelan pa? Kelan ka pa babalik Mark?"
"Hindi.. Hindi ko alam.. Pero Kate, pangako, babalik ako.."
"Babalik ako para sayo."
Masaya ko kase naintindihan ni Kate na kailangan kong umalis. Masaya ko kase hindi sya nakipagbreak saken. Masaya ko kase hindi namen ginaya ung mga ‘mas mabuti pa maghiwalay na lang tayo’ na drama sa mga telenovela. Instead, after ng iyakan, eh napagkasunduan namen na hihintayin nya ko kahet anong mangyari. Ang sarap ng feeling na makakaalis ako ng maluwag ung dibdib. Ang sarap ng feeling na habang nandun ako eh hindi ako kakabahan na baka wala na kong balikan. Ang sarap ng feeling na alam kong kahit anong mangyari eh may Kate na maghihintay sa pagbalik ko.
Araw araw magkasama kame. Kung mag-enjoy kame eh ung parang wala ng bukas. Minsan nakakalungkot den lalo na pag naiiisip ko na wala ng mangungulet saken pag nandun na ko. Wala ng magsasabi saken ng I love you. Wala ng yayakap saken. Wala na deng kiss. Wala ng Kate. Pero twing sinasabi ko sa kanya lahat un, niyayakap lang nya ko at pinapatigil. Sabi kase nya mas gusto daw nya kung magpapakasaya kame kesa magmumukmok. Konti na nga lang ung panahon na magkakasama kame eh, magddramahan pa ba naman kame? Sabi ni Kate gusto daw nya na mapasaya nya ko habang nandito pa ko. Gusto daw nyang bumawi para sa mga oras na nasayang. Sabi ko naman, hindi na nya kailangang mag-effort kase makasama ko lang sya, sobrang masaya na ko.
Pero in fairness noh, muntik pa kaming mag-away nung huling gabi ko dito sa Pinas. Last date namen. Cinancel nya dahil bibili daw sya ng regalo para sa pinsan nya. Muntik pa nga akong magtampo eh pero dahil ganun ko sya kamahal at dahil ayokong mag-away kame, hindi na ko nagalet. Buti pala hindi ako nagalet kase surprise despidida pla.
Nandun silang lahat – classmates, mga pinsan ko na hindi ko alam kung pano nya hinagilap, ung buong tropa. At ang hindi ko inaasahan, si James.
“O, anong ginagawa mo dito?”
“Ako nagpapunta sa kanya dito Mark.” HUWAT DA PAKING SHET!?
“Tol, aalis ka na daw?” Kungyari ka pa jang concerned. If i know nagpplano ka na naman ng kung ano.
“Oo. Bukas na ng tanghali.”
“Kelan ka babalik?”
“Hindi ko alam. Siguro matagal pa. Dun na ko mag-aaral eh.”
“Pre, pwede bang kalimutan na naten ung mga nangyari? Aaminin ko, kasalanan ko talaga. Ayoko den naman na umalis ka ng mag-kaaway tayo.”
Ganun na lang ba un? Pagkatapos mo kong ipabugbog, pagkatapos mong agawin saken si Kate, pagkatapos mo syang saktan, sorry na lang?! Yun na un?!
“Mark.. Pls?” Payn! Sabi ko nga makikipagbati na ko eh. Si Kate na nagsalita eh.
“Pasalamat ka kay Kate James..”
“Aminin mo na Mark, na-miss mo den ako.” Asa ka! Baka ako namiss mo.. Hehe.
“Sapakin kita jan eh.”
“Awwww, kiss na kayo! Haha, kiss and make-up na!” Kate talagaaa.. Kung di lang kita mahal.. Nakuuu..
“Oo nga tol, kiss and make-up na tayo, na-miss kita eh. Haha.”
Ang g*go talaga ni James, pinagduldulan talaga ung nguso nya saken hanggang sa nahalikan na nga nya ko. Isang nakakapanindig-balahibong experience pero masaya, dahil ayos na kame ng best friend ko. Nag-usap kame, sinabi kong alagaan nya si Kate para saken pero wala ng sulutan dahil pag nangyari un, i-lilips to lips ko sya.
Ang saya tignan na nanjan lahat ng mahal mo at nagmamahal sayo. Ang sarap tignan na masaya lahat. Parang tumigil ung oras para saken.. Masaket lang isipin na tong mga kulitan at gaguhan na to ung isa sa mga bagay na mamimiss ko pag alis ko. Isa sa mga bagay na hahanap-hanapin ko.
