Monday, August 1, 2011

Good things come to those who are willing to wait.

Yung guy na, LOYAL. Naniniwala pa akong meron pa. Kahit super rare nalang. Iintayin kita :) Kasi iba padin yung confident kang, IKAW LANG EH. May mga lalaki din naman talagang kahit anong landi ng ibang girls eh, di pa din sila bumibigay.

Yung guy na, MAY EFFORT. Hindi yung simpleng nagpupuyat lang siya katext na, eh effort na agad. DUH. Is that all what you've got? And hindi din naman (in my case), girls ang nagiinsist na magpuyat yung guys para lang magkatext sila. Yung effort na, kahit simple. It would really mean to us.

Yung guy na, MAY TIYAGA. Sa una ka lang naman susunduin ng boys sa school at ihahatid ka pauwi. Pag kayo na, umuwi ka magisa mo. Hahaha! Ewan ko, pero most of them, ganyan. Sa una lang may ibubuga. Biglang nagiging busy at di ka na ihahatid or susunduin. At wag ka, mamaya ang reason niya lang pala, eh, ayaw niyang magasgasan ang bagong bili niyang sapatos/slippers. SIYA NA!

Ang mga girls, onting surprise mo lang, happy na yan eh. Onting effort mo and pagpapakita mo na you are really there for her, happy na yan. Mga guys kasi madalas, hindi marunong magcompromise. Laging sa relationship, one is one step forward, when supposed to be, you should be both in the same place.

Ay nako, basta ako, sige. Dahil na din sa influence ng friends ko, I AM WILLING TO WAIT :)

Yung guy na hindi ako it-take for granted and who would do the same efforts as mine. GIVE AND TAKE PROCESS. Hindi laging babae ang nagbibigay. Nature na din kasi namin yun. Yung happy nadin kami maging happy lang kayo and we would give anything to make you happy. Yung issurprise ako randomly. Ang sweet di ba? Yung guy na, hindi makatulog hangga't hindi pa ako nakakauwi kung hindi man niya ako masundo. And! Sorry, this might be too mababaw, yung guy na susunduin ako from school KAHIT ONCE :(

Etong blog na 'to, opinion ko lang naman. So don't react na parang inapi ko mga lalaki. Hahaha!

No comments:

Post a Comment