Saturday, September 10, 2011

Alas dose, trenta'y tres ng madaling araw. At gising pa din ako. Samantalang kanina, mahimbing na akong natutulog. Ayun, may tumawag, nanggugulo lang pala. Nakakainis di ba? Di na ako nakatulog ulit. Palabas sa HBO yung Eat.Pray.Love, 'di ko naman nasimulan kaya 'di ko nadin binalak tapusin. At saka, sabi nila, hindi naman daw maganda. Binuksan ko ulit si Jasper, nag Facebook at naglaro ng tetris. Lumevel up na ako. Nakakatuwa laruin iyon kasi nakakachallenge, ba. Andami kong gagawin bukas, iniisip ko pa lang, napapagod na ako. Bakit ba ang tamad ko? Hindi ko matapos ang isang bagay nang isang upuan. Nakakainggit yung mga taong masisipag. Pinagkaitan ako. Sila na! Hay. Wala naman magawa. Naloloka na ako. Wala akong load. Eh ano naman kung may load ako? Wala din naman akong taong makakausap sa teks. Susubukan ko nang matulog, iisipin ko nalang yung mga bagay na gusto kong mangyari. Shet, sarap sa pakiramdam. Heaven, ba.

Pasensya na, nagblog ako ng walang kwentang bagay. Bow.

No comments:

Post a Comment