Umabot hanggang alas-tres ung inuman at kodakan. Si Kate, tumabi na kay Kulet tapos isa isa na den silang nakatulog.. Shempre last man standing ako. Malungkot na makita ko lahat ng mga taong iiwan ko.. Lahat ng mga mawawala saken..
“Uy… Si.. Mark, naiiyak.. Wag ka mag-alala tol, hindi ka namen makakalimutan. Chaka.. ung bilin mo saken.. Wag ka den magalala.. I-lilips to lips ko lahat ng titingin sa Kate mo..”
“Sira ka talaga, matulog ka na nga lang jan..”
“Seryoso pre, mamiss kita..”
At tuluyan na ngang nakatulog si James.
11:45. Oras ng flight ko. Gusto kong ibalibag ung eroplano para hindi na ko umalis. Gusto kong ipagsigawan kay daddy na dito ko masaya. Gusto kong iglue na lang ung paa ko para hindi na ko umalis. Pero hindi ako si superman para mabuhatung eroplano. Hindi din ako ganun katapang para suwayin si daddy. At mas lalong wala akong balak tumira sa airport habang buhay.
Nakatitig lang ako kay Kate. Hawak yung kamay nia. Nagpipigil ng luha. Parang scene lang sa mga telenovela kung san maghihiwalay na ung bidang lalake chaka ung leading lady nya. Ang pinagkaiba lang, kame ni Kate hindi nagsasalita, tahimik lang.
Masyado sigurong overwhelming ung emotions kaya hinde na makahabol ung dila namen sa nararamandaman namen. Masyado nga matindi para masabi. Pero kahit hindi kame nagsasalita, alam kong nagkakaintindihan na kame.
Flight blah blah blah.. Shattap!
“Mark, tara na…”
Hindi ako makapaniwala, aalis na talaga kame. Hindi ako gumalaw, hindi ako nagsalita, pero deep inside, todo panalangin ako na sana may lumitaw dito na Michael V. na sisigaw ng YARI KA! NASA TV KA! Naghintay ako. Walang Bitoy na lumabas. Walang camera. Walang staff. Walang accomplice. Pero may babaeng yumakap saken ng mahigpit na mahigpit at nagsabi saken na mahal na mahal nya ko at hihintayin nya ko kahet anong mangyari.
Wala talaga akong masabi. Hindi ko kayang magsalita. Pakiramdam ko sasabog na ko. Maisip ko lang na kailangan kong iwan si Kate pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan namen eh nadudurog na ung puso ko sa saket. Akala ko tanggap ko na pero eto ko ngayon, humahagulgol na parang batang ayaw bumitaw sa mommy nya.
“Anak, kailangan na talaga nating umalis. Baka maiwan tayo.”
Bumitaw sa yakap si Kate. Nagtitigan lang kame tapos sabay na nagpahid ng luha at tumawa. Pinangako kase namen na hindi kame iiyak kahet anong mangyari.
Kinuha ko ung kamay nya at binigay ung ‘farewell gift’ ko sa kanya.
“Alam ko yung huling taong nagbigay sau nyan, iniwan ka at hindi na bumalik. Pero Kate, tandaan mo, kahit anong mangyari, babalik ako.. Sana tuwing makikita mo yan, ngingiti ka at maaalala mo lahat ng happy memories naten. Ayokong iiyak ka habang wala ako ah. Ako lang naman may chagang magpatahan sayo eh..”
“Mark naman eh..” Iyak tawa nya kong niyakap, tapos binigay naman nya saken ung ‘farewell gift’ nya. “Sa airplane mo na buksan.. Sige na, baka maiwan pa kayo.. Tito, tita, thank you po. Kayo na po bahala kay Mark. Paki batukan na lang po pag pinagpalit ako. Ingat po kayo..”
Buntong hininga.
“Mark…” Ngumit lang sya at naintindihan ko na lahat ng gusto nyang sabihin.
Tumalikod na sya at naglakad palayo. Gusto ko syang habulin, yakapin at hindi na bumitaw kahet kelan pero…
“Mark, tara na”
“Opo..”
Lumakad na den kame at sumakay sa eroplano.. Ilang minuto lang, nasa ere na kame. Malayong makayo kay Kate..
Binuksan ko ung regalo nya saken – keychain-sized teddy bear na may nakalagay na”Press Me”. Haha, Kate talaga, bigyan ba ko ng nagsasalitang teddy bear..
I love you Mark
Pumatak na naman ung luha ko. Ang saket pala talagang iwan ung mahal mo.
