Sunday, September 18, 2011

DAY 261

Time check: 11:48PM

Nakikinig ng Sana by Up Dharma Down

Nanonood akong Crazy Little Thing called Love kanina. Pinalabas sa Cinema One, tagalized. Naalala ko, pinanood ko yun, naki-sit-in pa ako sa Zoology class ng blockmate ko. Kapal ng muka ko manood sa netbook ko, sa harap pa ng prof nila. Yung pakiramdam na kinikilig ka, pero hindi ka pwede magingay dahil may prof sa harap. Ayun. Pagkatapos ko panoorin, naging hopeless romantic na naman ako. Hindi ko alam bakit. Ako kasi yung tipong naniniwala padin na dadating yung tamang lalaki para sa'kin. Yung lahat ng gusto ko sa lalaki, o hindi man lahat, eh nasakanya. Nakakalungkot isipin, mukang matatagalan akong mahanap siya. Sabi ng ng kaklase ko noong hayskul, iilan na lang daw ang mga lalaking seryoso at may paninindigan at yung rerespetuhin ka. Alam mo yung pakiramdam na naiinggit ka dahil yung ibang babae masaya dahil nahanap na nila yung sa tingin nilang para sakanila talaga. Eto na naman ako sa mga reklamo ko. Patawad. Iisipin ko nalang siguro yung mga bagay na kailangan kong gawin ngayon linggo. Lalo na ngayon at malapit na magtapos ang semester na ito. Ilang linggo na lang ang titiisin, malaya na kaming muli.

Ano nga ba ang nangyari sa akin kanina? Galing akong Green Park? Ata. Basta yun na yun. Sa may Cainta. Sinamahan ko yung kaibigan ko para dalawin yung ka-something niya dahil may sakit. Baliktad na talaga ngayon, ano? Nakakalungkot isipin na mas ma-effort ang babae. Ewan ko kung bias ako, pero sa tingin ko, may katotohanan ang sinasabi ko. Sa ngayon, eto muna. May pasok ako bukas. Este, mamaya. Nakakainis lang sa pakiramdam na imbes tulog ka pa, eh gigising kang maaga para pumasok.

Saktong 12:00 na, matutulog na ako.

No comments:

Post a Comment