I love you love of my life. I love you Mark
Waah, bwisiet kang teddy bear ka, pinaiyak mo ko! Marinig ko lang ung boses ni Kate, naaalala ko na lahat. Maisip ko lang na baka may iba na sya pag balik ko, naiiyak na ko.
“Hoy Mark, kung iiyak ka wag mo namang iparining sa lahat. Baka isipin nila autistic ka.”
Pinilit kong tumigil pero hindi ko nagawa. Ganito pala ung pakiramdan na hindi mo kontrolado ung luha mo.
“Alam mo anak, kung mahal niyo talaga ang isa’t isa, makakapaghintay kayo. Mahihintay ka ni Kate. Kung kayo, kayo.”
Wa epek pa din ang pagpupumilit kong pigilin ung pag-iyak. Pesteng luha yan oh.
“Sige na, itulog mo na lang yan. Pag gising mo ok ka na.”
Pinikit ko ung mata ko.. Nakita ko ung mukha ni Kate.. Yung mata nya, ung ngiti nya…
I love you Mark
I love you Mark
I love you Mark
Pinakinggan ko lang ng paulet ulet ung boses nya hanggang sa makumbinsi ko ung sarili ko na mahal ako ni Kate at hihintayin nya ko. Mahal ako ni Kate. Hihintayin nya ko.
At pagbalik ko, we will live happily ever after…
Loner. Takot maging attached sa kahit na sino kase takot mawalan. Takot na baka mahulog at ma-inlove. Takot masaktan. Takot sa maraming bagay. Yan ako 3yrs ago. Yan ako bago sila dumating sa buhay ko.
Si Siege na nagturo saken na things arent always what they seem. Minsan we have to look, not just see dahil hindi lahat ng nakikita naten ganun na. There's always a story and reason behind what we see. And that's when we have to have faith in people. Kailangan naten magtiwala kahit minsan. Because of we dont, there's a big chance na pagsisisihan mo kung baket hindi mo man lang sya binigyan ng pagkakataong magpaliwanag kahit 5mins lang ung hinihingi nya.
Si Jane - ang kontrabidang nagturo saken kung pano lumaban. A living proof na people could really be mean when they're threatened at hindi lahat ng lesson sa buhay eh nakukuha sa mga kaibigan. Dahil minsan, may mga importante din tayong matututunan sa kaaway. At minsan din, good things happen because of the bad ones.
Si James. The guy who taught me na no matter how similar one person is to another, hinding hindi mo mahahanap sa isa kung ano ung nakita mo sa isa. Kahit gano pa sila ka-magkamuka o magkapareho. Kaya mali na hanapin mo sa isang tao ung mahal mo. You'll just end up fooling someone. And yourself as well.
At syempre si Mark. The ultimate love of my life. The guy who taught me one of the greatest lessons in life - kung pano magmahal ulet pagkatapos mong masaktan. Na hindi lahat ng tao sasaktan ka. And pain is really a part of life and love. Package deal yan. Hindi pwedeng wala ang isa. And so what kung masaktan ka? It only proves na tao ka. Chaka there's always a reason to smile even if the whole world seems to
crash down on me. And that reason is him.
Dalawang taon na din simula nung huli ko syang nakita. Nag-eemail kame, minsan YM. Minsan tumatawag den sya. Nung last birthday ko, pinadalan nya ko ng gift. Itong mga huling buwan lang kame walang communication. Busy daw sya sa studies nya at pagaasikaso sa business nila eh. Miss na miss na miss ko na sya. Pero kahet ilang taon pa abutin, hihintayin ko sya.
Dahil i can wait forever ang drama ng lola niyo ngayon...
Simula nung naging kame, yun na ung dream ko. Mag-debut ng kasama si Mark. Yung isayaw nya ko under the stars habang natutunaw ako sa tingin nya. Wala akong pakialam kung bongga man or hindi. Kahet nga muka lang kameng mga alipin sagigilid ok lang eh. Basta kasama ko sya. Kase pag nanjan sya, alam kong wala ng pwedeng maging mali.
Ayoko na nga sanang mag-debut kase walang kasiguraduhan kung dadating sya. Alam ko namang hindi din ako magiging masaya sa gabi na un kung wala sya eh. So bat pa kame gagastos at mag-eeffort na maghanda? Kaso si mapilit ang aking mudra. Hindi daw pwedeng hindi dahil nasa chan pa lang nya ko ehpinangarap na nya kong makitang mag-debut. So may magagawa ba ko? Wala. Eh di go. Debut kung debut.
Grabe, ang hectic ng preparations. Tawag dito, tawag dun. Punta dito punta dun. Ang daming aayusin. Venue, souveneir, gown, invitation, etc etc etc. Tapos may practice practice pa para dun sa kutilyon. And to think na inaasikaso ko sya kasabay ng prelims. Gudlak na lang kung hindi ako magmukang zombie sa laki ng eyebags ko db.
Pero kahet stressed out ako at mejo dying na ang kalagayan eh go pa din. Tntry ko namang ma-excite every now and then para matuwa si mama at para naman masulit ung libo libong ginastos para sa debut ko. So far ang pinakakinatutuwa ko dito eh yung gown. Wow talaga sa ganda.. Super balloon na color pink na madaming madaming bead works.. Naplano na talaga lahat. Kumpleto na din ung guest list, napamigay na ung invitations. Gawa na ung souveneir. Isa na lang talaga ang kulang. Yung prince charming ko.
Pero dumating man si Mark or hindi, the show must go on. And it did. This is it. Debut ko na. Grabe, ang ganda ganda ng lola nyo. I really look royalty tonight with the gown and hairstyle na pang princess with matching tiara, and all the jewelry.. Tipong fairy godmother pwede bang ganito na lang ako kaganda araw araw?!
Ang ganda den ng venue. Ang magical ng dating.. Every inch of the place was decorated with lights.. Tapos may petals everywhere.. Haha, para lang akong nasa dreamland..
Nagumpisa na ung program.. Ecort ko si papa na muka pang mangiyak-ngiyak.. Sows itay, ganun ba ko kaganda ngayong gabi para umiyak ka? Haha. Si mama naman hindi lang close to tears. Umiyak talaga. Natatawa na nga lang ako eh. Siguro chaka ko lang maiintindihan to pag ako na ung magulang.
Shempre pinakaaabangan kong part eh ung 18 gifts.. Wow ang dameng gifts. Bongga! At pinili ko talaga ung madaming anda para maganda ang mga regalo. Mwahahahaha!
Sumunod ung 18 wishes na mejo parang nakatulog ung maga tao at tipong kung hindi ako ung nakaupo dun at binibigyan ng wish eh malamang naghilik na ko. Sabi na eh, hindi ko na to dapat sinama. Hehe.
And of course, ang inaabangan ng lahat ng debutant maliban saken.. Ang 18 roses. At kung sa kanila, 18, saken 17 lang. Alam naman naten kung baket db. Dahan dahan ko ng naramdaman ung lungkot.. I felt so empty and incomplete. God, anong klaseng debut to, wala ung mahal ko. Maganda nga ako, hindi naman nya ko makikita. So ano pang silbi ng lahat ng to kung wala din ung magpapakumpleto ng gabi ko?
"Iniisip mo si Mark no anak? Alam mo, madami pang pagkakataon na pwede kayung magkasama. Isa pa, hindi pa naman tapos yung gabi db?"
"Pa naman, alam mo namang hindi sya dadating eh. Wag mo na ko paasahin."
"Dumating man sya o hindi, maganda ka pa den. Ngiti na anak. Tandaan mo, hindi pa tapos ang gabi.."
"Ha? Ano - ?"
"Next in line is a dear friend.. Blah blah blah.. "
Ano kaya ung ibig sabihin ni papa? Hay Kate, istapit. Wag ka ng umasa. Ikaw lang den madidisapoint sa huli. Magsayaw ka na lang jan at pilitin mong ngumiti para naman magmuka kang nageenjoy kahet deep ung utak mo nagliliwaliw sa kung saan.
Hay Mark, nasan ka ba ngayon? Ni ha ni ho wala. Sana tumawag ka man lang. Kahit isang happy birthday lang masaya na ko. Marinig ko lang ung boses mo.
"O, iiyak ka na jan.. Iniisip mo si Mark no?" 17th dance ko na, si James.
"Hindi..." Hay Kate, ang laki mong sinungaling. Deny ka pa eh.
"Obvious naman eh. Kanina pa kita tinitignan. Lahat ng ngiti mo, pilit. Para kang wala sa sarili mo. Magtiwala ka saken Kate, ngumiti ka. Magpakasaya ka. Hindi pa tapos ang gabi.."
"James.. teka - "
"And now, to serenade our debutant, let's give it up for Anonymous"
Ok naman, parang hindi to kasama sa program ah. Hay, kung sino man may pakulo nito, fyn. Right now, i just want to get over this.. Sirang sira na ung gabi ko. I thought i cuuld pretend to be happy pero hindi pala..
Oh, Love of my life
Naman Lord, sa dinami dami ng kanta.. Bat yan pa?? Baket yun pang kinanta ni Mark nung birhtday ko? Nung gabing naging kame? Kailangan mo ba talagang ipaalala?
Destined forever, I will be right here by your side
Nasan na ba ung kumakanta na yan?
No falling tears when we're together, You know the joy you bring to me..
Baket parang hindi ko makita ung kumakanta? Hmf, bahala sya.. Hay Lord, pls bigyan mo ko ng miracle. Ngayon lang talaga. One time big time, pls dalin nio dito saken si Mark.
There'll be no other we'll share as lovers, Right from the heart, from my mind to your soul I will give it to you, girl...
Promise magiging mabait na mabait na ko. Magiging santa na ko. Lagi na kong mamimigay ng limos, ng pagkain.. Kahet ano..
My every little thing that I'm more than willing I will give to you
Lord, si Mark lang po talaga ung magpapasaya saken ngayon..
Forever starts from now I promise you, Loving you is all that I can do
Lord please... Let me be truly happy..
[size=11]No one can take it away from me [/size]
Let me be truly happy..
Nobody but you..
Even just this once..
"Happy birthday Kate.. Happy birthday love of my life.."
MARK???
Oh. My. God. Si Mark ka nga ba talaga? Lord hindi mo ba ko jinojoke? Si Mark ba talaga yung nakikita ko? Yung Mark na laging nagpapatawa saken? Yung Mark na nag-chaga sa kapapatahan saken? Yung Mark na nagturo saken na magmahal ulet? Si Mark ko ba talaga yan Lord?
"Kate..."
Ohmygodohmygod. Si Mark nga. Si Mark nga. Si Mark nga. Si Mark ngaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!
"Oh, bat ka umiiyak? Hindi ka ba natutuwa na makita ko?"
Engot! Tears of joy yan! For the first time sa 18 years of existence ko sa mundo, sa wakas nakapagproduce na din ako ng tears of joy! Hay Lord, you really love me! I love you too with all my heart and soul!
"Mark.."
"Hindi mo ba ko isasayaw? Nilangoy ko mula US hanggang dito para sayo.."
He took me by the waist and the most magical dance of my life started.
Ako.. Si Mark.. Kaming dalawa.. Kala ko hindi na mangyayari to.. Kala ko hindi ko na sya makikita ulet pero eto sya ngayon, kaharap ko..
Madaming nagbago sa kanya.. Tumangkad sya, mas nagkaron ng built yung katawan, mas gumwapo. Ng sobra sobra sobra.
Halos lahat nagbago sa kanya. Lahat maliban sa isa.
Yung mga mata niya.. Yung mga mata nyang pag tumitig sa mga mata ko, walang ibang pinapakita kung hindi pagmamahal.. Yung mga matang walang ibang sinsabi kundi 'ikaw lang Kate, ikaw lang..'
At hanggang ngayon, yun pa din ung sinasabi ng mga mata niya..
"Hindi mo pa den ako pinapansin hanggang ngayon.."
"Hindi.. Hindi lang ako makapaniwala na nandito ka ngayon.. Kase.. Kase buong gabi, ito.. ito yung pinagdasal ko.. Na sana.. Na sana dumating ka.. Kala ko kase.. Kinalimutan mo na ko.. Kala ko.. May iba ka na.."
"Kahet kelan ka talaga, haha.."
"Mark naman eh.. Tawanan ba ko? Moment ko to tapos tinatawanan mo ko.."
"Kase naman ung mga iniisip mo eh.. Ikaw, kakalimutan ko? Ikaw, ipagpapalit ko? Hindi ba nakakatawa yun?"
"Kase akala ko - "
"Alam mo namang hindi ko gagawin yun db? Alam mo namang ikaw lang db?"
Napatango na lang ako sa sinabi nya. Tama naman sya eh. Alam kong ako lang pero hindi ko din maalis na matakot. Pero ngayong nandito na sya at sinabi na nya saken na ako pa din talaga yung mahal nya, sobrang saya ko na.. Ang saya saya saya ko.. Alam niyo ung pakiramdam na eto na, eto na ung hinihintay ko buong buhay ko, nandito na, dumating na, wala na kong pwedeng hilingin pa..
"Isang ngiti naman jan.."
Pinunasan ko ung 'tears of joy' ko at ngumiti.. Genuine smile talaga. Kahit sino naman sigurong babae ang nasa lugar ko eh mapapangiti db?
"Alam mo Mark, namiss kita. Yung mga good morning mo saken, yung mga goodnight, mga i love you.. Pero alam mo kung anong pinaka-namiss ko? Yung mga corny mong jokes.. Haha.. Hindi talaga ko makapaniwalang nandito ka.. Hindi naman siguro ko nag-hahallucinate db? Db? Mark? Ma-ark? Ano bang tinitignan mo jan?"
"Yung.. yung kwintas.. Suot mo kase.." Hala, at teary-eyed sya. Mark talaga, gusto akong agawan ng moment. Haha.
"Ah ito ba? Lagi ko namang suot to eh.."
"Talaga?"
"Oo.. Sabi mo yun db? Chaka sabi mo den, tignan ko yan pag nalulungkot ako.. Kaya lagi ko syang suot.. Para twing namimiss kita, bubuksan ko lang sya tapos makikita na kita.. Pag nga naiiisip ko na baka nga may iba ka na dun, tinitignan ko lang din yan.. Tapos naaalala ko ung promise mo na babalikan mo ko.."
"Lika nga dito.."
Niyakap nya ko.. Isa sa mga pinaka-namiss ko sa kanya.. Yung yakap nya na nagbibigay saken ng pakiramdam na ligtas ako.. Na walang pwedeng mangyaring masama saken.. Yung yakap nya na nagdadala saken sa ibang mundo.. Yung yakap nya na nagtatanggal sa lahat ng takot ko.. Yung yakap nya nagsasabing kahit anong mangyari, may Mark na magaalaga saken.. Poprotekta at magtatanggol.. Kahit anong mangyari, may Mark na magmamahal saken habang buhay..
"Kiss! Kiss!"
Bumalik ako sa realidad nung narinig ko yung mga tao na sumisigaw. Anong kiss kiss pinagsasasabi nitong mga to? Ending na ba ng kwento ko?
Kinuha ni Mark yung mic nung narealize na den nya na nagsisigawan na silang lahat ng 'kiss!'.. Hay, magsspeech na naman ang bata. Favorite talaga kahit kelan..
"Good evening po sa inyong lahat.. Siguro ung iba sa inyo nagtatanong kung sino tong tao na to na hindi nio naman kilala na bigla bigla na lang umeepal sa debut ni Kate.. Uh, ako po si Mark.. Yung.. Yung ano.. Uhm.."
"Long-lost boyfriend ni Kate!"
Haha, kahit kelan talaga to si James oh. Syempre nagtawanan lahat ng tao. Haha, long-lost boyfriend..
"Tama po. Long-lost boyfriend ni Kate. Kaya ako nandito ngayon kase hindi naman ako papayag na wala ako sa special night ni Kate.. Ang lagay ba eh kayo lang.."
Tumawa na naman sila.. Tama bang mag-punchline pa sya? Hay, some things really never change..
"Pero maliban sa ayokong kayo lang ang kasama ngayon ni Kate eh may isa pang dahilan kung bakit ako nandito.. May.. May gusto kase akong sabihin kay Kate na gusto ko ding marinig niyong lahat.."
Sasabihin? Uh, i miss you? I love you? Ano? Golay, ano to?!
"Kate - "
"Woopsie! No, no, no.. You can't say that now Mark.. Not now coz i have something important to say. Sayo at syempre, sa debutant. You think you've had enough of me? Pwes, mali kayo.."
"Jane ano ba.." Pabulong na sinabi ni Mark kay Jane. Dont get me wrong, hindi nag-gate crash si Jane. Matagal na kameng nag-kaayos.
"Don't worry, this wont take long.. So give me that damn mic and shoo.." At tuluyan na nga nyang inagaw ung mic kay Mark.
And i thought friends na kame ni Jane.. Ano ba to Lord?
Namaaaaaaaaaaaan! Jane! Ngayon pa! Ngayon ka pa sumingit! Akala ko ba we're ok na?! As in friends.. sisters.. close... ano tong ginagawa mong pag-extra sa moment namen ni Mark?!
"Jane, ano ba to?"
"Shush.. This will only take a minute.."
"Wha - ?"
From experience, it will only take 30 secs for Jane to ruin a very complete moment. Hindi mo kailangan ng isang minuto neng! Dahil pag isang minuto kang nag-moment jan, wala na.. Gunaw na mundo..
"Uh, excuse me everybody.. Since uso naman ang epalan sa debut ni Kate eh makiki-epal na den ako coz i know that i wont get the chance to say this, if not now. So.. Three or so years ago, i met Kate. I hated her so much that i did mean things to her. And when i say mean, i mean the evil kind of mean. Alam ko isa ko sa mga taong nagpahirap talaga sa kanya.. Ako ung resident kontrabida sa buhay niya.. Always thinking devious plans and schemes para lang maging miserable yung buhay niya. But you know what? Though i made her life miserable for probable a year or so, i was never happy..."
History 101 ba ito? Uh, Jane.. Baket mo binubulgar lahat to?
"Siguro kase despite the fact na nakikita ko syang nahihirapan, hindi ko pa din naman nakukuha ung gusto ko. After nung first mess na ginawa ko.. God, she still had the heart na patirahin ako sa bahay nila.. "
Hindi naman ata kabaitan tawag dun eh, katangahan. Hehehe.
"Kate is such a wonderful person. Kala niyo walang naubuhay na tao with a heart of gold? Meron.. Si Kate yun.. Because after all that's been said and done, eto, napatawad pa din nya ko. Hindi ko na ieenumerate ung mga naging kasalanan ko sa kanya but believe me, malala talaga un."
Tama. Malalang malala. At may kahabaan din un. Tipong pasko na, nag-eenumerate pa di sya. Hehe. Pero ok ang, forgive and forget nga db?
"And now, on her very special night, im just so happy to see her finally smiling a genuine smile. Nakita naman naming lahat na though tntry nyang ngumiti this past two years, medyo pilit talaga."
Nanggagaling ba talaga kay Jane tong mga to? I mean, naging ok kame pero.. Hindi ganito ka-ok.. Chaka, ganun ba ko ka-obvious?
"Uh, Kate.. I just want to say sorry. Again. For everything. And thank you for being the person you are - forgiving and loving. You're one of everyone's reason to smile and im so lucky to have you as my... friend."
Awwwww.. Speechless ako.
"And i want you to know that.. Ay shocks, tama bang maiyak ako?"
Niyakap ko si Jane. Grabe, all the resentments gone. All the bad feelings.. Wala na.. Naitapon ko na sa ere.. Lumipad na kasama ng hangin. And gosh, tears again. Haha. Tears of.. Peace of mind? Kahit ano pa yan, basta.. Masaya ko.
"Hay Kate, i want you to be really really really happy."
"Kiss! Kiss!"
"Haha, Sira ulo ka talaga James!"
At syempre lumapit na den si James samen. Ang saya saya naman.
"Papayag ba kong kayo lang ang may speech? Shempre hindi. Dapat ako den.. Sorry lang kay bestfriend Mark. Yun na. Alam nio namang hindi mushy ang mga lalake db? Pero kung gusto nio, handa naman akong halikan si Mark para lang patawarin nya ko."
Ang saya ng mga tao, tawa ng tawa. Para lang nanonood ng theatre play ah.
"Chaka, announcement lang, kame na pala ni Jane. Wala lang, share lang."
And shemaaaaaaaaaaaaay! Hinalikan ni James si Jane! Haha, im so happy for them! Finally naging sila den! Pano sila nag-karon ng something? Haha, mahaba-habang kwento un. But what's important is now. Oh my God, can this night be more perfect?!
Oo, kase Mark's speech is up next...
Aint that happy? James and Jane are finally together! Yung dalawang kontrabida nagkatuluyan. Haha. Kung pano, i wont tell coz it isnt my story. My story is Mark. Si Mark na nakatayo ngayon sa harap ko with so much love and longing in his eyes.
"Ehem ehem.. Congratulations tol.. insan.. Salamat sa pag-epal niyo. Hehe."
Nagsalita na si Mark as soon as the congratulations commotion died down. Parang gusto ng lumundag ng puso ko palabas sa sobrang kaba. Naman..
"So.. where to start.. Uh.. Yeah.. June 6, 2004.. That's more than two years ago, i met someone who changed my life. Alam naman na nating lahat kung sino yun db? Pero para dun sa mga huli sa balita, that someone is the same person standing right next to me.."
And there, he gave me one of those looks na nakakapanghina. Hay, tunaw na tunaw na ko.
"Before Kate, medyo walang direksyon ung buhay ko. Actually, wala talaga. Sobrang lahat bahala na. At syempre, wala akong ibang inatupag kung hindi mambabae. Guilty as charged. Pero nung dumating si Kate, everything changed. Angel in disguise talaga. For the first time, nagkaron ako ng goal sa buhay. Yung at least makatapos man lang ako ng college para may maganda kong future na maibigay sa kanya. Take note, iniisip ko lahat yan hindi pa man kame."
Ok naman Mark, ang futuristic mo talaga.
"The first time i saw her, it really felt different. Naalala ko nun, sinabi ko na kagad sa sarili ko na kahit anong mangyari, magkamatayan man, di ko sya papakawalan. Love at first sight? Pwedeng oo, pwedeng hindi. Ewan, basta ang alam ko lang eh i felt that she was the one even from the first time i ever laid my eyes on her."
Wow, lahat tahimik. It seems that everyone is captivated by Mark. Sino nga ba namang hindi makikinig sa kanya? God, what did i do to deserve someone like him?
"Ang dami naming pinagdaanan. Sya lang sa buong buhay ko ung babaeng nakapagpaiyak saken. Sya lang ung nakapagparamdam saken kung pano mag-alala.. Kung pano maging concerned.. Kung pano mag-mahal.. Yung pakiramdam na isang segundo pa lang yung nakakalipas simula nung huli kayong nag-usap, miss mo na kagad sya.. Yung pakiramdam na parang ikamamatay mo pag hindi mo sya nakita o nakausap man lang.. Yung pakiramdam na buong mundo mo guguho pag nawala sya sayo.. Yung lahat gagawen mo mapasaya mo lang sya.. Kate is one special girl and no one could ever replace her in my heart.."
And no one could ever replace you in my heart.. Ikaw na lang din forever Mark..
"Ang tagal kong hinintay na marinig yung 'i love you' nya.. Lahat na ng pakulo nagawa ko.. Kala ko nga hindi na dadating yung panahon na yun eh.. And finally, exactly 2 years ago, narinig ko din.. Dun sa tuktok ng main building.. Sa gitna ng ulan. One of the happiest moments ng buhay ko.. Yung marinig na mahal din nya ko.."
I wish i said that earlier. Kung alam mo lang kung gano ko ka-pinagsisihan na nag-sayang pa ko ng oras..
"Kaso sandali lang din ung binigay samen eh. A month after, i had to leave. Papuntang America, not knowing kung kelan ako babalik o kung makakabalik ba talaga ko. But just the same, pinangako ko na babalik ako. Para sa kanya."
And you did come back. On this special day.. God knows how happy i am na nandito ka ngayon..
"And now that ive finally returned.. Isa lang.. Isang bagay lang yung gusto kong gawin.. And i'll do this the traditional way.."
Slowly, he knelt in front of me, took my hand and looked straight into my eyes..
"Kate.. Alam mo kung gano kita ka-mahal. You're my weakness and strength at the same time and you mean everything to - no.. You dont just mean everything to me because you are everything to me. And i dont know what i'd do kung mawawala ka saken.. You really are the love of my life.. And i know that no one would ever make me feel this way.. The way you make me feel is just different. Just the thought of you makes me smile.. Pag nakikita kita, laging isa lang ung nasa isip ko.. 'There, that's the girl i want to spend the rest of my life with'.. Corny? Baduy? Typical? Wala akong pakialam. Yun yung nararamdaman ko.."
He took something from his pocket - singsing..
"Im not going to ask you to marry me or to be my wife.. Marriage? Temporary lang yan. I dont want you in my life temporarily. I want you in my life till i breathe the very last breath i could breathe.. Kate... Will you please, please, please be mine...? Even after forever?"
I wanted to say yes.. Gusto kong isigaw sa kanilang lahat na oo! Dahil mahal na mahal na mahal ko din si Mark and i couldnt bear it kung mawawala sya saken.. But words failed me. I couldnt speak. I couldnt utter a single word. Masyadong overwhelming yung nararamdaman ko. Tears were flowing down from my eyes.. I was so happy at that moment that all i could do was nod..
He stood up and placed the ring on my finger, never leaving his eyes on mine. Still, words failed me but i know that whatever i can't say out loud, maiintindihan at mararamdaman nya.
"I love you Kate.."
I was about to tell him i love him too when fireworks rose into the air. He pulled me close and kissed me, his hands wrapped around my waist and neck.
I kissed him back and it simply felt like magic. Parang nothing could go wrong ever again. It was the most perfect kiss in the world - sincere, romantic and full of love.
And that's how im gonna end my story.
A vow of forever with Mark and a sweet kiss under the fireworks.
My own happily ever after...